NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang hinihinalang “serial rapists” na nanggahasa ng 25 kababaihan, tatlo rito ay menor de edad, sa isinagawang entrapment operation nitong Lunes. Sa pulong balitaan kahapon, kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Remus Medina, ang isa sa mga suspek na si Alexander Yu, 42, delivery rider, at naninirahan sa Blk 59, …
Read More »2 domestic flights kinansela ng PAL
KINANSELA ng Philippine Airlines (PAL) Express ang dalawang domestic flights dahil sa masamang panahon sa ilang bahagi ng bansa. Sa abiso ng Manila International Airport Authority Media Affairs Division (MIAA-MAD) kabilang sa kanselado ang flights 2P 2889 mula Maynila patungong Ozamiz at 2P-2890 mula Ozamiz pabalik ng Maynila. Pinayohan ang mga apektadong pasahero na direktang makipag-ugnayan sa kanilang airlines para …
Read More »
Senado desmayado
E-SABONG ‘IKINANLONG’ NG PALASYO
ni ROSE NOVENARIO TULOY ang operasyon ng kontrobersiyal na e-sabong kahit may resolution ang Senado na suspendehin ang operasyon nito habang hindi pa nalulutas ang mga kaso ng pagkawala ng mga ‘sabungero,’ ayon sa Palasyo. Sa nilagdaang memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea kamakalawa, inatasan ng Office of the President (OP) ang Philippine National Police (PNP) at ang National Bureau …
Read More »
Para sa lahat ng Pinoy
UKRAINE ITINAAS SA ALERT LEVEL 4
DAHIL sa lumalalang sitwasyon sa seguridad sa Ukraine, itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 4 status para sa lahat ng lugar sa Ukraine para mandatory repatriation. Sa ilalim ng Crisis Alert Level 4, ang pamahalaan ng Filipinas ay nagsasagawa ng mga mandatory evacuation o pamamaraan ng paglikas na gastos ng gobyerno. Ang mga Filipino sa Ukraine …
Read More »
Sanction vs hindi dadalo sa debate
KAMPO NI MARCOS UMALMA
UMALMA ang kampo ni presidential aspirant at dating senador Ferdinand Marcos, Jr., sa sinabi ng tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec) na may parusa ang kandidatong hindi dumadalo sa nga debate na inapatawag ng komisyon. Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, nais nilang malaman kung ang hakbang na ito ay desisyon ng komisyon ay mula sa mga kinatawan …
Read More »
Bilang acting presidential spox
ANDANAR ‘NANGAMOTE’ SA UNANG PRESS BRIEFING
NAGMISTULANG estudyante na hindi tinapos ang kanyang assignment sa bahay bago pumasok sa klase ang unang araw ng pagharap sa media ni Communications Secretary Martin Andanar bilang bagong acting presidential spokesperson kahapon. Sa Palace press briefing kahapon, napuna ng ilang mamamahayag na anim na beses sinagot ni Andanar ng “We will defer to…” o ipinapasa sa ibang ahensiya ang responsibilidad …
Read More »
Sa suspensiyon ng excise tax sa petrolyo at amyenda sa Oil Deregulation Law,
PALASYO WALANGAKSIYON
ni ROSE NOVENARIO WALA pang indikasyon na magpapatawag ng special session sa Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte kahit may panawagan ang Department of Energy (DOE) na isuspende ang excise tax sa petrolyo at amyendahan ang Oil Deregulation Law para makaagapay ang publiko sa pagsirit ng presyo ng langis. Iginiit kahapon ng DOE na kailangan nang paspasan o iprayoridad ng Kongreso …
Read More »#BoyingSinungaling trending sa social media posts ng mga artista
TRENDING sa sa social media, lalo na sa posts ng mga artista, ang #BoyingSinungaling nang magpatutsada si Cavite congressman Boying Remulla na naghakot ang kampo ni VP Leni Robredo para sa rally nito sa General Trias. Isa sa umalma ay ang Pinoy Big Brother host na si Bianca Gonzales na agad nag-post sa kanyang Twitteraccount. Anito, “Bakit hirap ang iba na maniwala na sasadyain ng libu-libong tao ang …
Read More »Robredo nalampasan na si Marcos sa Facebook Analytics ngayong Marso
NALAMPASAN na ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo si Ferdinand Marcos, Jr., ngayong buwan pagdating sa Facebook Analytics score, na sumusukat sa potensiyal ng mga tao na maging botante ng isang partikular na kandidato. Ayon sa data scientists na sina Wilson Chua at Roger Do, si Robredo ang nakakuha ng pinakamalaking pagtaas mula Pebrero hanggang Marso pagdating sa …
Read More »Pilipinas debates 2022 tuloy na
PORMAL nang nilagdaan ng Commission on Elections (Comelec) at Vote Pilipinas ang kasunduan para sa idaraos na PiliPinas Debates 2022 sa Sofitel Hotel, sa lungsod ng Pasay. Ang PiliPinas Debates 2022 ay isang serye ng debate sa telebisyon na inorganisa ng Commission on Elections (COMELEC), sa tulong ng non-partisan voter education organization na Vote Pilipinas, bilang paghahanda para sa 2022 …
Read More »P10 taas presyo sa produktong petrolyo sumirit
UMABOT na sa P10.00 ang taas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Ngayong Martes P6.00 ang idinagdag sa pump prices sa diesel ng mga kompanya ng langis na mas mababa nang kaunti ang idinagdag sa gasolina at kerosene. Ang dalawang malalaking kompanya ng Petron Corporation at Pilipinas Shell ay nag-anunsiyo nitong Lunes, 6:00 am ng Martes ang dagdag na P5.85 …
Read More »Lumang jeepneys huwag palitan, tsuper at operator pabawiin — Kiko
NANAWAGAN si vice-presidential aspirant Francis “Kiko” Pangilinan nitong Lunes para suspendehin ang programa ng gobyerno na naglalayong tanggalin ang mga jeepney na 15 taon nang ipinapasada. Ayon kay Kiko, ito ay bilang tulong sa mga tsuper at mga operator na hindi pa man nakababawi, ay halos linggo-linggo nang ‘pinipilay’ ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo. “Ipagpaliban muna …
Read More »Sen. Ping inspirasyon ng batang negosyanteng ‘pinulot sa kangkungan’
SINONG hindi bibilib sa 17-anyos na si Josh Mojica na bumasag sa kasabihan na “pupulutin ka sa kangkungan,” matapos niyang mapaunlad ang kanyang buhay at nakatulong sa iba dahil sa kangkong? Pero sa likod ng tagumpay ng binata, kinilala sa kanyang kangkong chips, ay ang kanyang idolo na labis niyang pinasasalamatan dahil sa tulong nito para tuluyang mabago ang takbo …
Read More »Navotas nagsimula na sa payout ng SAP 2nd tranche
NAGSIMULA nang maglabas ng lokal na pondo ang pamahalaang lungsod ng Navotas upang makompleto ang P8,000 Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP) 2nd tranche para sa 4,986 pamilyang Navoteño. Ang mga benepisaryo ay nakatanggap ng P3,000 bawat isa sa pamamagitan ng SAP-LOLO Program (Saklolo Para sa mga Navoteñong Kulang ang Natanggap na 2nd Tranche SAP mula sa DSWD-NCR). “Ito na …
Read More »Ad Hoc Committee binuo sa Kongreso laban sa pagtaas ng presyo ng gas
BINUO ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang ad hoc Committee para pag-usapan ang mga hakbang na maaaring gawin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Ayon sa pinuno ng House Committee on Economic Affairs, Rep. Sharon Garin, pinangangambahan ang halos P5 pagtaas sa presyo ng gasolina sa mga darating na araw. “This assembly is critical because no one …
Read More »
Supporters na Caviteño hakot at bayaran
BINTANG NI REMULLA IRESPONSABLE, INSULTO SA KABABAYAN — LENI
IRESPONSABLE at insulto sa mga kababayang Caviteno ang bintang ng isang politiko sa lalawigan na hinakot at binayaran ang may 47,000 supporters na dumalo sa grand rally ni presidential aspirant, Vice President Leni Robredo sa Gen. Trias kamakailan. “Unang-una hindi ‘yun totoo, number two, very irresponsible ‘yung statements na ‘yun kasi wala naman pagbabasehan, at pangatlo, insulto naman ‘yun. Insulto …
Read More »
China ‘diyos’ ni Digong
PH ARBITRAL VICTORY ‘DI KAYANG IPATUPAD
ni ROSE NOVENARIO INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maipatutupad ng kanyang administrasyon ang 2016 arbitral ruling na pumabor sa Filipinas laban sa pangangamkam ng China sa mga teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS). “Just to remind everybody to stay cool, chill ka lang. Maybe it’s not in our generation maso-solve natin itong problema sa China. We …
Read More »Red-tagging ng kandidato at supporters, Election offense
ISANG election offense ang red-tagging o pagmamarka sa isang tao o mga grupo na sangkot sa komunistang grupo lalo na’t ginamit upang takutin at gipitin ang mga kandidato at mga tagasuporta. Babala ito ni retired Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon kasunod ng bintang ni Cavite Rep. Boying Remulla na ang mga nagpunta sa grand rally ni presidential candidate, …
Read More »Kusug Tausug, nangampanya sa Pampanga at NCR Muslim area
DALAWANG magkasunod na araw ang ginawang pangangampanya ng Kusug Tausug party list sa mga lugar na tinitirhan ng mga Muslim sa Pampanga, gayundin sa mga imam at ilang lider Kristiyano sa Kamaynilaan. Pinuntahan ni Kusug Tausug first nominee Representative Shernee Tan-Tanbut ang komunidad ng mga Muslim sa barangay Sto. Niño at San Rafael sa Guagua, Pampanga at mga lider-Muslim sa …
Read More »
Kapag nanalong alkalde
UTANG NG MAYNILA HINDI PAPASANIN NG MANILEÑO — LOPEZ
TINIYAK ni Manila mayorality candidate, Atty. Alex Lopez na kanyang tututulan at ibi-veto ang lahat o dagdag na buwis na pagtitibayin ng konseho ng lungsod ng Maynila. Ito ay sa sandaling mahalal siya bilang alkalde ng lungsod matapos ang magiging resulta ng halalan sa 9 Mayo 2022. Ayon kay Lopez, wala siyang balak dagdagan ang pahirap sa mga mamamayan ng …
Read More »Robredo saludo sa Bulakenyo
ni ROSE NOVENARIO SUMALUDO si Vice President at presidential candidate Leni Robredo sa pagdagsa ng may 45,000 Bulakenyo sa grand rally nila ng kanyang tandem na si vice presidential bet Sen. Francis “Kiko” Pangilinan at mga kandidato sa pagka-senador sa Malolos, Bulacan noong Sabado. “Grabe, Bulacan! Ginulat n’yo kami!” pahayag ni Robredo sa paskil sa Facebook. Inilahad niya na nagsimula …
Read More »
Sa tangkang pagpatay
‘TRATONG MARITES’ NG PTFOMS VS TRIBUNE CORRESPONDENT, INALMAHAN NG NUJP
UMALMA ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa tila pagbabalewala ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa tangkang pamamaril sa isang Baguio-based correspondent at pagbansag na ‘Marites’ sa mga naalarma sa insidente. Nagpahayag ng pakikiisa ang NUJP sa Baguio-Benguet chapter, Baguio Correspondents and Broadcasters Club Inc., at Kordilyera Media-Citizen Council sa panawagan ng masusing imbestigasyon …
Read More »Ping ganado sa kampanya ramdam malakas na suporta
KOMPIYANSA si Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson na maipapanalo niya ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo dahil sa positibong pagtanggap na kanyang nakukuha sa mga tagasuporta at sa publiko na nakaririnig at nakauunawa ng kanyang mga mungkahing polisiya para masugpo ang katiwalian at mas maiangat ang serbisyo ng mabuting pamahalaan. Sinabi ni Lacson, ipagpapatuloy nila ng running mate na …
Read More »Scouts Royale Brotherhood, sumusuporta sa plataporma ng Marcos-Duterte UniTeam
NAGKAISA ang National at International Officers ng Scouts Royale Brotherhood International Service Fraternity and Sorority, Inc. (SRB) na suportahan sina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at vice presidential aspirant Mayor Sara Duterte sa halalan sa Mayo. Sa Manifesto na iprenesinta ni SRB Chairman Emmanuel Sipin kay House of Representatives Majority Floor Leader Martin Romualdez na kumatawan sa UniTeam, nakasaad …
Read More »‘Golden age’ ni BBM, clear and present danger – Atty. Luke
ni ROSE NOVENARIO MAPANGANIB sa bansa ang iniaambang pagbabalik ng ‘Marcos golden age’ ng anak ng diktador at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Inihayag ito ng labor leader at senatorial bet Atty. Luke Espiritu sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa One News noong Biyernes. Sinabi ni Espiritu, dapat pag-usapan ang mga totoong …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com