Friday , March 31 2023
Bulacan Police PNP

18 pasaway inihoyo sa Bulacan

SUNOD-SUNOD na naaresto ang 18 indibidwal na pawang may mga paglabag sa batas sa walang humpay na police operations sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Miyerkoles ng umaga, 11 Enero.

Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, unang inaresto ang pitong personalidad sa droga sa serye ng anti-illegal drug operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga himpilan ng Bulakan, Guiguinto, Pandi, Plaridel, San Ildefonso, at San Jose del Monte katuwang ang mga elemento ng SOU 3, PNP DEG.

Nasamsam sa mga operasyon ang kabuuang 24 pakete ng hinihinalang shabu, tatlong pakete ng tuyong dahon ng marijuana, coin purse, cigarette pack, at buy-bust money.

Dinala ang mga suspek at nakompiskang mga ebidensiya sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) para sa naaangkop na pagsusuri.

Samantala, nasakote ang pito kataong sangkot sa iba’t ibang insidente ng krimen na naganap sa mga bayan ng Angat, Balagtas, Doña Remedios Trinidad, at Marilao.

Dinakip ang apat sa mga suspek kaugnay ng kasong Qualified Theft; at tatlo sa mga kasong Frustrated Homicide, Theft, at paglabag sa  RA 7610 (Physical Abuse).

Gayondin, nasukol ang apat kataong pinaghahanap ng batas sa inilatag na manhunt operations ng tracker teams ng Guiguinto, San Rafael, at Pandi MPS katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) para sa mga kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines (The Copyright Law) at sa RA 11313 (The Safe Spaces Act).

Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/stations ang mga suspek para sa nararapat na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …