NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang tinatayang P3,400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa tatlong suspek sa isinagawang buy bust operation sa bayan ng Bocaue, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 18 Mayo. Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nasamsam ang isang selyadong foil pack na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 500 gramo …
Read More »P.25-M droga nasabat 2 tulak tiklo sa Rizal
UMAABOT sa 31 gramo ng hinihinalang shabu ang nakompiska ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit (PIU-PDEU) habang arestado ang dalawang pinaniniwalaang mga tulak sa kanilang ikinasang anti-drug operation sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal. Sa ulat ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kay PRO4-A PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, kinilala …
Read More »
Road rage nauwi sa barilan
TRUCK DRIVER PATAY SA ISABELA
ISANG truck driver ang binawian ng buhay matapos barilin ng dalawang hindi kilalang suspek sa gitna ng mainitang pagtatalo sa kalsada sa Brgy. Fermin, sa lungsod ng Cauayan, lalawigan ng Isabela, nitong Huwebes, 19 Mayo. Agad nagsagawa ang mga tauhan ng Cauayan CPS ng manhunt operation laban sa mga suspek sa pamamaril sa biktimang kinilalang si Danilo Bramaje, 42 anyos, …
Read More »P3-M Ketamine kompiskado sa Taiwanese
ARESTADO ang isang Taiwanese national sa 600 gramo ng ketamine na aabot sa P3,000,000 ang halaga sa isinagawang controlled delivery operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Luzon nitong Martes ng madaling araw, 17 Mayo. Kinilala ang arestadong suspek na si Cheng Hong Liao, 33 anyos, may asawa, residente sa Tainan, Taiwan nakompiskahan ng bagaheng naglalaman ng ketamine na …
Read More »
Sa Mountain Province
MAG-AMANG NALUNOD NATAGPUAN SA ILOG
Natagpuan ng mga nagrespondeng rescuer ang mga katawan ng isang lalaki at ng kaniyang anak na pinaniniwalaang nalunod, isang araw matapos umalis sa kanilang hahay para lumangoy sa isang ilog sa Brgy. Banawel, bayan ng Natonin, sa Mountain Province, nitong Linggo, 15 Mayo. Kinilala ni P/Capt. Carnie Abellanida, deputy information officer ng Cordillera PRO, ang mga biktimang sina Rindo Charwasen, …
Read More »
Sa Calauan, Laguna,
NO. 6 MWP NG CALABARZON TIMBOG
NADAKIP ng mga awtoridad ang pang-anim sa most wanted persons ng Calabarzon PNP sa ikinasang manhunt operation sa bayan ng Calauan, lalawigan ng Laguna, nitong Lunes, 16 Mayo. Iniulat ni Laguna PPO Director P/Col. Cecilio Ison, Jr., kay PRO-CALABARZON Regional Director P/BGen. Antonio Yarra ang pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Rogelio Brion, 66 anyos, magsasaka, at residente sa Brgy. …
Read More »Sa Oslob, Cebu <br> ‘KANO PATAY SA PARAGLIDING
HINDI NAKALIGTAS sa kamatayan ang isang American national nang bumagsak ang kanyang glider sa bayan ng Oslob, lalawigan ng Cebu, nitong Linggo, 14 Mayo. Kinilala ang biktimang si Peter Clifford Humes, 63 anyos, education and safety director ng Paraglide Tandem International na nakabase sa Ocean City, New Jersey, USA. Ayon kay P/Col. Engelbert Soriano, director ng Cebu PPO, patuloy ang …
Read More »
Sa Lanao del Sur
POLL WATCHERS NA SINAKTAN NG MGA SUNDALO, LUMANTAD NA
LUMANTAD at nanawagan ng hustisya ang mga poll watchers ng Lumbatan, Lanao del Sur makaraang masaktan sa naganap na agawan ng balota sa pagitan nila at ng 103rd Infantry Brigade kaugnay sa nakalipas na May 9 local and national elections. Sa isinagawang press conference sa Quezn City, ipinakita ng poll watchers ang video, na makikita ang pang-aagaw ng mga miyembro …
Read More »
Nagpanggap na masakit ang tiyan
MOST WANTED NG CEBU UMESKAPO
