Tuesday , July 16 2024
Alexa Ocampo Christine Bermas

Alexa Ocampo, na-overwhelm sa sunod-sunod na projects sa Vivamax

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HATAW ngayon sa sunod-sunod na projects ang sexy actress na si Alexa Ocampo. Kasama siya sa cast ngSuki ni direk Albert Langitan na pinagbibidahan ni Azi Acosta.

Si Alexa ay bahagi rin ng cast ng Night Bird na tinatampukan ni Christine Bermas, at mula sa pamamahala ni direk Law Fajardo. Ang third project niya ay pinamagatang Afam.

Ipinahayag ni Alexa ang kanyang reaction dahil sunod-sunod ang movies niya ngayon.

Saad ng aktres, “Nakaka-overwhelm po, sobra! Actually, I still don’t know pa po how to deal with it since it affects me strongly… shifting characters kasi week lang ang pagitan ng dalawang films noong shinoot namin.

“But I’m really thankful po of course, lalo sa Viva at sa manager ko for giving me such opportunity po na ipakita rin yung acting skills ko.”

Sa Night Bird ba ay nagpa-sexy siya? Tugon ni Alexa, “Medyo po pero wala akong bed scene, rape scene lang po, bale.

“So, sa movie, bestfriend po ako ni Christine, paalis siya pa-ibang bansa kaya nag-decide kaming mag-night out. Na-meet namin yung group ng boys sa club. Si Arron Villaflor po ang partner ko that night sa na-meet namin sa club, then nalasing at drugged kami kaya na-rape ako at accidentally may nangyari rin po sa akin”

Sa rape scene ba ay nude siya? “Hinubaran po, conscious pa naman ako and triny na lumaban sa film.

“Eto po yung masasabi kong film ng Vivamax na filled with amazing actors po. Kaya no doubt po bakit maganda yung naging outcome ng movie.

“In addition lang pom mahinhin at virgin type po ako rito sa movie. Sobrang mahiyain po talaga ang role ko,” pakli pa ni Alexa.

About Nonie Nicasio

Check Also

Billy Crawford

Hindi ako adik — Billy Crawford

MA at PAni Rommel Placente PAYAT ngayon si Billy Crawford. Sinasabi tuloy ng iba na gumagamit …

Pulang Araw 2

Official primer ng bagong show ng GMA nakakikilabot

RATED Rni Rommel Gonzales VIRAL na sa social media ang official primer ng most important …

Michelle Gumabao

Michelle gustong tutukan akting, hosting 

I-FLEXni Jun Nardo IPAGPAPATULOY ng volleyball player na si Michelle Gumabao ang naudlot niyang showbiz career nang …

Blind Gay Couple

Opisyal na babaero sinubasob si male starlet

ni Ed de Leon SINO nga ba iyang opisyal na malaki ang katawan at bilog ang tiyan, …

Pulang Araw

Bagong serye ng GMA ginamitan ng CGI

HATAWANni Ed de Leon MATAGAL na kaming hindi nanonood ng mga serye sa telebisyon. Nakakasawa …