Sunday , November 24 2024

Front Page

P75-M Shabu kompiskado sa 62-anyos Chinese nat’l

TINATAYANG P75-M ang halaga ng isang maletang high grade methamphetamine hydrochloride o shabu na nakompiska  sa naarestong si Anthony Co Uy, 62 anyos Chinese national, residente ng Dasmariñas, Cavite, gamit ang Camray (ZBG 553), ng mga kagawad ng PDEA sa pamumuno nina DDGA Rene Orbe at DDGO Abe Lemos sa isang buy bust operation sa Plaza Raja Soliman, Malate, Maynila. …

Read More »

Pagpuga ni ‘Ma’am Arlene’ iniimbestigahan — Palasyo

PINAIIMBESTIGAHAN na  ng Malacañang ang napabalitang paglabas ng bansa ni ‘Ma’am Arlene,’ sinabing court fixer at may modus katulad ni Janet Lim-Napoles. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kumikilos na ang Immigration, NBI at DoJ para matukoy kung nasaan ang nasabing personalidad para maibalik ng bansa kung kinakailangan. Ayon kay Coloma, tiwala sila sa kakayahan ng mga awtoridad para mahanap …

Read More »

Butil iseguro angkat ng bigas tigilan — Solon

HABANG palala nang palala ang pananalasa ng nagbabagong panahon o climate change sa mga darating na taon, ipinapanukala ni COOP NATCCO party-list Rep. Anthony Bravo ang “mas maayos na alokasyon sa pondo ng gobyerno para sa sektor ng pagsasaka,” samantala si Agri-Agra Reporma Para sa Magsasakang Pilipinas (AGRI) partylist Rep. Delph Gan Lee naman ang nagsusulong sa agad na pagputol …

Read More »

Pagpuga ni ‘Arlene’ balewala kay De Lima

NANINIWALA si Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima na walang epekto sa ginagawang imbestigasyon ng Supreme Court (SC) at ng NBI ang sinasabing paglabas ng bansa ni Arlene Angeles Lerma, sinasabing ‘court fixer’ at ‘decision broker’ sa hudikatura. Kasunod na rin ito ng report ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng bansa si Arlene nitong Oktubre 17. Kaugnay …

Read More »

Agri weather office vs kalamidad kailangan (Giit ng mambabatas)

DAHIL sa laki ng pinsalang iniwan sa mga palayan at sakahan ng bagyong Santi na umaabot na sa P3 bilyon, iginiit ng isang mambabatas ang dagling pangangailangan sa pagtatatag ng Agricultural Weather Office sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Agriculture (DA) upang bigyan ng sapat na impormasyon na tutulong sa magsasaka upang maiwasan ang lubusang pagkalugi. “Taon-taon, milyon-milyong puhunan …

Read More »

20 patay, 50 sugatan sa karambola sa 8 sasakyan

NAYUPI ang bus ng Superlines na sinabing nahagip ng container van kaya nawalan ng control at sumalubong sa iba pang sasakyan sa Atimonan, Quezon, kahapon ng madaling araw habang ipinila naman sa kalsada ang mga bangkay ng mga biktima para sa kaukulang disposisyon. (ALEX MENDOZA) UMABOT sa 20 katao ang namatay sa karambola ng walong sasakyan sa Atimonan, Quezon province …

Read More »

‘Ma’am Arlene’ ibubuking ni Leonen

PINAIGTING ng Supreme Court (SC) at ng NBI ang imbestigasyon laban sa sinasabing ‘Ma’am Arlene’ na may malakas na impluwensya sa hudikatura at tinaguriang ‘court fixer’ at ‘decision broker’ Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, pag-uusapan ng NBI team at binuong team ng SC sa pangunguna ni SC Associate Justice Marvic Leo-nen at dalawang retired justice, ang nasabing imbestigasyon. …

Read More »

PNoy sumadsad sa resbak ng Pork, DAP

PATINDI nang patindi ang pagngingitngit sa galit ng taong bayan sa isyu ng pork barrel scam at patuloy na dumarami ang mga ekspertong kumukwestiyon sa legalidad ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na ginawa ng Malacañang gamit ang bilyon-bilyong pondong ipon ng gobyerno, na para sa ilan ay isa na namang discretionary fund na kontrolado ng Palasyo. Kaya naman malaki ang …

Read More »

T’yak na pondo sagot sa klimang nagbabago

MATAPOS salantain ng bagyong Santi ang mga sakahan at produktong agrikultura noong Sabado, itinutulak ngayon ni AGRI partylist (Agri- Agra Para sa Magsasakang Pilipinas) Rep. Delph Gan Lee ang “mas nakatuon at mahabaang pagbuhos ng pondo ng gobyerno sa sektor ng agrikultura upang ibsan ang perhuwisyong dala ng climate change.” Sa pahayag kamakalawa, iginiit ni Gan Lee na bukod sa …

Read More »

Sole probe vs Ma’am Arlene mas gusto ng SC (Walang tiwala sa NBI)

IPINAWALANG-BISA ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang utos ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes P. Sereno na imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sinasabing  fixer sa korte na isang Ma’am Arlene. Nagpasya ang mga mahistrado na ang SC en banc na ang magsagawa ng imbestigasyon sa  paglutang ng pangalang Madam Arlene na sinasabing malakas ang impluwensiya …

Read More »

Bigas sa Bohol at Cebu segurado

TINIYAK ng National Food Authority (NFA) na magiging sapat ang supply ng bigas at iba pang pagkain sa mga lalawigan ng Bohol at Cebu at sa iba pang mga lugar sa Visayas at Mindanao sa kabila ng malaking pinsala na idinulot ng magnitude 7.2 lindol na tumama roon nitong Martes. Base sa huling mga ulat umaabot na sa 144 katao …

Read More »

Crop insurance isinusulong ng solon (Para sa mga magsasaka)

DAHIL sa sunod-sunod na pananalasa ng kalamidad sa sektor ng agrikultura, iginiit ngayon ni COOP NATCO Partylist Rep. Anthony Bravo sa Kongreso ang agarang pagpasa ng kanyang panukalang batas na naglalayong buhusan ng pamahalaan ng sapat na pamumuhunan ang crop insurance upang “bigyan ng paseguro ang puhunang isinugal ng ating mga magsasaka,” lalo na sa produksiyon ng bigas. Ang panukalang …

Read More »

GUMUHO ang 400-anyos estruktura ng San Pedro Church sa Loboc, Bohol, nang tamaan ng 7.2 magnitude earthquake ang Bohol, Cebu at iba pang lugar sa Visayas at Mindanao. Hindi rin nakaligtas ang Chocolate Hills view deck at national highway sa sa Carmen Bohol. (Grab sa Facebook mula sa kuha ni Robert Michael Poole)

Read More »

‘Board exam’ sa Journalists isinulong ng 2 solon

DALAWANG kongresista ang naghain ng panukala na naglalayong isailalim ang sino mang nais magtrabaho sa media na pumasa sa pagsusulit bago bigyan ng akreditasyon bilang miyembro ng press. Sa ilalim ng House Bill 2550, o “Magna Carta for Journalists” na ini-akda nina Reps. Rufus at Maximo Rodriguez, ang mga journalist ay ikaklasipika bilang “accredited” at “non-accredited.” Bubuuin ayon sa panukala, …

Read More »

14 katao arestado sa Jueteng sa Munti

MATAPOS mabunyag sa pahayagang HATAW ang operasyon ng jueteng sa premier city ng Muntinlupa, agad nagsagawa ng operasyon ang isang unit ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa nasabing lungsod na ikinaaresto ng 14 katao. Isinailalim sa imbestigasyon ng mga tauhan ni Supt. Alenzano ang 14 katao at ilan sa kanila ay umamin na kobrador …

Read More »

Probe vs ‘Ma’am Arlene’ isinulong (DoJ tutulong sa SC)

INIHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima na makikipag-coordinate siya sa isinasagawang imbestigasyon ng Supreme Court sa isang ‘Ma’am Arlene,’ ang tinaguriang Janet Lim Napoles ng hudikatura. “In principle, I would go for and support any such probe. And if (the Department of Justice/National Bureau of Investigation) is asked by SC, particularly the (Chief Justice), to be involved in such …

Read More »

1.6-M INC members dadagsa sa ‘Lingap’ ( Trapiko tiyak apektado )

TINATAYANG may 1.6 milyong miyembro ng maimpluwensyang Iglesia ni Cristo (INC) ang inaasahang dadagsa sa gaganaping malawakang medical and dental missions na pangungunahan ng FYM (Felix Y. Manalo) Foundation ngayong araw sa lungsod ng Maynila. Sa kabila ng ginawang kautusan ni Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga concerned local authorities partikular na ang Manila Police District upang mapanatili ang kaayusan …

Read More »

8 patay 4 missing kay Santi

KINOMPIRMA ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na walo na ang patay habang apat ang nawawala sa Pampanga, Nueva Ecija at Aurora kasunod ng pananalasa ng bagyong Santi. Sinabi ni Office of the Civil Defense (OCD) Spokesman Major Reynaldo Balido, nagpapatuloy pa ang kanilang monitoring sa mga lalawigang matinding sinalanta ng pagbaha. Ayon kay Balido, patuloy sila …

Read More »

Klase sa Lunes suspendido (Handog ng INC sa Manileños free medical and dental missions)

SINUSPINDE ng pamahalaang lokal ng Maynila ang klase sa lahat ng antas ng mga paaralan upang bigyan-daan ang magkakasabay na grand medical at dental missions na isasagawa ng Iglesia ni Cristo (INC) bukas (Oct. 14) sa iba’t ibang lugar sa lungsod. Sa kanyang kautusan, hinayaan ni Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga opisyal o namumuno sa iba’t ibang pampubliko at …

Read More »

3 Metro cop sinibak (Crime rate statistics dinoktor)

SINIBAK sa kanilang pwesto ang tatlong chief of police (COP) sa Metro Manila dahil sa pagdoktor ng crime rate statistics sa kani-kanilang areas of responsibility (AOR). Ayon kay PNP-PIO chief, S/Supt. Reuben Theodore Sindac, ang pagkakasibak sa pwesto sa tatlong opisyal dahil sa pagdodoktor ng statistics ng krimen ay bahagi ng programa ng pambansang pulisya na serbisyong makatotohanan. Sinabi ni …

Read More »

Bagyo vs bigas paghandaan

BINALAAN ngayon ni Senador Loren Legarda ang pamahalaan na magsagawa na ng hakbang upang paghandaan ang isang “worst case scenario” sa suplay ng bigas sa bansa dahil “ang pagtama ng iisang bagyo mula ngayon ay magdadala ng malaking kaibahan mula sa katatagan papunta sa krisis gaya noong 1995.” Ang tinutukoy ni Legarda ay ang krisis sa bigas noong taon 1995 …

Read More »

Sinisi sa rice price hike, shortage (Politika at desisyong palpak)

“Sadyang napakabagal at pinupulitikang mga desisyon” ang sanhi ng kakulangan sa bigas at mataas na presyo nito – ekonomista Para bang hindi pa sapat ang batikang pananaw ni Secretary Arsenio Balisacan ng National Economic Development Authority (NEDA), isa pang dalubhasang mananaliksik sa ekonomiya at agrikultura mula sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ang sumusog sa opinyon ng kalihim upang …

Read More »

NEDA deadma sa DA (Loren nababahala)

INIHAYAG kahapon ni Sen. Loren Legarda ang “lubhang pagkakabahala” sa kabiguan ng Department of Agriculture (DA) na agarang tugunan ang tumataas na presyo ng bigas sa gitna ng mga babalang iniulat ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nagpapakitang kukulangin ang produksyon ng palay ngayon taon at hindi matutugunan ang pangangailangan ng bansa. Iginiit din ng mambabatas ang rekomendasyon …

Read More »