Wednesday , November 30 2022
Sextortion’ nabuko parak inaresto ng kabaro

 ‘Sextortion’ nabuko parak inaresto ng kabaro

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang aktibong pulis dahil sa tangkang ‘sextortion’ sa isang apartel sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng madaling araw, 12 Nobyembre.

Kinilala ni IMEG Director P/BGen. Warren de Leon ang suspek na si Pat. Julius Ramos, nakatalaga sa Service Support Division, Intelligence Group sa PNP Headquarters, Cramp Crame.

Huli sa akto ang suspek sa ikinasang entrapment operation dakong 12:30 am kamakalawa sa loob ng isang apartel, sa Brgy. Mangahan, sa nabanggit na lungsod, habang kasama ang nagreklamong babae na hindi na pinangalanan.

Nabatid na inireklamo ang pulis ng kanyang dating karelasyon matapos siyang pagbantaan na ikakalat ang kanilang mga maseselang video kung hindi papayag na makipagtalik sa kanya.

Kasalukuyang nakakulong sa IMEG-NHQ Custodial Facility sa Camp Crame ang suspek at nahaharap sa kasong administratibo at mga kasong kriminal gaya ng grave coercion, kasama ang paglabag sa Cybercrime Prevention Act at Republic Act 9995 o Photo and Video Voyeurism. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa Bicol nasakote sa Pasig

NADAKIP sa lungsod ng Pasig ang isang 48-anyos lalaking wanted sa kasong pamamaslang sa kanyang …

road accident

Bumangga sa barrier
11 PULIS SUGATAN SA TUMAOB NA PATROL CAR

SUGATAN ang 11 pulis nang sumalpok ang kanilang patrol car sa isang concrete barrier saka …

Bukidnon PPO Police PNP

Sa Bukidon
4 PATAY, 2 PA SUGATAN SA ALITAN SA LUPAIN

PATAY ang apat katao habang sugatan ang dalawang iba pa sa insidente ng barilan at …

dead gun police

Aresto nauwi sa enkuwentro, 2 suspek todas, 2 pulis sugatan,

TODAS ang dalawang miyembro ng isang criminal gang habang naaresto ang apat nilang galamay nang …

paputok firecrackers

Halos isang buwan sa pagtatapos ng 2022
PRESYO NG PAPUTOK PATULOY NA TUMATAAS

MAHIGIT isang buwan bago salubungin ng mga Filipino ang taon 2023 sumirit pa ang presyo …