Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Sapatero minartilyo sa agawan ng higaan

ARESTADO ang dalawang construction worker matapos pagpapaluin at pagsasaksakin ang isang lalaki sa Sta. Cruz, Maynila. Kinilala ang biktimang si Mateo Buyron, 53, sapatero, walang permanenteng tirahan. Sa ulat ni SPO1 Charles John Duran, isang Raymond Malabago, 19, binata, ng 1795  Malabon St., barangay tanod na naka-duty sa lugar, ang nag-report kay Brgy. 338, Zone 34 Chairman Elvira Garcia, dakong …

Read More »

P73-K tinangay sa kusinera ng dorobong taxi driver

MULING umatake ang hindi pa kilalang taxi driver sa kaniyang pasahero matapos mabiktima ang 38-anyos kusinera, na sumakay sa minamanehong taxi at natangayan ng malaking halaga ng salapi at grocery items, matapos mawalan ng malay matapos makaamoy ng kakaibang uri ng kemikal kamakalawa ng gabi, sa Pasay city. Dakong 4:30 ng madaling araw, nadiskubre ng biktimang si Erma Nepangue, may …

Read More »

Kaso ng apo ni Willie Nep usad-pagong

INIP na inip sa tila usad-pagong na hustisya sa Marikina PNP at kawalan ng ‘gasolina’ ang kaso ng pamamaril sa apo ni comedian Willie Nepomuceno, sa Marikina City. Ani Willie Nep, tanging sa mga mediamen lang siya nakakakuha ng update sa kaso ni Sean Gabriel, na binaril sa Bayan-Bayanan Avenue, sa lungsod, isang linggo na ang nakararaan. Sisi pa nito, …

Read More »

Estudyante naglason sa memorial park

PATAY na nang matagpuan sa loob ng memorial park sa Brgy. San Agustin, Malolos City ang computer science student na hinihinalang uminom ng silver cleaning solution kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Jerry Ople, residente ng Brgy. Sto. Rosario sa nabanggit na lungsod. Ayon sa nakuhang impormasyon ng pulisya sa dalawang estudyanteng babae, dakong 2:30 p.m. nang makita nila ang biktima …

Read More »

4-M botante no COMELEC ID

MAHIGIT apat milyon botante ang walang voter’s ID o  hindi kumukuha ng kanilang identification card, mula sa mga lokal na tanggapan ng Commission on Elections (Comelec). Ipinaliwanag ni Comelec Spokesman James Jimenez, hindi pa kompleto ang naturang ulat dahil 80 porsiyento pa lamang ng mga local offices ang nagsumite ng kanilang report. “So far, based on the 80 percent that …

Read More »

Collectors’ license idinepensa ng PNP chief (Sa bagong firearms law)

IDINEPENSA ni PNP chief, Director General Alan Purisima ang ipatutupad na bagong firearms law kaugnay ng pagpapahintulot sa isang indibidwal na magmay-ari ng 15 baril. Ayon kay Purisima, legal ito sa ilalim ng bagong batas at lalabas naman aniya ito sa kategoryang collectors’ license na tiniyak niyang daraan din sa butas ng karayom sa pagpaparehistro ang mga may-ari nito. Dagdag …

Read More »

15 patay sa flashflood, landslide sa Mindanao

UMAKYAT na sa 15 ang namatay sa nararanasang pagbaha at landslides dulot nang walang tigil na pag-ulan sa Mindanao bunsod ng umiiral na low pressure area (LPA). Kinilala ni Compostela Valley police chief Camilo Cascolan ang isa sa mga biktima na si Jenemae Gonzales, habang sugatan ang pitong iba pa. Ayon pa opisyal, 30 pamilya ang inilikas sa Mt. Diwata …

Read More »

DoJ, Duterte ‘unahan’ kay David Tan

NATUNTON na ng National Bureau of Investigation (NBI) si “David Tan,” ang itinuturong nasa likod nang malawakang smuggling ng bigas sa bansa. Ito ang tiniyak ni Justice Secretary Leila de Lima sa press briefing  hinggil sa usapin. Aniya, may totoong David Tan at ang tunay na pangalan ay Davidson Bangayan. “The initial results of the verification and investigation of the …

Read More »

26 sugatan sa pagsabog sa N. Cotabato

KIDAPAWAN CITY – Ipinag-utos ni Governor Emmylou “Lala” Taliòo Mendoza sa pulisya ang malalimang imbestigasyon sa pagsabog dakong 8:05 p.m. kamakalawa sa Arakan, North Cotabato na ikinasugat ng 26 katao. Ayon kay Cotabato PNP provincial director, Senior Supt Danilo Peralta, sumabog ang hindi pa matiyak na klase ng improvised explosive device (IED) sa loob ng Cotabato Foundation College of Science …

Read More »

Kauna-unahang Mindanao Cardinal suportado ni Tagle

NAGPAABOT ng pagbati at kasiyahan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, sa pagtatalaga ni Pope Francis kay Cotabato Archbishop Orlando Quevedo, bilang bagong miyembro ng College of Cardinals. Ani Cardinal Tagle, tulad ng kanyang karanasan, hindi rin siya makapaniwala na maitatalaga siyang bagong Cardinal noong nakaraang taon. Tiniyak naman ni Cardinal Tagle kay Cardinal elect Orlando Quevedo, magiging katuwang …

Read More »

Totoy patay sa sunog

ISINAILALIM sa state of emergency ang isang barangay sa Cebu City. Kasunod ito ng sunog na pumatay sa 10-anyos na si Jerry Consas at ikinasugat ng anim iba pa habang daan-daan residente ang nawalan ng tahanan sa Sitio Warwick Barracks sa Brgy. Ermita. Kaugnay nito, gagamitin ang P100,000 calamity fund ng barangay upang tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga biktima …

Read More »

P10-M naabo sa Global City

TINATAYANG nasa P10 milyong halaga ng ari-arian at paninda, ang nilamon ng apoy sa sumiklab na sunog sa isang home depot sa Taguig City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat ni Taguig Fire Marshal Chief Insp. Juanito Maslang, sumiklab ang apoy sa loob ng MC Home Depot, sa  32nd Street, 7th Avenue,  Fort Bonifacio, Global City, dakong 1:30 ng madaling …

Read More »

Bangkay iniluwa ng basura sa Manila Bay

ISANG bangkay ng hindi nakilalang lalaki na hinihinalang biktima ng holdap, ang nakitang palutang-lutang kasama ng mga basura sa Manila Bay, kamakalawa. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 6:30 ng umaga, isang grupo ng kabataan ang nakakita sa palutang-lutang na bangkay sa tapat ng Purok 3, Isla Puting Bato, Tondo, Maynila. Sa ulat, isang Alfredo Mayeko, 44, walang asawa, …

Read More »

12 kg Shabu itinuro sa SOCO

INILINAW ng Quezon City Police District (QCPC) na wala sa kanilang pag-iingat ang sinabing 12 kilo ng shabu na narekober sa magsyotang natagpuang patay sa isang kuwarto sa isang apartelle sa Cubao nitong nakarang Biyernes sa nasabing lungsod. Ayon kay Chief Insp. Rodelio Marcelo, hepe ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang reported na shabu na nakalagay sa …

Read More »

Palasyo ‘natakot’sa banta ni Duterte vs smugglers

PINAALALAHANAN ng Palasyo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na dapat ay alam niya bilang isang halal na opisyal na sa lahat ng panahon ay kailangang umiral ang “rule of law.” Pahayag ito kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., hinggil sa ulat na pinaninindigan ni Duterte ang kanyang pagbabantang papatayin niya ang mga rice smuggler sa Davao City sa …

Read More »

4,000 residente sa Mindanao inilikas dahil sa baha

UMAABOT sa 4,253 re-sidente ang naitalang inilikas mula sa limang lalawigan sa Mindanao dahil sa malawakang pagbaha dulot ng patuloy na pag-ulan dala ng Low Pressure Area (LPA). Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NRRMC), nasa kabuuang 882 pamilya ang inilikas sa Davao del Norte, Compostella Valley, Agusan del Sur, Lanao del Norte at Surigao …

Read More »

PH nakiramay sa pagpanaw ni Sharon

NAGPAABOT ng paki-kiramay ang pamahalaang Filipinas sa pagpanaw ni former Israel Prime Minister Ariel Sharon. Sa isang kalatas, tinukoy ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Raul Hernandez ang malaking papel na ginampanan ni Sharon sa pagsulong at pagpanatili ng kapayapaan. “Philippines joins the government and people of Israel in mourning the passage of their former Prime Minister Ariel Sharon. …

