Saturday , December 10 2022
Allen Dizon

Allen Dizon kakabilib ang 48 acting awards, sa 25 years na showbiz career

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Allen Dizon sa kinikilala ang husay sa mundo ng showbiz. Bukod sa isang certified A-list actor, siya ay multi-awarded din na so far ay humakot na ng 48 acting awards sa iba’t ibang award-giving bodies at international film festivals.

Ngayong 2022 ay isang milestone rin sa aktor dahil nagse-celebrate ng 25 years sa showbiz sa kanyang makulay na career si Allen.

Siya ay kinilala bilang Hall of Famer sa FAMAS Best Actor at Gawad Pasado Best Actor. Kasama sa long list ng achievements niya ang prestihiyosong URIAN trophy bilang Pinakamahusay Na Aktor ng Taon  para sa kanyang makatotohanang pagganap sa pelikulang Magkakabaung ni direk Jason Paul Laxamana.

Sa pelikulang Magkakabaung, masasabing nagsimula para kilalanin na isang seryoso at mahusay na aktor si Allen.

Sa kabila ng mga parangal na ito, patuloy pa rin si Allen sa pagpapakita ng kanyang husay bilang alagad ng sining.

Kabilang sa mga natapos nang gawin ni Allen na kaabang-abang talagang mga pelikula ay ang Walker ni Direk Joel Lamangan, Abe Nida ni Direk Louie Ignacio na itinuturing ni Allen na most challenging role na ginawa niya so far, Pamilya sa Dilim by Jay Altarejos, Ligalig ni Direk Topel Lee – isang drama-thriller at unang pagsasama nina Allen at ng Superstar at National Artist for Film na si Ms. Nora Aunor, at Oras de Peligro ni Direk Joel.

Ang isa pang aabangang pelikula kay Allen ang sisimulan pa lang na Acetylene Love na ang makakasama naman niya ay ang Cannes Filmfest Best Actress winner na si Jaclyn Jose.

Thankful ang aktor sa mga biyayang natamo sa kanyang career.

Lahad ni Allen, “Napakaraming blessings akong natanggap sa career ko kaya walang katapusan ang pasasalamat ko kay Lord.

“Noong wala pa ako showbiz, nanonood ako ng awards nights at natutuwa akong nakikita ‘yung mga kilalang artista na tumtanggap ng kanilang trophy. Nang mag-artista na ako, sabi ko, ma-nominate lang for best actor, kahit minsan lang, okay na sa akin. So talagang sineryoso ko ang pag-aartista ko, nag-effort talaga akong mas galingan ang craft ko, at kalaunan, it paid off.”

Ang writer-producer-manager na si Dennis Evangelista ay isa sa malaki ang naiambag sa career ng morenong aktor.

“Napakalaking bagay si Dennis sa career ko. Na-meet ko siya nang ginawa ko ang first movie ko sa Regal, ang Tatlong Makasalanan. Siya ay scriptwriter noon and he started managing iyong career ko. Siya ang nag-guide sa akin all these years, na nasa likod ng pelikulang “Magkakabaung” na maraming awards ang ibinigay sa akin pati na sa mga international filmfest.

“Pareho kaming survivors sa industry. Ang dami niyang ipino-produce na movies ngayon, kahit na may pandemic,” nakangiting sambit ni Allen.

About Nonie Nicasio

Check Also

vhong navarro tanya bautista

Tanya masayang-masaya sa pansamantalang paglaya ni Vhong

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para kay Vhong Navarro para sa pansamantala nitong kalayaan. Nitong …

Bea Alonzo Magpakailanman MPK

Bea sa MPK — ‘di lang takutan, it’s very heartbreaking

RATED Rni Rommel Gonzales BIBIDA si Bea Alonzo sa isang special episode ng ika-20 anibersaryo ng Magpakailanman sa Sabado. …

Jeric Gonzales Broken Blooms Louie Ignacio

Jeric at pinagbibidahang pelikula humakot ng award 

BAGO pa man ipalabas dito sa Pilipinas ang Broken Blooms, humakot na ito ng awards mula …

Imee Marcos Atang Paris

Sen. Imee nagritwal ng Atang sa Paris!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio DADALHIN ni Senadora Imee Marcos ang kanyang vlog followers sa …

Alfred Vargas

Alfred Vargas, passion ang showbiz at paglilingkod sa bayan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKATATLONG termino bilang congressman ng District 5 ng Quezon City …