Monday , December 15 2025

Front Page

6-anyos totoy naabo sa sunog

fire dead

PATAY ang 6-anyos batang lalaki makaraang maiwanan at makulong sa nasusunog nilang tahanan sa Quezon City, nitong Miyerkoles ng gabi. Halos hindi na makilala ang sunog na bangkay ng biktimang si Jorense Batola Moreto, 6-anyos, nang matagpuan sa nasunog na 2-storey residential na matatagpuan sa Don Primitivo St., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit, Quezon City, na pag-aari ng isang …

Read More »

Oplan baklas ng Comelec hindi patas – Colmenares

Neri Colmenares

BINATIKOS ng militanteng grupo ang Commission on Elections (Comelec) sa pagpapatupad ng Oplan Baklas, na lahat ng posters at streamers ng mga kandidato ay ipinatatanggal kahit na ito’y private property at may pahintulot ng may-ari. Ayon kay Makabayan Senatorial Candidate Neri Colmenares hindi patas ang patakarang ito at taliwas sa regulasyong magkaroon ng pantay na laban sa halalan. “The essence …

Read More »

Kapag nasa private property
‘OPLAN BAKLAS’ NG COMELEC UNCONSTITUTIONAL

021822 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO HINDI saklaw ng regulatory powers ng Commission on Elections (Comelec) ang pribadong mamamayan kaya walang karapatan ang poll body na panghimasukan ang pribadong espasyo na inilalaan nila sa sinusuportahang partido o kandidato. Ito ang naging desisyon ng Korte Suprema na nagsisilbing jurisprudence o palabatasan sa mga naging kaso laban sa Comelec kaugnay ng Oplan Baklas na isinampa …

Read More »

Tanodra-Armamento, bagong CHR chair

Leah Tanodra-Armamento

ITINALAGA bilang bagong chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) si Leah Tanodra-Armamento kahapon. Pinalitan ni Tanodra-Armanento ang namayapang dating CHR chair na si Jose Luis Martin “Chito” Gascon. Siya ay namatay dahil sa komplikasyon sa CoVid-19 noong nakaraang taon. Hindi bago sa CHR si Tanodra dahil naging komisyoner din siya sa ilalim ng kasalukuyan at ikalimang Commission en banc. …

Read More »

Sa ‘di maawat na oil price hike
SAMBAYANAN MAGTIYAGA, MAGTIPID — DOE 

021722 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO            “HABANG maiksi po ang kumot, magtiyaga po muna tayo, magtipid po muna tayo.” Panawagan ito sa publiko ni Department of Energy (DoE) – Oil Industry Management Bureau assistant director Rodela Romero kahapon sa Laging Handa briefing hinggil sa hindi maawat na pagtaas ng presyo ng langis. Simula ng taong 2022, pitong beses na ang oil price hike …

Read More »

Aarestohin kapag tumapak sa US
MARCOS JR., $2-B ‘SINUBA’ SA HR VICTIMS, $365-M UTANG SA KORTE 

021622 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO PUWEDENG arestohin ang anak ng diktador at presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kapag tumapak sa Estados Unidos dahil sa pagkakautang na $365 milyon sa hukuman at $2 bilyon sa mga biktima ng human rights violations ng rehimeng Marcos. Sinabi ni dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) commissioner Ruben Carranza, nahaharap sa contempt judgment …

Read More »

Lacson-Sotto ‘di muna isasama sa kampanya sina Binay at Gordon

Richard Gordon Ping Lacson Tito Sotto Jejomar Binay

MATAPOS tanggalin sa kanilang slate ang dalawang senatoriables, hindi muna ikakampanya ng tambalang Lacson-Sotto sina senatorial candidates Richard Gordon at dating Vice President Jejomar “Jojo” Binay. Ayon kay vice presidential candidate Vicente “Tito” Sotto III, sa ngayon ay 11 senador lamang ang iniendoso ng kanilang tambalan. Tiniyak ni Sotto, mag-uusap sila ni presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson para punuan …

Read More »

Villanueva nagpasalamat sa endoso ni Olivarez at sa Lacson-Sotto tandem

Edwin Olivarez Joel Villanueva Ping Lacson Tito Sotto

NAGPASALAMAT si reelectionist Senator Joel “Tesdaman” Villanueva kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez at sa buong team nito, sa pag-endoso ng kaniyang kandidatura upang muling makabalik sa senado sa eleksiyon sa 9 Mayo 2022. Sa pagdalaw ni Villanueva sa lungsod, hindi basta endoso sa salita ang ginawa ni Olivarez at ng buong team nito kundi itinaas ang kamay ni Tesdaman. Agad …

Read More »

Importasyon ng 200-K MT asukal ipinatigil ng Korte

Sugar

INIHAIN sa pangunahing tanggapan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa lungsod ng Quezon ang temporary restraining order (TRO) na nagpapatigil sa importasyon ng 200,000 metriko toneladang asukal papasok ng bansa nitong Martes, 15 Pebrero. Ayon kay Executive Judge Reginald Fuentebella ng Sagay City Regional Trial Court Branch 73 ng Negros Occidental, magiging epektibo ang TRO sa loob ng 20 araw …

Read More »

NTC dapat kumilos
MAGING MATALAS VS FAKE NEWS — SENs. KIKO & SOTTO

fake news

KAPWA nanawagan sa publiko sina vice presidential candidates Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senator Francis “KIko” Pangilinan sa publiko na huwag maniwala at mag-ingat sa mga kumakalat na ‘fake news.’ Ayon kina Sotto at Pangilinan, hindi biro ang mga maling paratang at ipinapakalat na maling impormasyon sa pamamgitan ng social media at maging sa mga texts. Ipinunto ni …

Read More »

Validity ng lisensiya ng tricycle at jeepney drivers palawigin — Solon

Drivers license card LTO

SA GITNA ng patuloy na pagbaba ng bilang ng nahahawa ng CoVid-19, hiniling ni House Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera sa Department of Transportation (DOTr) na palawigin ng anim na buwan ang bisa ng drivers license motor certificate of registration (CR) ng tricycle drivers at operators maging ang mga tsuper sa bansa. Naunang nagpadala ng liham ang …

Read More »

Endoso ni Bro. Mike kay Marcos, Jr., maling-mali — Bacani   

Teodoro Bacani Bongbong Marcos Mike Velarde

“ANG endorsement ni Bro. Mike kay Bongbong Marcos, sa aking palagay, ay maling-mali. Sapagkat kung mayroon man dapat i-endorse na pagka- presidente, hindi iyon si Bongbong Marcos.” Inihayag ito ni Most Rev. Bishop Teodoro Bacani, spiritual adviser ng Catholic charismatic group El Shaddai, kahapon bilang paglilinaw sa  isyu ng pag-endoso ni Bro. Mike Velarde sa tambalang Marcos-Duterte sa 2022 elections. …

Read More »

Sa sponsored presidential debate
QUIBOLOY ‘BINOYKOT’ NG 4 ASPIRANTS

021522 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario INISNAB ng apat na presidential aspirants ang itinakdang presidential debate ng Sonshine Media Network International (SMNI), broadcasting arm ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Pastor Apollo Quiboloy ngayon. Hindi kaya ng konsensiya ni presidential candidate Senator Manny Pacquiao na dumalo sa naturang debate lalo na’t si Quiboloy ay wanted sa US sa iba’t ibang kaso kabilang …

Read More »

Protocol violators sa campaign period, kakasuhan – Año

Eduardo Ano

NAGBABALA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kaniyang kakasuhan ang kandidato o mga supporters na lalabag sa health protocols sa panahon ng kampanya para sa halalan sa Mayo. Ayon kay Año, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang political parties at candidates upang mapaalalahanan ang kanilang mga supporters na obserbahan ang CoVid-19 health protocols …

Read More »

Leni-Kiko suportado ng urban poor group

Leni Robredo Kiko Pangilinan

NAGPAKITA ng buong-puwersang pagsuporta ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang chapter ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa tambalang presidential candidate Leni Robredo at vice presidential candidate Francis “Kiko” Pangilinan. Ang suporta ng grupo sa tambalang Leni-Kiko ay nag-ugat sa ipinadamang pagkalinga upang sila’y makatawid noong 2020 sa kasagsagan ng unang Luzon hard lockdown. “Gusto namin si [Kiko] na …

Read More »

Sa pagkalat ng kasinungalingan
MARCOS, JR., MAY MALAKING PAKINABANG SA ‘FAKE NEWS’

021422 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NAKIKINABANG ang anak ng diktador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa mga kumakalalat na kasinungaligan o falsehoods, ayon sa grupo ng fact-checkers para sa 2022 elections sa bansa. Sa weekly update sa website ng tsek.ph, grupo ng fact-checkers, nakasaad na ang mga lumalaganap na kabalintunaan ay pumapabor kay Marcos, Jr. Inihalimbawa ng grupo ang umano’y …

Read More »

