Thursday , June 4 2026

Thai patay sa pagtalon mula 15/F sa Makati

041314 deadBINAWIAN ng buhay ang isang lalaking Thai makaraan tumalon mula sa ika-15 palapag ng gusali sa Ayala Avenue, Makati kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Chief Insp. Shirley Bao, hepe ng investigation branch ng Makati PNP, ang 37-anyos biktimang si Kirk Priebjrivat, agad nalagutan ng hininga makaraan tumalon mula sa

rooftop ng Bankmer building sa Bel-Air.

Ayon sa testigong si Jumer Carpio, traffic enforcer ng Makati, namataan niya ang biktima na paikot-ikot at tila nagtatangkang tumalon mula sa rooftop kaya siya humingi ng tulong.

Ngunit tumalon na ang Thai bago pa dumating ang rescue team.

Sumabit ang katawan ng biktima sa puno saka lumagpak sa kalye sa tapat ng isang fastfood chain.

Inaalam ng pulisya kung ano ang dahilan ng pagtalon ng biktima.

Bagama’t walang nakitang kasama ang lalaki sa rooftop ay hindi pa rin inaalis ng mga awtoridad ang posibilidad ng foul play.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …