NANAWAGAN si Bulacan Vice Governor Alexis C. Castro sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang pagsubaybay at pagberipika ng impormasyon bilang tugon sa nakaaalarmang mga paskil na kumakalat sa social media na nagdulot ng panic sa mga residente ng Bulacan. Ipinatawag ni Castro ang Committee on Peace and Order at ang Committee on Communications, Information Technology, and Mass Media …
Read More »Nagdulot ng panic sa Bulakeños
DOST Region 1 Takes the Lead to Modernize Laoag’s Transportation with Smart Solutions
The Department of Science and Technology – Region 1 (DOST-1), through its Provincial Science and Technology Office – Ilocos Norte (PSTO-IN), has embarked on a transformative initiative to improve Laoag City’s transportation system as part of the Smart and Sustainable Communities Program (SSCP). During a planning workshop held in September 2024, city officials and department heads identified transportation as a …
Read More »Nasagasaan ng truck matapos mabunggo ng MPV Laborer patay sa Antipolo
NAMATAY noon din ang isang 35-anyos construction worker matapos mabangga ng isang multi-purpose vehicle (MPV) at masagasaan ng isang 16-wheeler truck habang tumatawid sa kalsada sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Martes, 11 Pebrero. Sa kuha ng CCTV, tumatawid ang biktima sa Antipolo-Teresa Road upang bumili ng almusal nang mabangga ng puting MPV, dahilan upang bumagsak siya sa …
Read More »2.25 kilo ng damo kompiskado, 2 suspek nakasibat
TINATAYANG mahigit sa dalawang kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nakompiska ng mga awtoridad sa isang operasyon na isinagawa sa Purok 1, Brgy. Batong Malake, Los Baños, Laguna, kahapon ng 1:15 madaling araw, 12 Pebrero. Sa ulat ng Los Baños Municipal Police Station (MPS), nagsagawa sila ng operasyon laban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakakompiska ng mga …
Read More »
‘Modus’ sa Bocaue bistado ng NBI
IMBAK NA LUMANG BIGAS PLUS HALONG VARIETY AT PABANGONG PANDAN EQUALS PREMIUM RICE
ni MICKA BAUTISTA NADISKUBRE ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang bodega sa Bocaue, Bulacan na nag-iimbak at nagbebenta ng mga luma at imported na bigas na itinago bilang premium-grade grain. Tumambad sa mga ahente ng NBI ang tambak ng mga imported na bigas na nakaimbak nang hindi bababa sa dalawang taon, kasama ang mga kagamitan na ginagamit sa …
Read More »
Sa Bulacan
Makeshift drug den binuwag ng PDEA
WINASAK ng mga operatiba ng PDEA Bulacan Provincial Office ang isang makeshift drug den na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang operator nito at kasamang dalawang galamay kasunod ng buybust operation sa Brgy. Minuyan Proper, lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng gabi, 11 Pebrero. Kinilala ng PDEA team leader ang naarestong drug den maintanainer …
Read More »Checkpoint sinalpok ng motorsiklo Pulis sugatan, rider timbog
SUGATAN ang isang pulis nang sadyang sagasaan ng driver ng motorsiklo sa pagtatangkang umiwas sa joint COMELEC checkpoint operation sa Brgy. Nagbunga, sa bayan ng San Marcelino, lalawigan ng Zambales, nitong Lunes, 10 Pebrero. Kinilala ang sugatang alagad ng batas na si P/Cpl. John Nelson Flores, 36 anyos, residente sa Brgy. Pamatawan, Subic, Zambales, na tinamaan sa kaniyang kanang paa …
Read More »Vintage bomb nilagari kagawad patay sa pagsabog
AGAD namatay ang isang 42-anyos kagawad ng barangay habang nasa kritikal na kondisyon ang kaniyang tauhan, nang sumabog ang isang vintage bomb na sinusubukan nilang buksan gamit ang lagari nitong Sabado, 8 Pebrero, sa bayan ng Bambang, lalawigan ng Nueva Vizcaya. Kinompirma ni P/Maj. Nova Lyn Aggasid, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya PPO, na agad binawian ng buhay ang kagawad habang …
Read More »
Sa La Paz, Leyte
6 magkakapamilya nakaligtas sa landslide
