Saturday , July 27 2024
knife saksak

Sa unang birthday party ng anak <br> INA SINAKSAK NG AMA, PATAY

HUMANTONG sa trahedya ang selebrasyon ng unang kaarawan at binyag ng isang bata nang mapatay ng ama ang ina ng kanyang anak sa bayan ng Allacapan, lalawigan ng Cagayan, nitong Lunes, 14 Nobyembre.

Ayon sa ulat ng Allacapan MPS, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga magulang ng bata na kinilalang sina Carissa, 25 anyos, at Nelson, 31 anyos, sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Binubongan, sa nabanggit na bayan.

Nauwi sa karahasan ang kanilang pagtatalo nang saksakin ni Nelson si Carissa na nagawa pang makalabas ng kanilang bahay upang humingi ng tulong.

Agad siyang dinala sa Municipal Health Center ng Allacapan ngunit idineklarang dead on arrival ni Dr. Lea Morena Viloria-Donton.

Samantala, agad tumakbo at tumakas ang suspek patungo sa hindi natukoy na direksiyon.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …