Nagbabadya na namang tumaas ang presyo ng gasolina ngayong linggo. Inaasahang, tataas ng P0.30 hanggang P0.50 ang kada litro ng gasolina sa pangunguna ng ‘Big 3.’ Pero may aasahan namang bawas-presyo sa diesel na posibleng pumalo ng P0.50 hanggang P0.70. May rollback din sa kerosene na P0.10 hanggang P0.20 kada litro.
Read More »Masonry Layout
‘Roar’ ni Perry isinayaw ni Tayag kontra paputok
Muling idinaan ng Department of Health (DoH) sa pagsayaw ang pagpapalaganap ng kampanya kontra sa paggamit ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon. Kung tumatak sa publiko ang dance craze ng ahensya sa saliw ng “Moves like Jagger” noong 2011, at “Gangnam Style” nitong 2012, ang kantang “Roar” ni Katy Perry naman ang gamit ng ahensya ngayong 2013. “Imbes mag-roar …
Read More »Kelot grabe sa tarak ng bespren (Ginigirian ng BFF kinursunada)
NATAPOS sa pananaksak ang pagkakaibigan ng kapwa 17-anyos mag-bestfriend nang mauwi sa kulitan ang masayang inuman, sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Kritikal ang kalagayan sa Caloocan Medical Center (CMC) ang biktimang kinilalang si Reynaldo Olaybar, 17-anyos, ng Narra Alley, Brgy. 136, Bagong Barrio, ng lungsod, sanhi ng malalim na tama ng saksak sa likod. Wanted sa pulisya ang …
Read More »Seguridad sa Simbang Gabi tiniyak
BUKOD sa checkpoints, magpapakalat din ng “undercover” operatives ang Philippine National Police (PNP) para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko, sa pagsisimula ngayon ng tradisyonal na “Simbang Gabi.” Sa lungsod ng Maynila, sinabi ni MPD head, C/Supt. Isagani Genabe Jr. na magtatayo sila ng checkpoints malapit sa mga simbahan para matiyak na hindi makakapanamantala ang mga masasamang loob. Kabilang …
Read More »4 patay, 1 sugatan sa tambang
LAOAG CITY – Tatlo ang agad binawian ng buhay habang isa ang namatay habang ginagamot sa ospital makaraang tambangan sa Brgy. Sta Cruz-B, Badoc, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang agad namatay na sina Benny Rosete, 31; Jerry Guzman; at William Acoba. Namatay naman sa ospital si Hayamel Rosete, 11, anak ni Benny Rosete. Nasugatan sa insidente …
Read More »Ex-Pagadian mayor, asawa timbog sa NBI (Sa Aman Futures scam)
Naaresto na si dating Pagadian City Mayor Samuel Co at asawang si Priscilla Ann Co, na sangkot sa P12-B pyramiding scam ng Aman Futures Group sa Serendra, Taguig City. Ito ang kinompirma ni Justice Secretary Leila de Lima at ng National Bureau of Investigation (NBI), Linggo. Nagpanggap na prospective buyer ang ilang ahente ng NBI at natunton ang unit ng …
Read More »Buntis, magulang patay sa ratrat ng ex-BF
PATAY ang anim-buwan buntis at kanyang mga magulang nang magwala at mamaril ang ama ng sanggol sa kanyang sinapupunan, sa Navotas City kahapon ng umaga. Dead on the spot ang mga biktimang sina Jocelle Dinolang at mag-asawang Rosa at Cecilio Dinolang, nasa hustong gulang, mga residente ng Kalye Impiyerno, Tabing-Dagat, Brgy. San Roque. Sa ulat, mga tama ng bala ng …
Read More »Gobyerno ‘bato’ sa lahat ng price hike
WALA pang konkretong hakbang ang administrasyong Aquino para maibsan ang pasanin ng publiko sa pagtaas ng singil sa koryente, paglobo ng presyo ng bilihin at nakaambang dagdag-pasahe sa MRT at LRT. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bagama’t may mga talakayan nang nagaganap sa gabinete kung paano masasalag ang pagtaas ng mga presyo at singilin, wala pa siyang masasabing …
Read More »Multang P30K, SOCE ayusin OK na — Sixto (Sa kaso ng 424 elected officials)
NILINAW ng pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) na maaaring ayusin ng mga pinabababa sa pwestong elected officials ang kanilang nakabinbin na kaso sa komisyon kaugnay ng bigong makapagsumite nang tamang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa nakaraang halalan. Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, kung tutuusin ay hindi “big deal” ang kanilang kautusan sa Department of Interior and …
Read More »Larawan ni ‘Arlene,’ justices iimbestigahan ng SC
KINOMPIRMA ng Supreme Court na pinaiimbestigahan ng komite ang lumabas na larawan ni Arlene Angeles-Lerma na kasama ang judges at mahistrado. Ayon kay SC spokesman Atty. Theodore Te, maaaring gawing resource person ng binuong investigating committee ang mga mahistrado at hukom na kasama ni Arlene Angeles-Lerma sa ilang mga pagtitipon. Samantala, umalma naman ang SC sa maagang pagpapalabas ng report …
Read More »Melanie Marquez nahulog sa bangin sa Utah
UTAH – Nagpapagaling na si dating beauty queen Melanie Marquez makaraang aksidenteng mahulog ang kanyang SUV sa 12 talampakang lalim ng bangin malapit sa Utah – Arizona border noong Disyembre 7. Habang nagmamaneho mula sa Las Vegas pauwi sa kanilang bahay sa Annabella, Utah, si Marquez ay may nasaging bloke ng yelo at nadulas ang kotse palayo sa highway dakong …
Read More »Sekyu ng Maynila utas sa tarak ng padyak boy
PATAY ang isang 58-anyos na tauhan ng Manila City Hall security force, matapos saksakin ng kanyang nakaalitan sa Ermita, Maynila, iniulat kahapon. Binawian ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Dominador Valdez, security force ng Boys Town, sanhi ng mga saksak sa katawan. Nakapiit na sa Manila Police District PS-5, ang suspek na si Benjie Bago, …
Read More »P10-M car accessories nilamon ng apoy
UMAABOT sa P10 milyon halaga ng car accessories ang tinupok ng apoy sa isang bentahan ng mga piyesa ng sasakyan kahapon ng hapon, sa San Juan City. Ayon kay Samuel Lioson, may-ari ng bentahan ng mga car accessories, nasa P10-milyon halaga ang tinupok ng apoy na hindi agad naagapan ng mga pamatay sunog na ideneklarang fire out dakong 3:25 ng …
Read More »Grade 5 piningot iniumpog ng titser
TAKOT at umiiyak na nagsumbong sa magulang ang isang grade 5 pupil, matapos pingutin at iumpog ng kanyang titser, sa Caloocan City kamakalawa ng umaga. Iniimbestigahan na ang titser na kinilalang si Reynaldo Piso, ng M.H. del Pilar Elementary School. Kapag napatunayang nanakit sa estudyante, maaaring mawalan ng trabaho ang guro. Sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Edd, …
Read More »Bahala na si Lord sa inyo, busy ako (Patutsada ni PNoy sa kritiko)
ITO ang patutsada ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang mga kritiko na kanyang paulit-ulit na binatikos sa kanyang pagsasalita sa harap ng Filipino community sa Tokyo, Japan kamakalawa. “‘Yung mga kritiko ho natin may industriya na ho sa Pilipinas … na sa totoo lang ho… hindi ba ang dali naman sumulat ka sa papel, banat ka. “Talagang kami ho …
Read More »Anak ni mayor pinagsayaw sa bala ng parak
KALABOSO ang 27-anyos rookie police ng Montalban na nagpa-convert bilang Muslim ngunit napraning, dahil isang linggong hindi kumain, makaraang pasayawin sa bala ang anak ng alkalde ng Rodriguez, Rizal. Kinilala ni Supt. Samuel Delorino, hepe ng Rodriguez Police, ang suspek na si PO1 Roderick Enrique y Cesesta, nakatalaga sa Rodriguez Police Station, nakatira sa Sitio Saba, Brgy. San Jose ng …
Read More »Bagong super milyonaryo sa Super Lotto jackpot
ISA ang maswerteng nanalo sa jackpot ng 6/49 Super Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon sa PCSO, ang six number combinations ay binubuo ng 12-08-37-17-20-09 na ang premyo ay umaabot sa P126,350,776.00. Nangangahulugang walang kahati ang bagong milyonaryo ng PCSO. (JAJA GARCIA)
