Thursday , June 4 2026

Mister utas sa live-in partner

081214 Stab deadPATAY noon din ang isang lalaki makaraan pagsasaksakin ng kanyang kinakasama sa loob ng kanilang bahay sa lungsod Quezon kamakalawa

Sa ulat kay Sr. Supt. Joel D. Pagdilao, Quezon City Police District Director, kinilala ang biktimang si Berto Itum, residente ng Block 216, Lot 36, Phase 8, Brgy. North Fairview sa lungsod.

Ang biktima ay napatay sa saksak ng kinakasama niyang si Maria Lavenia Torres, 32, residente rin sa nasabing lugar, dakong 8 p.m.

Ayon sa saksing kapitbahay na si Arthur Soriano, habang nag- iinoman sila ng kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay, narinig niyang sumigaw ang biktima ng katagang “Subukan mo!”

Pagkaraan ay nakita niyang lumabas ang biktima na umaagos ang dugo sa dibdib saka bumulagta.

Kasunod na lumabas ang suspek hawak ang patalim at akmang muling sasaksakin ang biktima ngunit inawat ni Soriano.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Camp Karingan habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …