MAHIGIT isang buwan bago salubungin ng mga Filipino ang taon 2023 sumirit pa ang presyo ng paputok at iba pang pyrotechnic devices na ibinebenta sa bayan ng Bocaue, sa lalawigan ng Bulacan. Ayon kay Lea Alapide, Presidente ng Philippines Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc., kabilang sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng paputok ang kakulangan ng kanilang stocks …
Read More »Halos isang buwan sa pagtatapos ng 2022
‘Shabu’ pinalitan ng tawas tulak patay sa boga ng ‘suki’
ISANG hinihinalang kawatan at tulak ng ilegal na droga ang binaril at namatay sa katanghaliang tapat nitong Biyernes, 25 Nobyembre, sa Purok Kingfisher A, Brgy. 16, lungsod ng Bacolod, matapos magbenta ng pekeng shabu nitong Huwebes, 24 Nobyembre. Kinilala ng pulisya ang pinaslang na ‘tulak’ na si Mark Christian John Luceño, 31 anyos, residente sa Brgy. 35, sa nabanggit na …
Read More »Kapitbahay nag-amok babae pinugutan, pamangkin tinaga
PATAY ang isang babae matapos pugutan ng ulo, habang sugatan ang kanyang pamangkin nang tagain ng amok na kapitbahay sa Purok Himaya, Brgy. Maquiling, lungsod ng Sagay, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Sabado, 26 Nobyembre. Kinilala ang napaslang na biktimang si Gelly Recodo, 58 anyos; at kanyang sugatang pamangkin na si Bernalyn Abranilla, 33 anyos, kapwa mga residente sa Brgy. …
Read More »
Wanted rapist nasakote
7 LAW VIOLATORS TIKLO
ARESTADO ang isang lalaking may kasong panggagahasa kasama ang iba pang indibidwal na pawang may paglabag sa batas sa operasyong isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 26 Nobyembre. Inihayag ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip sa inilatag na manhunt operation ng tracker team ng Sta. Maria MPS ang suspek na kinilalang si John …
Read More »
Sa Abucay, Bataan
HVT ARESTADO
MATAPOS ang dalawang-buwang surveillance, dinakip sa bisa ng warrant of arrest, ng mga anti-narcotic operatives sa pangunguna ng PDEA Bataan Provincial Office ang isang lalaking nakatala bilang isang high value target (HVT) sa bayan ng Abucay, lalawigan ng Bataan, nitong Sabado ng tanghali, 26 Nobyembre. Kinilala ang nasakoteng suspek na si Ishad Dela Fuente, 38 anyos, residente sa Dela Fuente …
Read More »
Sa Lumban, Laguna
NO. 1 KAGAWAD, 1 PA TIKLO SA BUYBUST
ARESTADO sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust ang isang barangay kagawad at kanyang kasabwat sa Brgy. Maracta, bayan ng Lumban, lalawigan ng Laguna nitong Miyerkoles ng madaling araw, 23 Nobyembre. Sa ulat kay P/Col. Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO ni P/Capt. Ed Richard Pacana, hepe ng Lumban MPS, kinilala ang mga suspek na sina Dhalyn Mercado, alyas …
Read More »
Sa Tanauan, Batangas
DATING AHENTE NG ONLINE SABONG PATAY SA PAMAMARIL
BINAWIAN ng buhay ang isang 40-anyos lalaking napag-alamang dating ahente ng online sabong nang barilin ng riding-in-tandem sa isang karinderya sa Purok 2, Brgy. Darasa, lungsod ng Tanauan, sa lalawigan ng Batangas nitong Miyerkoles ng madaling araw, 23 Nobyembre. Kinilala ang biktimang si Alejandro Tañedo, Jr., alyas Lucky, 40 anyos, residente sa Brgy. Boot, sa nabanggit na lungsod. Nabatid na …
Read More »
Coastal community tinupok ng apoy
700 PAMILYA NAWALAN NG TAHANAN SA MANDAUE
HINDI bababa sa 700 pamilya ang nawalan ng masisilungan nang sumiklab ang malaking sunog sa isang coastal community sa Sitio Paradise, Brgy. Looc, sa lungsod ng Mandaue, lalawigan ng Cebu, nitong Martes ng gabi, 22 Nobyembre. Umabot sa pang-apat na alarma ang sunog na umabo sa 250 kabahayan na tinatayang P1-milyon ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian. Ayon kay …
Read More »Provincial Children’s Congress ginanap sa Bulacan
“BILANG tagapagtaguyod ng mga bata at ama ng lalawigang ito, batid ko ang aking tungkulin na pangalagaan ang malinaw na kinabukasan ng Bulacan sa pamamagitan ng pagseseguro sa proteksiyon, kalinga, kaunlaran at kalayaan ng ating mga anak. At habang ipinagdiriwang natin ang makabuluhang buwan para sa ating mga kabataan, naalala ko ang nasabi ni dating Pangulong Barack Obama: The future …
Read More »5 bebot naisalba vs ‘drive-thru’ prostitution, bugaw timbog
NAILIGTAS ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Human Trafficking Division ang limang kababaihan, kabilang ang dalawa pang menor de edad, at inaresto ang isang lalaki na sinasabing nagbubugaw sa kanila sa Bulacan. Kinilala ang suspek na si Mark Abungcay, ayon sa NBI ay ibinubugaw ang mga biktima gamit ang ‘online menu’ na may mga larawan nila. Ayon kay NBI spokesperson …
Read More »
Tunay na malasakit ipinadama
HEPE NG LAGUNA PPO BUMISITA SA MGA BIKTIMA
PERSONAL na bumisita si P/Col. Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO sa isang biktima ng krimen nitong Lunes ng hapon, 21 Nobyembre, sa Laguna Provincial Hospital, sa lungsod ng Sta. Cruz. Sa pamamagitan nito, naipadama ni P/Col. Silvio ang tunay at taos-pusong pagmamalasakit kasama ang Ladies Officer Club at si P/Capt. Ed Richard Pacana, hepe ng Lumban …
Read More »Ina, 3 teenager na anak sugatan sa sagitsit ng matalim na kidlat
NASAKTAN at nasugatan ang apat na miyembro ng isang pamilya nang tamaan ng kidlat ang kanilang bahay sa Sitio Racudo, Brgy. Talisay, bayan ng San Andres, nitong Lunes ng gabi, 21 Nobyembre. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Marivic Urtal, 43 anyos; at kanyang mga anak na sina Annarose, 19 anyos; Annabel, 12 anyos; at Annamarie, 16 anyos, pawang …
Read More »RSA, nagbukas ng livelihood center para sa mga taga-Bulakan, Bulacan
PINAG-IBAYO ng San Miguel Corporation (SMC) ang pagbibigay ng kabuhayan at pagkakataong makapagnegosyo ang halos 500 pamilya sa bayan ng Bulakan, lalawigan ng Bulacan matapos buksan ang isang livehood center at pormal na pagbubuo ng consumers’ cooperative habang patuloy ang trabaho sa itatayong New Manila International Airport (NMIA). Sa pamamagitan ng San Miguel Aerocity Inc. (SMAI) Livelihood Center, ang mga …
Read More »Bulacan provincial gov’t namahagi ng ayuda, 12,000+ pamilya nakinabang
NAKATANGGAP ang may kabuuang 12,068 pamilyang Bulakenyo na naapektohan ng bagyong Karding at Paeng ng relief goods mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare & Development Office (PSWDO). Inatasan ni Bulacan Governor Daniel Fernando si PSWDO head Rowena Tiongson na magsagawa ng relief operations na nagsimula noong 18 Nobyembre sa bayan ng Calumpit na may …
Read More »Manyak na rapist nakalawit, 2 wanted, 9 tulak nabitag
NAGWAKAS ang matagal nang pagtatago sa batas ng isang lalaki na may kasong panggagahasa nang maaresto kabilang ang dalawa pang pinaghahanap ng batas at siyam na hinihinalang tulak sa operasyong isinagawa ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Martes, 22 Nobyembre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang arestadong suspek na si Andy Villagracia, …
Read More »
Kasunod ng pagsabog sa Sta. Maria, Bulacan
RANDOM INSPECTION SA MGA MANGGAGAWA, MANGANGALAKAL NG PAPUTOK INIUTOS
MAHIGIT isang buwan bago ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, ipinag-utos ni P/BGen. Cezar Pasiwen, PRO3 Regional Director, na magsagawa ng random inspection sa mga manggagawa at mangangalakal ng paputok kasunod ng nakaraang pagsabog sa Sta. Maria, Bulacan. Ipinahayag ni P/BGen. Pasiwen, ang pakikipag-ugnayan sa local government units ay kanilang isinagawa upang matiyak na lahat ng mga kinakailangan batay …
Read More »Rank 7 MWP inaresto, 2 pulis Laguna pinarangalan
SA PAGKAKADAKIP sa rank no. 7 most wanted person (MWP) ng lalawigan ng Laguna, binigyan ng Medalya ng Papuri (PNP Commendation Medal) bilang pagkilala sina P/SMSgt. Mark Vallian Rey at P/SSg. Mark Anthony Panit sa flag raising ceremony nitong Lunes, 21 Nobyembre, sa Camp Gen. Paciano Rizal, Sta. Cruz, Laguna. Ang komendasyon sa dalawang pulis ay alinsunod sa mga probisyon …
Read More »Sa Maguindanao, 2 LALAKI DEDBOL SA AMBUSH
DALAWANG lalaking walang pagkakakilanlan ang binawian ng buhay nang tambangan sa abalang bahagi ng national highway sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, lalawigan ng Maguindanao, nitong Lunes ng umaga, 21 Nobyembre. Ayon kay P/Lt. Col. Nelson Madiwo, Datu Odin Sinsuat MPS, sakay ang mga biktima ng berdeng Toyota Vios nang tambangan ng mga suspek dakong 9:45 am kahapon sa Brgy. …
Read More »Binatilyo, 6 iba pa nalambat sa drug bust
ARESTADO ang isang lalaking menor de edad at anim pang personalidad, sa ikinasang drug entrapment operation sa Brgy. Gaya-Gaya, lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 20 Nobyembre. Sa ulat mula sa PDEA Bulacan Provincial Office, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Angelito Alfaro, 23 anyos; Roger Lopez, 22 anyos; Henry Jumadiao, alyas Potpot, …
Read More »Sa Batangas <br> RO-RO, BANGKA NAGKABANGGAAN 3 PASAHERO NASAGIP
NAKABANGGAAN ng isang roll-on-roll-off (Ro-Ro) passenger ferry ang isang bangkang de motor habang papadaong sa Batangas Port nitong Linggo ng umaga, 20 Nobyembre. Ayon sa paunang ulat mula sa Philippine Coast Guard (PCG), sumalpok ang M/V Stella Del Mar, na pag-aari ng Starlite Ferries Inc., sa isang bangkang de motor 500 metro mula sa dalampasigang bahagi ng Brgy. Pagkilatan, sa …
Read More »Sa Lumban, Laguna <br> MAG-AMA TIMBOG SA DROGA
ARESTADO ang dalawang lalaking napag-alamang mag-ama, sa ikinasang anti-drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Salac, bayan ng Lumban, lalawigan ng Laguna, nitong Sabado ng hapon, 20 Nobyembre. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Provincial director ng Laguna PPO, ang mag-amang suspek na sina Hector at Neil Llamanzares, nadakip sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Lumban MPS dakong …
Read More »Haybol ginawang batakan, bentahan ng shabu sinalakay 3 naaktohang tulak nasakote
SINALAKAY ng mga awtoridad ang isang bahay sa Brgy. Minuyan Proper, sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, na pinaniniwalaang ginawang drug den saka dinakip ang tatlong hinihinalang tulak sa ikinasang operasyon kontra ilegal na droga ng mga awtoridad nitong Linggo ng umaga, 20 Nobyembre. Sa ulat mula sa PDEA Bulacan Provincial Office, sa ipinaing operasyon dakong …
Read More »Sa Bocaue, Bulacan <br> ILLEGAL MANUFACTURER NG PAPUTOK TIMBOG
ARESTADO ang isang lalaki matapos maaktohang gumagawa ng malalakas na uri ng paputok na walang kaukulang permiso sa operasyong isinagawa ng pulisya sa Sitio Bihunan, Brgy. Biñang 1st, sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, 18 Nobyembre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang suspek na si Renato Siongco, Jr., alyas Reden, 45 anyos, …
Read More »Yes vote sa baliwag hinikayat
KOMBINSIDO si barangay chairman Ariel Cabingao, Vice Chairman for Advisory Council, na mananalo ang botong Yes vs No sa pagiging component City ng Baliwag, sa lalawigan ng Bulacan. Napag-alamang mayorya ng 27 barangay sa Baliwag ang naniniwalang maipapanalo nila ang Yes to Component City sa pamamagitan ng plebesito sa darating na 17 Disyembre. Ayon kay Brgy. Chairman Cabingao, marami ang …
Read More »Babaeng negosyante patay sa holdap,2 suspek arestado
ILANG oras matapos isagawa ang krimen, agad nadakip ng mga awtoridad ang dalawang lalaking nangholdap at nakapatay sa isang babaeng negosyante sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan, nitong Biyernes ng madaling araw, 18 Nobyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Juan Mejica, alyas Bakal, residente sa …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com