Thursday , May 26 2022
Isko Moreno Willie Ong

Team Isko campaign strategist:
DOC WILLIE ONG TANGING VP BET NI MAYOR ISKO

INAMIN ng campaign strategist ng Team Isko na si Lito Banayo, personal na desisyon niyang  huwag isama si Dr. Willie Ong sa kanilang provincial sorties sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), lalo sa Maguindanao, na idineklara ng mga Mangudadatu na ang kanilang pambato ay tandem na Isko Moreno -Sara Duterte.

“That was my call. That was my decision. Kasi nga, whenever you make sorties or campaign trips, you send an advance team, normally, four or five days beforehand, even a week beforehand. They called me up and they said, ‘Boss, puro streamers dito, Isko-Sara,’ tarpaulins, puro Isko-Sara,” sabi ni Banayo sa ANC interview.

Nitong Lunes, nanindigan si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang kanyang kandidato para sa pagka-bise presidente ay si Doc Willie Ong, kahit na ilang lokal na politiko ang nag-endoso sa kanya ng ibang kandidato.

“He (Moreno) did not say he was supporting Sara at all. He didn’t say that at all. Pero doon kasi sa Maguindanao and Sultan Kudarat, wala rin naman silang sinabi, ‘yung mga speaker, ‘yung major power blocs, wala rin naman silang sinabi na Isko-Sara,” dagdag ni Banayo.

Noong Linggo nasa BARMM si Moreno bilang espesyal na panauhin sa mass oathtaking ng may 50,000 miyembro ng United Bangsamoro Justice Party. Ang kanyang pampulitikang alyansa sa mga Mangudadatu ay nakikitang nagpapalakas ng kanyang bilang ng boto sa parte ng Mindanao.

Ang Maguindanao, may populasyon na 766,497 ay ang pinakamataong lalawigan sa BARMM. Ang Sultan Kudarat naman ay mayroong 452,000 rehistradong botante.

About hataw tabloid

Check Also

Mercraft 2 RORO fire Real Quezon

Sa Real, Quezon
7 PATAY, 23 SUGATAN SA NASUNOG NA RORO

PITONG pasahero ang namatay habang 23 ang sugatan nang masunog ang Mercraft 2, isang roll-on-roll-off …

Senate Congress Comelec Election Certificates of Canvass

NBoC panel sa senado kompleto na

BUO na ang hanay ng mga senador para sa pitong-miyembrong panel ng bicameral National Board …

052422 Hataw Frontpage

Mainstream media binanatan
REMULLA, JUSTICE SECRETARY  NI MARCOS, JR.

ni ROSE NOVENARIO TINANGGAP ni Cavite 2nd District Rep. Boying Remulla ang alok ni presumptive …

dead gun police

Sa harap ng ama at tiyuhin
BINATILYO PINAGBABARIL, LEEG NILASLASAN PATAY

AGAD namatay ang isang binatilyo nang pagbabarilin ng anim na hindi kilalang suspek saka ginilitan …

P81-M shabu nasabat GEN DANAO NAGBABALA vs SINDIKATO NG DROGA

P81-M shabu nasabat,
GEN. DANAO NAGBABALA vs SINDIKATO NG DROGA

NAGTUNGO si PNP officer-in-charge (OIC) P/Lt. Gen. Vicente Danao, Jr., sa matagumpay na buy bust …