Sinopla ng US
FBI’s ‘QUIBOLOY WANTED’ POSTER WALANG KINALAMAN SA PH POLLS

021022 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO WALANG kinalaman sa umuusad na presidential campaign para sa 2022 elections ang paglalabas ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng wanted poster ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy bunsod ng tambak na kasong kriminal gaya ng child sex trafficking sa Estados Unidos. Sa opisyal na pahayag ng US Embassy, binigyan diin na ang …

Read More »

Laylayan sentro ng gobyerno ni Leni Robredo

021022 Hataw Frontpage

HATAW News Team IPINANGAKO ni Vice President Leni Robredo na ang mga nasa laylayan ng lipunan ang magiging sentro ng kanyang pamahalaan sakaling siya ay palarin na maging susunod na Pangulo ng bansa. Sa kanyang talumpati sa grand rally sa Naga City noong Martes, 8 Pebrero, tiniyak ni Robredo na ang kanyang pamahalaan ay makikinig sa mga hinaing ng taong­bayan. …

Read More »

Nagpasaring sa ilang presidentiable
MAHIRAP IPANGAKO ANG IMPOSIBLE — LACSON

Emmanuel Maliksi Tito Sotto Ping Lacson 2

HINDI napigilan ni presidential candidate, Senator Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang sarili na pasaringan ang ilan sa mga presidential aspirant na tulad niya, dahil sa pangakong lubhang imposible. Kabilang sa pinasaringan ni Lacson na imposibleng mangyari ay ang pagbibigay ng pabahay sa bawat pamil­yang Filipino, ang pagbibigay ng gadgets sa bawat mag-aaral, ang kabiguang dumalo sa mga forum, at ang …

Read More »

Endoso ni PRRD ginto

Ping Lacson Tito Sotto Rodrigo Duterte

AMINADO si vice presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III, ginto pa rin ang endoso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sinomang tumatakbong pangulo para sa May 9 elections. Ayon kay Sotto at kay presidential candidate, Senator Panfilo “Ping” Lacson, kanilang iginagalang ang pasya ng Pangulo. Anila Lacson at Sotto, ito ay bahagi ng karapatan ng Pangulo na dapat igalang …

Read More »

Duterte ‘bitter’ pag-alis sa poder

Rodrigo Duterte sad

MAY lungkot sa tinig ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ihayag ang retirement plan niya kagabi pagbaba sa poder. Hindi na hihintayin ng Pangulo ang pagtatapos ng kanyang termino sa 30 Hunyo 2022 para lisanin ang Palasyo dahil nag-eempake na siya ng mga gamit at ang iba ‘y naipadala na niya sa Davao City. “Ako ang — I don’t know where …

Read More »

Mga biktima ni Quiboloy, lumutang

Pastor Quiboloy

PINATOTOHANAN ng isang overseas Filipino worker (OFW) at dating miyembro ng KOJC na nakabase sa Singapore ang akusasyon laban kay Quiboloy. Sa panayam sa Frontline Pilipinas sa News5 , sinabi ni Reynita na pinagtinda rin siya ng grupo ni Quiboloy sa Singapore at pinagkolekta ng mga donasyon para sa pekeng charity sa Filipinas. “Noong umpisa ako parang okey. We were …

Read More »

Proclamation rally ng ‘Agila at Tigre’ sa PH Arena dinumog

Bongbong Marcos Sara Duterte proclamation rally Micka Bautista Photo

DINUMOG ng libo-libong tagasuporta ang naging proclamation rally nina presidential at vice presidential aspirants Ferdinand Marcos, Jr., at Sara Duterte sa Philippine Arena, sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 8 Pebrero. Dinalohan ng iba’t ibang personalidad mula Luzon, Visayas at Mindanao ang programa na tinampukan ni Toni Gonzaga bilang host. Nagsara ang mga entry at exit points …

Read More »

Leni kay Kiko:
MAY MABUTING PAGKATAO, TRACK RECORD, MALINIS PRINSIPYO’Y MATUWID

Leni Robredo Kiko Pangilinan

NAGPAHAYAG ng kaniyang buong tiwala si presidential candidate Maria Leonor “Leni” Robredo nitong Martes, 8 Pebrero, sa kaniyang desisyong piliin si Senator Francis “Kiko” Pangilinan bilang kaniyang running mate, kasunod ang pagsasabing may pagkakatulad ang ugali ng Senador at ng kaniyang namayapang asawang si dating DILG Secretary Jesse Robredo. Sa opisyal na campaign kickoff sa lungsod ng Naga kahapon, isinalaysay …

Read More »