HIMALANG nakaligtas ang anim na magkakapamilya matapos gumuho ang lupa sanhi ng malakas na pag-ulan dahil sa shear line sa Brgy. Bocawon, bayan ng La Paz, lalawigan ng Leyte, nitong Lunes, 10 Pebrero. Naganap ang landslide dakong 10:00 ng umaga nang bumigay ang lupa sa bundok kasunod ng pag-apaw ng ilog at pagbaha sa dalawang bahay. Ayon kay Domingo Ero, …
Read More »
Para sa ligtas at maayos na halalan sa Mayo
Crackdown sa loose firearms sa Central Luzon pinaigting
SA PAPALAPIT na pambansa at lokal na halalan sa Mayo 2025, pinaigting ng PRO3 PNP sa pamumuno ni Regional Director P/BGen. Jean Fajardo, ang kampanya laban sa loose firearms, na tinitiyak ang ligtas at maayos na prosesong elektoral sa Central Luzon. Mula 10 Enero hanggang 8 Pebrero, matagumpay na naisakatuparan ng PRO3 ang pagsisilbi ng 39 search warrant, na humantong …
Read More »3 tiklo sa back-to-back operations ng PRO3
SA WALANG TIGIL na pagsusumikap at paglaban sa ilegal na droga sa Central Luzon, matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng PRO3 ang tatlong drug suspects sa magkakahiwalay na buybust operation sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga, na humantong sa pagkakakompiska ng 105 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P700,000. Isinagawa ang unang operasyon noong nakaraang Miyerkoles, …
Read More »P2.7-M shabu mula sa Rizal idinayo sa Pampanga, tulak tiklo
HINDI natuloy ang tangkang pagpupuslit at pagbebenta ng ilegal na droga ng isang hinihinalang tulak mula sa Rizal nang madakip ng mga awtoridad sa bayan ng Magalang, lalawigan ng Pampanga, nitong Miyerkoles, 5 Pebrero. Nasakote ng mga operatiba ng Magalang MPS sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 (PDEA 3), ang suspek na kinilalang si alyas Ben, 30 …
Read More »
Sa Maguindanao del Sur
AIRCRAFT BUMAGSAK, 4 FOREIGNER PATAY
HATAW News Team APAT na dayuhan ang kompirmadong nasawi sa insidente ng pagbagsak ng isang aircraft sa bayan ng Ampatuan, lalawigan ng Maguindano del Sur, nitong Huwebes ng hapon, 6 Pebrero. Sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Ampatuan MDRRMO, naganap ang insidente sa Brgy. Malatimon, sa nabanggit na bayan dakong 2:00 pm kahapon. Patuloy ang …
Read More »Puganteng rapist tiklo
NASAKOTE ng mga operatiba ng PRO3 ang isang lalaking nakatalang high-profile na pugante sa manhunt operation na inilatag sa bayan ng Balagtas, lalawigan ng Bulacan. Dinakip ng pinagsanib na puwersa ng 3rd Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Bulacan PPO, sa koordinasyon ng Bulacan West PIT-RIU3, Balagtas MPS, Bocaue MPS, at 305th at 301st Maneuver Companies ng RMFB3 …
Read More »Mga mangingisda sa Bulacan tumanggap ng suportang pangkabuhayan mula sa BFAR
SA PAGTUTULUNGAN ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 3 at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa pangunguna ni Gov. Daniel Fernando, muling nabigyan ng livelihood support ang 46 mangingisda mula sa Bulacan sa naganap na distribusyon sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, nitong Martes, 4 Pebrero. Nakatanggap ang 15 benepisaryong mangingisda mula sa …
Read More »P128-M ‘paihi’ nasakote ng Customs
TINATAYANG nasa P128 milyon halaga ng smuggled fuels ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) mula sa isang motor tanker at ilang lorry truck na sinabing sangkot sa modus na ‘paihi’ sa Subukin Port sa San Juan, Batangas noong Martes, 4 Pebrero 2025. Ayon sa BoC, nasa kabuuang 217,000 litro ng ismagel na krudo ang nakompiska ng …
Read More »
Laging late sa trabaho
SEKYUNG ‘DI MARUNONG MAG-SORRY TIGOK SA BOGA NG KABARO
PATAY ang isang security guard nang barilin ng kaniyang katrabahong guwardiya dahil sa madalas na pagdating nang huli sa trabaho, nitong Lunes, 3 Pebrero, sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal. Sa kuha ng CCTV na narekober sa pinangyarihan ng krimen, makikita ang suspek na bumubunot ng baril at ilang beses na pinaputukan ang biktima na agad binawian ng buhay. …
