Thursday , March 30 2023
Bulacan Police PNP

POLICE OPERATIONS SA BULACAN PINAIGTING
14 tulak, 6 wanted nasakote

ARESTADO ang 14 na pinaniniwalaang drug dealers at anim na wanted persons sa patuloy na pinaigting na police operations sa lalawigang ng Bulacan hanggang Martes ng umaga, 17 Enero.

Kinilala ang 14 na drug suspects na sina Robin Mar Dela Cruz, Ramil Dela Cruz, Jenielyn Dela Cruz, Reynaldo Dela Cruz, Rannie Dolaota, Benjo Leona, Caroline Dela Cruz, Mark Russell Matriano, Richard Nishimoto, Goldwyn Maniego, Wilfredo De Leon, Ritchie Diaz, Jopay Saavedra, at Ericka Palces.

Inaresto ang mga suspek sa serye ng drug sting operations ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Meycauayan, Marilao, Sta. Maria, Plaridel, at Bocaue C/MPS.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang kabuuang 28 pakete ng hihinalang shabu, drug paraphernalia, at bust money na ginamit sa operasyon.

Samantalang sa lungsod ng Malolos, nadakip ang mga tauhan ng Bulacan CIDG sina MN Quirabo, J Tuazon, at E Tuazon, pawang mga wanted sa paglabag sa PD 705 o Illegal Logging (The Forestry Reform Code of the Philippines) (Service of Sentence) sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Tabuk City RTC Branch 25 sa Kalinga.

Gayundin, sa serye ng pursuit operations ng mga tauhan ng Sta. Maria, San Ildefonso, at Bulakan MPS ay natunton ang tatlo pang wanted na mga kriminal na sangkot sa iba’t ibang kaso na nagresulta sa kanilang pagkaaresto.

Pahayag ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang masigasig na opensiba laban sa ilegal na droga, pagtugis sa mga wanted na kriminal, at solusyon laban sa krimen ay bilang pagtalima sa mandato ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …