Thursday , October 10 2024

Cayetano tiniyak  
BATAS SA NATURAL GAS BUKAS SA INVESTORS PARA SA EXPLORATION

090724 Hataw Frontpage

ANG MABILISANG PAGPASA ng Senate Bill No. 2793 o ang panukalang Philippine Natural Gas Development Act ay isang magandang senyales para sa mga mamumuhunan upang matiyak na mayroong  natural gas na maaaring i-explore sa Filipinas.

Sa pagpapatuloy ng interpelasyon sa naturang panukala, sinabi ni Senadora Pia Cayetano, pinuno ng Senate energy committee, ang naturang panukala ay tulad ng isang higanteng billboard na nagsasabi sa buong mundo na ang Filipinas ay bukas sa mga mamumuhunan para natural gas.

“It seeks to declare that the Philippines is open and will have very clearcut policies on natural gas, indigenous natural gas development, so that, in itself, is going to send the right signal,” sagot ni Cayetano sa pagtatanong ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa kasagsagan ng interpelasyon.

Naniniwala si Cayetano na masasagot na rin ang mga tanong ng mga namumuhunan kung handa pa ang Filipinas na i-develop ang indigenous gas resources at bukas sa mga pamumuhunan na tugon sa lahat ng investors, Pinoy man o dayuhan.

Ani Cayetano, layon ng SB 2793 na mag-promote ng awareness at makapagbigay ng oportunidad para sa mga investors.

“There’s been little done to legislate support for exploration of natural gas which peaked in the 1970s, when at least 150 wells had been drilled. This was when Malampaya was discovered,” ani Cayetano.

Dagdag niya, “Patunay ito na hindi tinatalikuran ng Filipinas ang pagkakaroon ng exploration sa kasalukuyang  natural gas resources.”

Iginiit ni Cayetano na ang SB 2793 ang magtitiyak upang punan ang pagkukulang sa polisiya, framework, legal support, at dagdag na insentibo sa mga namumuhunan na muling bubuhay sa exploration ng indigenous gas resources.

“It gives the Philippines another chance to develop and use its own indigenous gas. It’s an opportunity because let me emphasize, this is indigenous gas. It is found in the Philippines. It is owned by the Philippines,” diin ni Cayetano.

Nanindigan si Cayetano na ang pagpasa bilang isang batas sa SB 2793 ay isang magandang senyales na nagpapakitang seryoso ang pamahalaan na bigyang prayoridad at gamitin ang indigenous gas na makatutulong din upang bumaba ang presyo ng koryente at matiyak ang seguridad ng supply nito.

“Natural gas is called a transition fuel, and we have proof that there is, it’s available in the Philippines,” dagdag ni Cayetano na nagsagawa rin ng inspeksiyon sa  Malampaya facilities kamakailan.

“So by passing this law, it’s like erecting a billboard on EDSA globally and tell them that the Philippines is prioritizing natural gas. If you are an expert in natural gas, you’re welcome to come here. We have good business opportunities,” giit ni Cayetano.

Nang tanungin ni Pimentel kung mayroon pang natural gas location sa Filipinas sagot ng senadora ay marami at kanyang tinukoy ang mga ito.

Gayondin, pinalawig pa ng 15 taon ang Service Contract No. 38 na nagpapatakbo sa Malampaya gas field.

Pagtitiyak ng Prime Energy, ang pangunahing consortium na nagpapatakbo ng Malampaya, handa silang magkaroon ng drill para sa dalawang bagong  wells upang mapalawig ang gas field’s life at maka-produce ng bagong  gas para sa  2026. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Ramon San Diego Bagatsing III Pablo Dario Gorosin Ocampo

Haligi ng serbisyo publilko sa Maynila
BAGATSING AT OCAMPO NAGKAISA PARA SA BAGONG PILIPINAS

NAGSANIB-PUWERSA sa isang malalim na  makasaysayang pamana ng paglilingkod ang mga Bagatsing at Ocampo sa …

Alexandria Queenie Pahati Gonzales

“Queenie” magbabalik sa Mandaluyong City

MAGBABALIK sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dating congresswoman ng nag-iisang distrito ng Mandaluyong City …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Herbert Bautista Gian Sotto

Bistek muling tatakbo sa QC, kakalabanin VM Gian Sotto

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK din sa politika si former Quezon City Mayor Herbert Bautista mula sa source …

Isko Moreno Honey Lacuna

Yorme sa pagtapat kay Honey — Bahala na ang tao ang humusga kung sino ang gusto nila

I-FLEXni Jun Nardo PORMAL nang naghain ng candidacy bilang Manila Mayor aspirant si Isko Moreno kahapon ng …