Read More »Libong Batangueños sumali sa ‘prayer rally’ sa Bauan para sa ‘Peaceful Batangas’
LIBO-LIBONG Batangueño ang nagtipon sa bayan ng Bauan upang maglunsad ng prayer rally para sa isang mapayapang Batangas, itinuturing na isang makabuluhang kaganapan na naglalayong itaguyod ang pagkakaisa, pananampalataya, at kapayapaan bago ang darating na halalan. Nagsimula ang programa sa isang Walk for Peace, 12:30 ng tanghali, simula sa Bauan Technical High School at nagtatapos sa Plaza Orense. Sumisimbolo ang …
Read More »Illegal recruiter na dating bomber tinutugis ng PNP
ISINILBI ng mga operatiba ng PNP Provincial Intelligence Unit at Malolos City Police Station (CPS) ang warrant of arrest laban sa isang dating kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) na residente sa Brgy. Longos, Malolos City. Sa ulat, kinilala ang akusado na si Senior Fire Officer 2 (SFO2) Reyca Janisa Palpallatoc, nasa hustong gulang at kasalukuyang nakalalaya pa. Armado …
Read More »2 himpilan ng pulisya sa Laguna pinuri
DALAWANG estasyon ng pulisya ang pinapurihan sa lalawigan ng Laguna sa isinagawang Monday Flag Raising Ceremony sa pangunguna ni P/Col. Ricardo Dalmacia, Laguna PPO Provincial Director, nitong Lunes, 27 Enero. Iginawad ang medalya ng papuri sa hepe at mga miyembro ng Majayjay MPS para sa matagumpay na pagsasagawa ng police operations laban sa wanted person noong 13 Enero sa Brgy. …
Read More »
Sinugod ng mga nag-iinuman
Lalaki sa Laguna patay sa saksak
BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki matapos sugurin at pagsasaksakin ng tatlong nakainom na mga suspek sa bayan ng Paete, lalawigan ng Laguna, nitong Linggo ng gabi, 26 Enero. Sa ulat ni P/Maj. Laurence Aboac, hepe ng Paete MPS kay Laguna PPO Provincial Director P/Col. Ricardo Dalmacia, nabatid na naganap ang insidente dakong 7:00 ng gabi kamakalawa sa T. Valdellon …
Read More »
Nanghipo ng staff ng convenience store
ITALYANO TIMBOG SA BATANGAS
ARESTADO ang isang Italian national matapos ireklamo ng panghihipo sa puwitan ng empleyado ng isang convenience store sa Brgy. Santiago, bayan ng Sto. Tomas, lalawigan ng Batangas, madaling araw nitong Linggo, 26 Enero. Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Claudio, 58 anyos, mula sa Milan, Italy. Sa imbestigasyon, dumating si Claudio sa tindahan at nagtanong sa biktimang kinilalang …
Read More »
Sa Central Luzon
Bulacan nangunguna sa tagumpay laban sa kriminalidad
NAKAMIT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang isang makabuluhang tagumpay sa kampanya nito laban sa kriminalidad, nang maaresto ang 387 wanted na tao, kabilang ang 70 indibiduwal na nakatalang most wanted, sa mga operasyong isinagawa mula 10 hanggang 26 Enero. Kabilang sa mga inaresto ang mga indibiduwal na nahaharap sa mabibigat na kaso tulad ng pagpatay, panggagahasa, pagnanakaw, at …
Read More »
Magde-deliver ng ‘tsongki’
Rider nasabat sa COMELEC checkpoint
NAHARANG ng pulisya na nagmamando ng checkpoint ang isang rider na maghahatid ng marijuana sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 26 Enero. Sa ulat ni P/Lt. Col. Voltaire Rivera, hepe ng Sta. Maria MPS, habang nagsasagawa ang kaniyang mga tauhan ng COMELEC Checkpoint ay pinara nila ang suspek na kinilalang si alyas John dahil sa paglabag …
Read More »
Nagpanggap na kawani ng Kapitolyo
3 LALAKI NANLOOB SA LAGUNA P10-M PLUS ALAHAS, GADGETS, CASH NILIMAS SA 2 RESIDENTE
NINANAKAWAN ng tatlong lalaking nagpakilalang empleyado ng provincial government ng Laguna ang isang bahay at tinangay ang ilang personal na gamit kabilang ang mga alahas na nagkakahalaga ng P10 milyon sa Brgy. Caingin, lungsod ng Sta. Rosa, lalawigan ng Laguna, nitong Lunes ng umaga, 20 Enero. Kinilala ang mga biktimang sina Shiela, 36, at Johcel, 27, kapwa self- employed, na …
Read More »