Read More »Villar SIPAG muling nagpasaya ng mga bata
Las Piñas 8th Parol Festival. INIABOT nina dating Senate President Manny Villar, Senator Cynthia Villar at Las Piñas Rep. Mark Villar ang trophy kay Luzviminda Gallardo, ang grand winner sa Las Piñas 8th Parol Festival na idinaos kahapon (December 13) sa VIllar SIPAG in Las Piñas City. Tumanggap din si Gallardo ng P20,000 cash prize. MULING napasaya ng Villar SIPAG …
Read More »Recto sinaklolohan si Ate Vi
IPINAGTANGGOL ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang kanyang maybahay na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto kaugnay ng ulat na nabigo ang gobernadora na makapagsumite ng kanyang Statement of Contribution and Expenses (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec) sa nakalipas na halalan. Ayon kay Recto hindi, maaaring hindi nagsumite ang kanyang maybahay dahil obligasyon ng bawat isang kandidato natalo man …
Read More »Pamilya isinumpa ng Japanese na nagbigti
CAMP OLIVAS, Pampanga – Nagbigti sa tabi ng kanilang hagdan ang isang 66-anyos Japanese national makaraang hiwalayan ng asawa at isinama ang kanilang mga anak, sa Phase 3, Blk. 11, Lot 72-73, Highview Hills, Brgy. Sampaloc, bayan ng Apalit. Matigas nang bangkay nang matagpuan kamakalawa ang biktimang si Yoshio Ueba nang tunguhin ng mga barangay official ang nasabing bahay dahil …
Read More »GMA, Vilma, 422 elected officials pinalalayas ng COMELEC
PINAAALIS sa pwesto ng Commission on Elections (Comelec) ang 424 local elected officials, kasama ang 20 congressmen dahil sa kabiguang sumunod sa batas ng poll body. Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., ang naturang mga opisyal ay nabigong maglabas ng kanilang Statement of Election Contributions and Expenditures (SOCE). Kabilang sa pinabababa sa pwesto sina Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, Muntinlupa …
Read More »Killer ng journalist taksil na misis? (Sa imbestigasyon ng pulisya)
SINAMPAHAN ng kasong murder ang misis ng pinaslang na journalist sa Tandag City, Surigao del Sur. Si Michael Milo, national supervisor ng Prime Radio FM, ay namatay matapos pagbabarilin ng tatlong lalaking nakamotorsiklo nitong Disyembre 6. Inihain ng Surigao del Sur police ang kasong murder laban sa misis ni Milo na si April. Kasama rin sa kinasuhan si PO1 Hildo …
Read More »Tax liability ni Pacman sa Amerika ‘under control’ (Giit ni Arum)
TINIYAK ni Top Rank promoter Bob Arum, inaayos na nila ang naiulat na kaso ni 8-division world champion Manny Pacquiao sa Internal Revenue Service ng US government. Bagama’t tipid sa pagbibigay ng komento, sinabi ng promoter na “under control” na ang mga kinakaharap na tax case ng Filipino ring icon. Una nang sinabi ni Pacquiao na bayad ang lahat ng …
Read More »Carandang nagbitiw
NAGSAWA na sa trabaho sa administrasyong Aquino si Strategic Communication Secretary Ricky Carandang kaya nagbitiw sa tungkulin at tinanggap na ito ni Pangulong Benigno Aquino III. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, epektibo ang pagbibitiw ni Carandang sa Disyembre 31, 2013. “Well, he just mentioned that he believes that he has done his job, that he would like to return …
Read More »P30K bonus pababa tax-exempt
IPINAALALA ni BIR Chief Kim Henares kahapon sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong sector na ang 13th month salaries, bonuses at benepisyong hindi lalagpas ng P30,000 ay exempted sa tax. Sa kabilang dako, ang ano mang halaga na lagpas sa P30,000 ay dapat buwisan. Ang paalala na ito ni Henares ay bunsod ng pagsisimula ng mga kompaya sa pagbibigay …
Read More »