NAGLUNSAD ng manhunt operation ang mga awtoridad upang muling mahuli ang isang PDL (person deprived of liberty) na tumakas mula sa custodial facility ng Talisay CPS sa lalawigan ng Negros Occidental, nitong Miyerkoles, 11 Mayo. Kinilala ni P/Lt. Col. Arthur Baybayan, hepe ng Talisay CPS, ang tumakas na suspek na si Arnel Ocaña, 38 anyos, residente sa Brgy. Cabatangan, sa …
Read More »
Tutol sa relasyon ng magdyowang 17-anyos
INA SINAKSAK, NILASLAS SA DIBDIB NG ANAK AT NOBYO
PATAY ang isang 44-anyos ina na sinaksak at nilaslas sa dibdib at sa braso ng 17-anyos anak na babae at kaedad na nobyo, sa loob mismo ng kaniyang bahay sa Brgy. Robles, bayan ng La Castellana, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Martes, 10 Mayo. Ayon kay P/Capt. Rhojn Darell Nigos, hepe ng La Castellana MPS, namatay ang 44-anyos biktimang kinilalang …
Read More »
Pagtutulak ginawang sideline,
SEKYU TIMBOG, 7 PA NASAKOTE SA ILEGAL NA DROGA
ARESTADO ang isang security guard na nahuling ginagawang sideline ang pagtutulak ng ilegal na droga kabilang ang pitong iba pang drug suspects sa ikinasang drug buy bust operation ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 11 Mayo. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, nagsagsawa ng drug buy bust operation ang mga tauhan …
Read More »
Gumawa ng kasaysayan sa Bulacan
PLEYTO UNANG KINATAWAN SA BAGONG DISTRITO
GUMAWA ng kasaysayan si Salvador “Ador” Pleyto bilang kauna-unahang kinatawan ng bagong distrito sa lalawigan ng Bulacan. Iprinoklama si Pleyto na nanalong kongresista sa ikaanim na distrito ng Bulacan na sumasaklaw sa mga bayan ng Angat, Norzagaray at Sta. Maria. Nagsilbi si Pleyto bilang undersecretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong 2005 sa ilalim ng liderato ni …
Read More »Mag-asawang robes ng San Jose Del Monte City, landslide winner
MALAKI ang naging agwat ng panalo ng tambalan ng mag-asawang Rep. Florida “Rida” P. Robes at Mayor Arthur Robes ng San Jose Del Monte City (SJDM) laban sa kanilang mga nakatunggali sa ginanap na halalan nitong Lunes, 9 Mayo 2022. Humakot ng botong 136,680 si Rep. Robes kaya’t naging malaki ang kanyang lamang sa kanyang katunggali na nakakuha ng 79,000 …
Read More »
Mga sasakyan nagkagitgitan…
DAHIL SA AWAY SA KALYE, NEGOSYANTE NANUTOK NG BARIL, KALABOSO
ISANG lalaki ang naghihimas ngayon ng rehas na bakal matapos arestuhin ng pulisya sa reklamong panunutok ng baril na nag-ugat sa gitgitan ng mga sasakyan sa Pandi, Bulacan kamakalawa ng gabi. Sa ulat mula kay P/Colonel Alex Apolonio, hepe ng Pandi Municipal Police Station (MPS), ang suspek na arestado ay kinilalang si Bryan Lingad y Cruz, 29-anyos, negosyante at naninirahan …
Read More »Rapist na MWP nasilat sa Bulacan 8 pa arestado
NAHULOG sa mga alagad ng batas ang isang lalaking nakatala bilang municipal most wanted person (MWP) at walong iba pang may kasong kriminal kabilang ang isang lumabag sa umiiral na Omnibus Election Code, sa patuloy na kampanya laban sa krimen, ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 10 Mayo. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial …
Read More »
Sa General Tinio, Nueva Ecija
24 SANGKOT SA BARILAN ISINAILALIM SA INQUEST
ISINAILALIM nitong Miyerkoles, 11 Mayo, ng Philippine National Police (PNP) sa inquest proceedings ang 24 indibidwal na sangkot sa shootout, isang araw bago ang halalan sa Purok Gulod, Brgy. Concepcion, sa bayan ng General Tinio, lalawigan ng Nueva Ecija. Batay sa paunang ulat mula sa PRO3 PNP, ang mga naaresto ay pawang mga security personnel ng dalawang magkatunggali sa pagka-alkalde …
Read More »
Sa Laguna
TULAK TIMBOG SA BUY BUST
ISANG drug suspect, iniulat ni Laguna PPO Acting Provincial Director P/Col. Cecilio Ramos Ison, Jr., kay CALABARZON PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, ang naaresto sa ikinasang buy bust operation, nasamsaman ng P130,000 halaga ng hinihinalang ilegal na droga nitong Martes, 10 Mayo, sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna. Kinilala ni P/Col. Ison ang suspek na si Victor Toralba, …
Read More »
Espesyal na halalan idaraos sa Lanao del Sur
FAILURE OF ELECTIONS IDINEKLARA SA 14 BRGYs
MAGSASAGAWA ng special elections sa 14 barangays sa tatlong munisipalidad ng lalawigan ng Lanao del Sur matapos ideklara ng Commission on Elections (Comelec) ang “failure of elections” sa mga nabanggit na lugar. Sa bahagi ng minutes ng sesyon ng Comelec na ginanap nitong Martes, 10 Mayo, ipinadala sa media ang kopya nitong Miyerkoles, kabilang sa deklarasyon ng “failure of elections” …
Read More »Doktor, unang babaeng gobernador ng Quezon
GUMAWA ng kasaysayan si Quezon province 4th district congresswoman Helen Tan nitong Miyerkoles, 11 Mayo, nang iproklama ang kaniyang panalo sa halalan nitong Lunes, 9 Mayo, bilang kauna-unahang babaeng gobernador ng lalawigan. Ipinakita ang pinal na resulta ng halalan mula sa Commission on Elections (Comelec) na nakatanggap si Tan, isang doktor, ng 790,739 boto mula sa dalawang lungsod at 39 …
Read More »
Sa Montalban, Rizal
HALAL NA ALKALDE KATUNGGALI HINIMOK MAGKAISA
HINIMOK ng bagong halal na alkalde ng bayan ng Rodriguez (Montalban), sa lalawigan ng Rizal na si dating AFP chief Ronie Evangelista ang mga katunggali na magkaisa at kalimutan ang labanan nitong nakalipas na kampanya para sa eleksiyon sa ikauunlad ng kanilang munisipalidad. Nagpasalamat din si Evangelista sa lahat ng Montalbeño na nagbuhos ng kanilang suporta sa laban para sa …
Read More »
Alvarado pinadapa
FERNANDO MULING UUPO SA KAPITOLYO NG BULACAN
NAKAHANDA na si incumbent Governor Daniel Fernando na muling maupo sa Kapitolyo ng Bulacan batay sa partial at unofficial results ng May 9 elections na inilabas nitong Lunes, 10 Mayo 2022. Kumandidato si Fernando sa ilalim ng National Unity Party (NUP) at nakakuha ng botong 967,798 hanggang 8:47 am kahapon sa halos 98 porsiyento ng election returns na naipadala mula …
Read More »
Parang pelikula
BOTOHAN SA BULACAN BLOCKBUSTER SA HABA NG PILA
MAHABANG PILA at mga isyu sa vote counting machines (VCMs) ang naitala sa mga unang oras ng pagboto sa mga presinto sa ilang bayan sa Bulacan kahapon, 9 Mayo 2022. Ang botohan ay nagbukas sa polling precincts ng eksaktong 6:00 am at kahit maaga pa ay dumagsa ang maraming botante. Ang mamamayan, pawang nakasuot ng face masks ay nagsimula nang …
Read More »
Sa 3 dekadang political career,
DUTERTE NAGPAALAM AT NAGPASALAMAT SA DAVAOEÑOS
NAGPAALAM at nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga residente ng Davao City sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na makapaglingkod sa pamahalaan sa nakalipas na tatlong dekada, mula vice mayor noong 1986 hanggang presidente noong 2016. “Hoy, mga buang, dili nako kandidato,” aniya sa mga naghiyawan ng “Duterte, Duterte” matapos siyang bumoto kahapon ng 4:30 pm sa Daniel R. …
Read More »
Sa Rizal
VCMs, SD CARDS NG COMELEC PALPAK, DEPEKTIBO
ni EDWIN MORENO ILANG vote counting machines (VCM) at ScanDisk (SD) memory card ang iniulat na palyado sa iba’t ibang voting precinct sa ilang bayan at lungsod sa lalawigan ng Rizal. Base sa ulat ng Rizal PNP, dakong 1:00 pm kahapon, 9 Mayo, araw ng eleksiyon, nang magkaroon ng aberya ang mga VCM at SD cards. Base sa report, naitalang …
Read More »
Zambales vice governor inasunto
CHILD ABUSE SA 3 PASLIT, SLANDER SA AMA
SUBIC, Zambales – Dumaranas ngayon ng trauma at labis na pagkatakot ang tatlong paslit makaraang pagsisigawan sa kanilang harapan ang kanilang ama ni Zambales Vice-Governor Jay Khonghun at pinagbantaang ipakukulong, kamakailan. Bunsod nito, at sa takot para sa sariling kaligtasan, nagsampa ang ama ng kasong paglabag sa Section 359 ng Revised Penal Code at Section 10(a) ng Republic Act 7610, …
Read More »