Thursday , June 4 2026
Korina Sanchez Small Laude

Small Laude, may aaminin kay Korina Sanchez

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG panibagong exciting at kaabang-abang na episode ang mapapanood sa Korina Interviews, na host ang multi-awarded broadcaster na si Korina Sanchez-Roxas.

Ang pinakabagong talk of the town ay muli na namang kagigiliwan ng mga manonood dahil makaka-chikahan niya ang social media star at kaibigan niyang si Small Laude.

Dito’y inamin ni Small na noong siya ay bata pa, pangarap niyang maging donya at magkaroon ng sarili niyang chedeng. May paborito siyang yaya sa lahat ng mga lumabas sa kanyang mga vlogs (sino kaya?). Hindi aprobado ng kanyang buong pamilya ang kanyang vlogging at na-depress ang kanyang mga anak dahil dito. At ngayon, mas inirerepesto siya ng kanyang asawa.

“Very personal ang kuwentohan namin dahil matagal na kaming magkaibigan at para lang kayong nag-e-eavesdrop,” pahayag ni Korina.

“Kilala ko na si Small bago pa man siya pumasok sa vlogging at alam ko ang pakiramdam niya na siya ay disempowered. Maligaya ako at nahanap niya ang kanyang sarili sa mundo ng online!”

“I’m telling all. Basta. Of course. No bashing. It’s just for fun. Of course,” sabi naman ni Small.

Hitik sa katotohan at kasiyahan ngayong Linggo (13 Nob.) sa Korina Interviews sa NET25 (5:00 p.m.).

Maaari rin mapanood ang episode na ito sa YouTube Channel ng Rated Korina sa Miyerkoles (16 Nob. 8:00 p.m.).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …