Thursday , June 4 2026

Xavier HS stud nagtangkang mag-suicide sa 5/F (Problemado sa pamilya)

111414 xavier school suicideNABULABOG ang klase sa Xavier High School sa San Juan nang magtangkang tumalon ang isang estudyante nito mula sa ikalimang palapag ng gusali kamakalawa.

Bandang 2:30 p.m. kamakalawa, umupo sa ledge ng gusali ang isang Grade 11 lalaking estudyante.

Ikinatakot ito ng mga residente at nagdulot din ng trapik sa lugar dahil sa dami ng mga nag-uusisa.

Maingat na kinausap ang estudyante ng rescue team ng siyudad, Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Insp. Edwin Acuna, walang hiningi ang estudyante.

Ipinakausap sa bata ang mga magulang niya sa pamamagitan ng telepono.

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataong ginawa ito ng binatilyong may problema sa pamilya.

Tumagal nang isang oras bago nakombinsi ang estudyante na bumaba sa gusali.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …