Wednesday , May 29 2024
arrest, posas, fingerprints

Guro at driver tiklo sa swindling at estafa

Inaresto ng intelligence operatives ng Baliwag City Police Station (CPS) ang dalawang indibiduwal sa inilatag na entrapment operation sa Brgy.Bagong Nayon, Baliwag City, Bulacan kahapon, Enero 9.

Ang dalawang arestado ay isinasangkot sa mga reklamong Swindling/Estafa, Robbery Extortion at Falsification of Public Documents.

Ayon sa ulat mula kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang entrapment operation ay ikinasa sa loob ng isang  fast-food restaurant sa Baliwag City na nagresulta sa pagkaaresto kina Melanie Pastrana, 49, professional teacher, mula sa  Malipampang, San Ildefonso, at Christopher Verdillo, 46, isang driver, mula sa  Malamig, Bustos, matapos na sila ay tumanggap ng marked “boodle” money mula sa nagrereklamong biktima.

Batay sa imbestigasyon, sa naging transaksiyon noong Hulyo 8, 2022, kabuuang Php 503,000.00 ang tinanggap ng mga suspek bilang kabayaran sa pagsasaayos at madaliin ang transaksiyon para sa paglilipat ng land title na kinuha ng biktima.

Dagdag pang sinabi ng biktima na ang mga suspek ay ay nabigong isaayos ang paglilipat ng titulo sapagkat ang mga dokumento na kanilang ibinigay na mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ay ay sinasabing gawa-gawa lamang.

Lumapit na ang biktima sa mga awtoridad para humingi ng tulong nang si Pastrana at kanyang kasabuwat ay muling humingi ng dagdag na PhP 500, 000 kapalit ng mabilis na transaksiyon para sa paglilipat ng titulo.

Inihahanda na ang mga reklamong kriminal laban sa mga suspek na kasalukuyang nakadetine sa Baliwag City Police Station.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers

SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers

IPINAHAYAG ng Social Security System (SSS) na mahigit 800 job order (JO) na manggagawa sa …

Sa Bulacan 3 TULAK, 1 PUGANTE NASAKOTE NG PNP

Sa Bulacan  
3 TULAK, 1 PUGANTE NASAKOTE NG PNP

Arestado ng Bulacan PNP ang tatlong nangangalakal ng droga at isang pugante sa isinagawang anti-crime …

Quezon Provincial Police Office Lucena

8 intel officer arestado sa palpak na drug raid

CAMP VICENTE LIM, LAGUNA — Walong intelligence officer ang inaresto ng kanilang mga kasamahan sa …

shabu drug arrest

 6 tulak ng droga, timbog sa buybust

BAGSAK sa kulungan ang anim na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkakahiwalay …

Arrest Caloocan

Wanted sa kasong Murder
MISTER HOYO SA KANKALOO

ARESTADO ang isang mister na wanted sa kaso ng pagpatay sa isinagawang manhunt operation sa …