ni ROSE NOVENARIO HINDI ikinagulat ng isang progresibong ekonomista na balewala kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang paglobo ng inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin dahil mismong relo niya ay mas mahal pa sa yaman ng 99% pamilyang Pinoy. Sinabi ni Sonny Africa, Ibon Foundation Executive Director, kapaniwa-paniwala na hindi alam ni Marcos, Jr., ang usapin ng …
Read More »Walang alam sa ‘economics’
Dayuhang IT contractor ng LTO ipinaaaresto
IPINAAARESTO ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 224 ang apat na opisyal ng Dermalog Identifications Systems, GmBH (Dermalog) – ang banyagang information technology (IT) contractor ng Land Transportation Office (LTO) sa kasong Qualified Theft. Naglabas ng non-bailable arrest warrants si RTC Branch 224 Presiding Judge Zita Marie Magundayao Atienza-Fajardo laban kina Dermalog Chief Executive Officer/Managing Director Gunther Mull, …
Read More »
Sa Makati City
ELEVATOR BUMULUSOK, 2 INSTALLER PATAY, 2 HELPER SUGATAN
HINDI nakaligtas sa bigat ng bumulusok na elevator ang dalawang installer na binawian ng buhay, habang dalawa ang sugatan sa Makati City, kaninang madaling araw.Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Manuel Linayao at Rey Miguel Gilera, kapwa elevator installer at empleyado ng DLC Contractor.Bukod sa dalawang namatay, sinabing may dalawa pang sugatan.Sa ulat ng pulisya, nabatid dakong 3:20 am …
Read More »Eleksiyon iliban <br> PONDO SA DECEMBER 2022 BSK POLLS GAMITIN SA AGRIKULTURA – SOLON
IMBES idaos ang eleksiyon sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa 5 Disyembre 2022, nais ipagpaliban ito ng isang kongresista upang magamit ang pondo para sa pag-unlad ng agrikultura sa bansa. Ayon kay Leyte Rep. Richard Gomez, a.k.a. Goma, makaluluwag ang gobyerno kung ililiban ito. “That’s why a postponement can be called. The remaining balance of the budget for the year …
Read More »PCOO, pres’l spox office binuwag ni Marcos
BINUWAG ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang Office of the Presidential Spokesperson at ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa bisa ng inilabas na Executive Order No. 2 na nilagdaan noong 30 Hunyo 2022. Sa kopya ng EO No. 2 na nakuha ng HATAW D’yaryo ng Bayan, nakasaad ang kautusan na pinalitan ang pangalan ng PCOO at ibinalik sa dating …
Read More »
Sa pagpabor umano ni PBBM sa CoVid-19 booster shot
GOV’T MEDIA KINORYENTE NG ‘SAMPID’
ni ROSE NOVENARIO BUMINGGO agad ang isang ‘sampid’ sa government-controlled media nang ipatanggal kagabi ng opisyal ng Office of the Press Secretary ang balitang ipinapaskil niya kaugnay sa ‘sinabing pagpabor’ ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa panukalang gawing requirement ang CoVid-19 booster shot sa mga mamamayan upang mapigilan ang pagkalat ng Omicron subvariants sa Filipinas. Ayon sa source, iginiit umano …
Read More »Mark T. Lapid itinalagang COO ng TIEZA
MULING itinalaga bilang Chief Operating Officer (COO) ng Tourism Infrastructure and Enterprise Authority (TIEZA) si Mark T. Lapid, kasunod ang panunumpa sa tungkulin kay President Ferdinand Marcos, Jr., sa Malacañang kahapon Martes, 5 Hulyo 2022. Kasama ni Lapid ang kaniyang asawang si Tanya at ang kanilang tatlong anak na babae. Si Lapid ay naitalagang COO ng TIEZA sa ilalim ng …
Read More »
Family affair sa Palasyo
PARTY NG FIRST FAMILY ‘DI PERA NG GOBYERNO
WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles. Ang pahayag ni Angeles ay kasunod ng mga pagbatikos sa magarbong 93rd birthday party ni dating Unang Ginang Imelda Marcos noong Sabado, 2 Hulyo 2022, sa Malacañang. Nangangamba ang mga kritiko na maging madalas ulit ang mga private party …
Read More »
Sa pag-veto sa HB 7575
IMEE DESMAYADO
Pinagsasabong kaming magkapatid
ITO ang reaksiyon ni Senadora Imee Marcos matapos i-veto ng ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang House Bill 7575 o ang panukalang batas na may kaugnayan sa pagtatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport Authority. Naniniwala ang panganay na Marcos, mayroong nagmarunong o naggaling-galingan sa Palasyo sa veto ng pangulo. Batid ng lahat na si Senator Imee …
Read More »Konstruksiyon ng airport sa Bulacan tuloy — Salceda
SA KABILA ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa House Bill 7575, tiniyak ni House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda, Representative ng Albay 2nd district, hindi apektado ang konstruksiyon ng dambuhalang paliparan sa bansa. Ayon kay Salceda ipag-uutos ng Kamara ang paggawa ng cost-and-benefit analysis sa panukalang Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport Authority at …
Read More »
Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
UNANG PSG COMMANDER ITINALAGA NI MARCOS, JR
HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University nagtapos ng kursong Bachelor of Arts, Major in Political Science ang unang commander ng Presidential Security Group (PSG) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Si Col. Ramon Zagala ay pormal na itinalaga ni Pangulong Marcos, Jr., bilang PSG commander, kapalit ni B/Gen. …
Read More »‘Bata’ ni VP Sara pinalitan ng campaign media bureau chief ni Yorme
KAHIT natalo sa 2022 presidential elections ang kanyang manok, nakasungkit ng posisyon sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang campaign media bureau chief ni dating Manila mayor at presidential bet Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Nabatid sa inilabas na memorandum ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kahapon, inirekomenda niya si Raymond Burgos bilang bagong pinuno ng News and Information Bureau (NIB), …
Read More »
Pag-upo ni Marcos, Jr., sa Palasyo
250 KATAO NAWALAN NG TRABAHO SA PCOO
ni ROSE NOVENARIO ISA sa pangunahing problema ng bansa ang unemployment o kawalan ng trabaho kaya maraming Pinoy ang naghihirap. Ngunit ang bagong administrasyon na iniluklok ng 31 milyong boto sa katatapos na 2022 presidential elections, unang tinanggalan ng trabaho ang mga pangkaraniwang manggagawa sa gobyerno. Batay sa Department Order No. 22-04 na inilabas ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, iginiit …
Read More »
Palasyo dumistanya
Bonggang birthday party ni Imelda Marcos, binatikos ng netizens
DUMISTANSIYA ang Office of the Press Secretary sa napaulat na bonggang birthday party ni dating Unang Ginang Imelda R. Marcos na idinaos sa Malacañang, dalawang araw matapos maluklok bilang ika-17 Pangulo ng Filipinas ang kanyang tanging anak na lalaki, Ferdinand Marcos Jr. Ipinagdiwang ni Gng. Marcos ang ika-93 kaarawan noong Sabado, 02 Hulyo 2022. Kahit kumalat sa social media …
Read More »
Nasamsam ng PDEA
P1.7-B SHABU HULI SA 2 CHINESE NAT’L 
UMAABOT sa 260 kilo ng hinihinalang shabu, nakasilid sa tea packs at nagkakahalaga ng kabuuang P1.768 bilyon ang nakompiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), sa dalawang sabayang buy bust operation sa Quezon City at Cavite nitong Linggo. Batay sa ulat ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, unang naaresto sa isang …
Read More »
Sa Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport
‘DEPEKTO’ NG HB 7575 AAYUSIN NG VETO 
ni ROSE NOVENARIO TODO-SUPORTA si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport at ang kanyang desisyon na i-veto ang House Bill 7575 ay may layuning ayusin ang mga depekto ng panukalang batas. “Presidential Veto is fastest way to cure the defects of HB 7575 especially the provision which exempts the Commission on …
Read More »Kasong plunder at graft isinampa vs Lipa City Mayor Africa, 7 empleyado
SINAMPAHAN sa Office of the Ombudsman ng kasong kriminal at administratibo si re-elected Lipa City Mayor Eric B. Africa at pitong tauhan ng lungsod dahil sa umano’y pagkakasangkot sa P107.2 milyong cash advances bago ang May 9 elections. Ang kaso ay isinampa ni Lipa City resident at taxpayer Levi Lopez noong 29 Hunyo. Kabilang sa mga kinasuhan sina Africa, City …
Read More »
Appointment ng PPA GM niratsada
DOTr CHIEF SINAGASAAN
TRADISYON sa Filipinas, sa pagpasok ng bagong administrasyon, binibigyan ng honeymoon period o maayos na pagkakataon, upang ipakita ang suporta at tiwala. Pero ang tradisyong ito ay nasagasaan sa mapanganib na diskarte ng ilang bagong namumuno. Tinukoy ng ‘isang opisyal,’ ang insidente ay eksaktong tumutugma kay incoming Executive Secretary Vic Rodriguez nang kaniyang ianunsiyo ang pagtatalaga o appointment kay Christopher …
Read More »P500 ayuda ipapadala na sa mahihirap ngayong araw — Tulfo
NANGAKO si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na simula ngayong araw ay matatangap na ng ilang mahihirap na kababayan ang ipinangakong P500 ayuda ng pamahalaan bilang tugon sa tumataas na presyo ng bilihin sa bansa. Target ng DSWD na matatanggap ng 12.4 milyong benepisaryong Filipino sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program ang nasabing …
Read More »Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City
MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal na pagbabalik sa tungkulin sa ika-apat na pagkakataon. Kasama ni Mayor Lani si Senator Alan Cayetano sa panunumpa gayondin ang buong Team Lani Cayetano na kinabibilangan ni Vice Mayor Arvin Alit, 2nd District Congresswoman Pammy Zamora, at mga konsehal ng Distrito Uno at Dos. (EJ …
Read More »PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City
PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon kay Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Myra Quiambao kasama ang 1 Muntinlupa party members, ang nag-iisang Comelec accredited local party na may itinatakdang prinsipyo at plataporma ng gobyerno tungo sa ikauunlad ng lungsod. Kasama rin sa oathtaking ceremony ang mga konsehal at nangako …
Read More »Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City
SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at anak na si Vice Mayor April Aguilar, kay Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Elizabeth Yu-Guray, kasama ang mga nanalong konsehal sa nakalipas na May 9 elections. Ginanap ang panunumpa sa tanggapan ng Punong Lungsod, Las Piñas City Hall kahapon Huwebes, 30 Hunyo …
Read More »Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific
INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang linggo ang 19 doktor at mga nurse upang magsagawa ng eye surgical mission sa Borja Hospital na pinangunahan at inorganisa ng Philippine Gift of Life. Ayon kay Fancy Baluyot, CEO ng Philippine Gift of Life, nagpatala ang 1,065 indigent na Boholano para libreng maoperahan ang …
Read More »Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan
HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika si President-elect Ferdinand Marcos, Jr., sa takda ang mismong Chief Justice ang mangangasiwa sa kanyang panunumpa. Ayon kay Assistant Minority leader and ACT Teachers Partylist Rep. France Castro: “We were no longer surprised with the decision of the Supreme Court dismissing the disqualification case against …
Read More »‘Vape bill’ pekeng malasakit sa health ibasura
‘FAKE health act’ ang kontrobersiyal na Vape Bill, kung kaya’t dapat itong i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang kanyang termino sa 30 Hunyo 2022. Ito ang nagkakaisang posisyon nina Senadora Pia Cayetano at isang grupo ng mga doktor na mariing tumututol sa pagsasabatas ng naturang panukala. Nauna rito, kinastigo ni Cayetano ang aniya’y ‘last-minute transmittal’ ng Kamara ng …
Read More »