Read More »

Rotating brownouts pipilay sa ekonomiya

NANINIWALA ang isang mambabatas na malaking banta sa ekonomiya ang nakaambang rotating brownouts at power shortage sa bansa. Magreresulta ito sa pagkalugi ng mga negosyo at pagkawala ng trabaho ng libo-libong manggagawa, ayon kay Senador Bam Aquino. “Katulad ito ng nangyaring malawakang brownout sa Mindanao, na maraming kompanya ang nalugi at tuluyang nagsara at maraming manggagawa ang nawalan ng hanapbuhay,” …

Read More »

Emergency powers ‘di lulutas vs power rate

MAS prayoridad ng Palasyo ang paghahanap ng kongkretong hakbang para maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng koryente kaysa magkaroon ng emergency powers si Pangulong Benigno Aquino III para tugunan ang power rate hike. “Hindi pa po tinatalakay ng Pangulo ang bagay na ‘yan sa mga miyembro ng Gabinete. Sa kasalukuyan, ang kautusan ng Pangulo ay hinggil sa patuloy …

Read More »

2, 876 pasahero stranded sa Sorsogon

UMABOT sa 2,876 na pasahero ang na-stranded sa pantalan sa Matnog, Sorsogon, dahil sa walang humpay na pag-ulan dala ng umiiral na low pressure area (LPA). Nabatid sa Philippine Coast Guard (PCG), hindi na pinayagang makapaglayag ang mga barko sa nabanggit na pantalan dahil sa malalaking alon ng karagatan. Sa kasalukuyan, mahigpit pa rin ang isinasagawang pagbabantay ng PCG sa …

Read More »

Pasay ex-kagawad isinangkot sa holdap vs businessman

ISANG munhant operation ang isinagawa ng Manila Police District (MPD) laban sa dating barangay kagawad sa Pasay City na isinangkot sa panghoholdap ng riding in tandem sa isang negosyante sa Malate, Maynila kamakailan. Kinilala ang biktimang si Bobby Velasco, may-ari ng Café de Malate, habang tinukoy ang suspek na si Ramon Villareal Buragay, ex-kagawad sa Pasay City, kasama ang isa …

Read More »

US Navy nang-hostage arestado

Arestado ang isang retiradong US Navy matapos mang-hostage ng kahera sa isang apartelle sa Timog Avenue, Quezon City, Linggo. Halos tatlong oras na binihag ni Robert Mark Stasastis, 57-anyos, ang biktimang empleyado ng Paradise Apartelle na tinutukan pa umano nito ng kutsilyo. Ligtas namang nakuha ng mga tauhan ng QCPD ang biktimang hindi na pinangalanan ng mga awtoridad. Batay sa …

Read More »

Sa Region 12, patay sa dengue 67 na – DoH

TUMATAAS ang bilang ng mga namamatay dahil sa sakit ng dengue sa Rehiyon 12. Ayon sa kompirmasyon ng Department of Health (DoH) Region 12, mula sa 12,000 kaso ng dengue sa rehiyon ay umaabot na sa 67 ang iniulat na namatay. Sinabi ng DoH, mas mataas ito kung ikukumpara noong 2012 na mayroon lamang 50 namatay. Base sa monitoring ng …

Read More »

Proteksyon ng fisherfolk vs China tiniyak ng Palasyo

PINAWI ng gobyerno ang pangamba ng local fishermen kaugnay sa panibagong tensyon dulot ng ipinatutupad na “fishing policy” ng China sa bahagi ng West Philippine Sea. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi kinikilala ng Philippine government ang bagong fisheries regulation ng Beijing at malinaw na paglabag ito sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa. Siniguro rin ng kalihim …

Read More »

25 pamilya homeless sa Caloocan fire

Tinatayang aabot sa higit P1-milyon ang halagang natupok sa sunog sa 2nd Street, 4th Avenue, Barangay 118, Grace Park, sa Caloocan City, Sabado ng gabi. Apektado ang 25 pamilya matapos masunog ang 14 kabahayan. Bandang alas-10:00 ng gabi nang nagsimula ang apoy na umabot sa ikalimang alarma. Pansamantalang nakatira ang ilang nasunugan sa kanilang mga kaanak. May isang volunteer fire …

Read More »