Tuesday , November 5 2024

Pope Francis lalapag sa Villamor Airbase

111314 pope francisNAGBIGAY ng kaunting detalye ang Manila International Airport Authority (MIAA) ukol sa pagbisita sa bansa ni Pope Francis sa Enero 2015.

Ayon kay MIAA General Manager Jose Honrado, bagama’t bahagi siya ng executive committee na mamamahala sa pagbisita ng Santo Papa, maliit lamang ang magiging partisipasyon dito ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Hindi aniya dadaan ang Santo Papa sa NAIA sabay kompirmang sa Villamor Airbase lalapag ang eroplano.

Bukod dito, tumangging magbigay ng iba pang detalye si Honrado.

TF Phantom binuo ng MMDA

NAGBUO ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng “Task Force Phantom”para sa nakatakdang pagbisita sa bansa sa Enero 2015 ni Pope Francis.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, tinawag itong ”Task Force Phantom” at itatalaga sa mga lugar na pupuntahan ng Santo Papa.

Ka­bilang sa mga bumubuo ng komiteng itinatag ng Malacañang ang MMDA upang ma­ngasiwa ng paghahanda sa pagdating ng Santo Papa sa Enero 15 hanggang 19.

Ayon sa MMDA Chief, tutukan ng Task Force Phantom ang pagdating ng Santo Papa sa airport hanggang sa pinal na destinasyon.

Inaayos na rin ng MMDA ang traffic management plan para sa naturang pagbisita, partikular dito ang rutang dadaanan ng Santo Papa.

Una rito, sinabi ng MMDA na tukoy na nila ang mga rutang tatahakin at dadaanan ng Santo Papa ngunit hindi pa ito maaaring isapubliko para sa kapakanan ng seguridad.

Kabilang sa kanilang paghahanda ang matiyak na ang lahat ng da­daanan ng Santo Papa ay malinis at walang mga sagabal.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *