Tuesday , February 27 2024
nakaw burglar thief

Suspek tinutugis <br> NEGOSYANTE NINAKAWAN, SAKA BINOGA

TUKOY na mga awtoridad nitong Huwebes, 10 Nobyembre, ang pagkakakilanlan ng isa sa mga armadong kalalakihang nanloob sa bahay ng isang negosyante at bumaril sa biktima sa patuloy na follow-up investigation ng pulisya sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan.

Naganap ang pagnanakaw at pamamaril noong 4 Nobyembre sa Purok 5, Brgy. Sumapang Bata, sa naturang lungsod dakong 6:10 am.

Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang biktimang si Sofronio Moreno, alyas Tisoy, negosyante, residente sa nabanggit na barangay.

Bigla umanong binaril ng isa sa mga suspek ang biktima na sapilitang pumasok sa kanyang bahay saka tinangay ang kanyang mga nakatagong pera, alahas, at cellphone.

Sa pamamagitan ng PNP E-Rogue’s gallery, positibong kinilala ang isa sa mga suspek ng live-in partner ng biktima at dalawa pang testigo sa naganap na nakawan.

Nahaharap sa mga kasong kriminal ang mga suspek na isasampa sa korte habang patuloy ang follow-up operation ng pulisya sa posibleng pagdakip sa natukoy na suspek at dalawa pang kasabwat.

Tiniyak ni P/Col. Arnedo na ang hustisya ay isisilbi sa biktima at ang mga may kagagawan nito ay pananagutin  sa likod ng rehas na bakal. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

SM Cyberzone Game Fest Feat

Cyberzone Game Fest 2024 is back to celebrate all things gaming
Cyberzone Game Fest at SM Supermalls now on its 9th Year

Calling all gamers, esports enthusiasts, and tech aficionados! Now on its 9th year, Cyberzone Game …

Bulacan Police PNP

Siyam na law offenders sa Bulacan inihoyo

DALAWANG wanted person at pitong lumalabag sa batas ang inaresto ng Bulacan police sa magkaibang …

Birth Certificate PSA

Pinadali at pinabilis na sistema para maiayos ang mga mali sa Birth Certificate nilinaw ng PSA

DETALYADONG ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority o PSA ang mas pinadaling paraan at pinabilis na …

SMC San Miguel Aerocity Biodiversity

SMC launches PHL’s first complete biodiversity offset Site in Bulacan

San Miguel Aerocity, Inc. (SMAI), a subsidiary of San Miguel Corporation (SMC), has inaugurated its …

Sa DigiPlus maging responsableng gamer, puwede

Sa DigiPlus
MAGING RESPONSABLENG GAMER, PUWEDE

PINAIIGTING ng DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), operator ng mga nangungunang digital platform gaya ng BingoPlus, …