Thursday , June 4 2026
Bato pukpok

9-anyos batang babae patay sa pukpok ng bato, 2 utol kritikal sa ospital 

NAMATAY ang isang 9-anyos batang babae nang bugbugin at pagpupukpukin ng malaking tipak ng malaking bato sa ulo ng isang suspek na pinaniniwalaang kaaway ng pamilya sa Silay City, Negroa Occidental.

                    Nasa kritikal na kondisyon ang ate ng biktima at isa pang paslit na kapatid sa brutal na pamamaslang sa loob mismo ng bahay ng pamilya  sa Brgy. E. Lopez, Silay City, Negros Occidental.

Sa ulat ni P/Col. Edison Garcia, hepe ng Silay City Police, ang krimen ay nadiskubre ng ama ng mga biktima na kinilalang si Edmon Bornales, mag-aalas-12 ng tanghali nitong Sabado, 7 Pebrero, nang umuwi sa kanilang tahanan galing sa trabaho.

Puno ng galos at pasa sa katawan ang biktimang napaslang at nakitaan ng matinding sugat sa ulo.

Nasa tabi ng duguang bangkay ng 9-anyos na biktima ang isang malaking bato na puno ng dugo na ayon sa opisyal ay ginamit sa krimen.

Isinugod sa pagamutan ang dalawa pang kapatid ng napaslang — ang 14 anyos dalagita at isang 4-anyos batang lalaki na kapwa nasa kritikal na kondisyon.

                    Ang ina ay isang overseas Filipino workers (OFW), nabatid na naiiwan sa kanilang bahay ang magkakapatid dahil ang ama ay nagtatrabaho rin.

Hindi rin umano nakauwi sa kanilang tahanan ang ama ng mga bata noong Biyernes ng gabi dahil sa malakas na ulan.

Sa salaysay ng kapitbahay ng pamilya, narinig pa nila ang sigaw ng magkakapatid noong hatinggabi ng Biyernes pero dahil malakas ang ulan ay hindi nila nagawang silipin ang mga bata.

Ayon sa pulisya, dahil walang kasama ang magkakapatid ay pinasok ang kanilang tahanan ng salarin at pinagbalingang gantihan ang mga bata.

Patuloy ang masusing imbestigasyon sa motibo ng krimen at mayroon na rin tinukot na “person of interest” ang pulisya sa nasabing kaso.

                    Kaugnay nito, nag-alok ng P75,000 pabuya sina Negros Occidental Rep. Javi Benitez at Silay City Mayor Joedith Gallego para sa makapagbibigay ng impormasyon sa agarang ikadarakip ng suspek.

Kinondena nina Benitez, naglaan ng P50,000 reward, at Gallego na nag-ambag ng P25,000 pabuya, ang sinapit ng magkakapatid na anak ni Edmon Bornales. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …