Friday , November 15 2024

Masonry Layout

Airport ground crew malubhang nasugatan (Kidlat tumama sa buntot ng eroplano)

MALUBHANG nasaktan ang isang ground personnel nang tamaan ng kidlat ang nakaparadang Cebu Pacific Airbus A320 plane sa Ninoy Aquino International Airport terminal 3, ulat ng Manila International Airport Authority (MIAA) kahapon. Nasa ground ng airport ang biktimang si Celdon Abalang, nang biglang tumama ang kidlat sa buntot ng eroplano na tumulay sa wire ng kanyang headset kaya labis siyang …

Read More »

Kano tsugi sa trabaho nagbitay

PATAY ang isang American English teacher matapos magbigti dahil sa depresyon sa Bacoor City, Cavite. Nakabigti gamit ang nylon cord nang madatnan ng kanyang asawang si Arlene ang biktimang si Dustin Jacob Suchin, 31, tubong California, USA, English Teacher sa Hankuk University of Foreign Studies, sa Ortigas, Pasig City, nakatira sa Blk.12, Lot 12, Maena St., Rosewood Subd., Barangay Niog …

Read More »

Disbarment case vs Brillantes, 5 pa aprobado sa SC

INAASAHAN nang matatanggalan ng lisensya bilang abogado si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Sixto Brillantes, Jr., at lima pang commissioners matapos aprobahan ng Korte Suprema ang disbarment case na isinampa ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) laban sa anim na opisyal. Kasama ni Brillanters sa mga inaprobahan na i-disbar sina Commissioners Rene Sarmiento, Lucenito Tagle, Armando Velasco, Elias Yusoph at Christian …

Read More »

Jueteng ops ni Bolok Santos lalarga na sa Metro South

MULING nagpapalawak ng operasyon sa larangan ng illegal numbers game partikular ang jueteng, pinalapad ng matunog at kilalang gambling lord na si Bolok Santos ang kanyang teritoryo sa Metro South. Sa ulat na nakarating sa intelligence community, pinakikilos na ni Bolok Santos ang kanyang mga personero at kabo sa mga lungsod ng Pasay, Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas, Taguig, Pateros, at …

Read More »

Dasal para kay Miriam vs cancer bumuhos

BUMUHOS ang pag-aalay ng dasal ng netizens para sa ikagagaling ni Miriam Defensor-Santiago sa sakit na lung cancer. “Nakaka-sad malaman na may stage 4 lung cancer si Sen. Miriam Santiago. Please pray for her… Please help me to pray for Sen. Miriam who still fight for the right and the truth even she has a stage 4 lung cancer,” ayon …

Read More »

Warden ng PNP Custodial Center sinibak

TULUYAN nang sinibak sa pwesto bilang warden ng PNP Custodial Center si Supt. Mario Malana. Ito’y makaraan mapatunayan na nilabag niya ang takdang oras ng pagbisita para sa dalawang nakakulong na senador na sangkot sa P10-Billion pork barrel fund scam. Nabatid na nilabag ni Malana ang takdang visiting hours para sa mga bilanggo partikular sa dalawang senador na sina Jinggoy …

Read More »

Bodega ng ex-mayor sinalakay (NFA rice ini-repack na commercial)

ITINURO ang isang dating alkalde na may-ari ng bodega ng bigas na sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Marilao, Bulacan kahapon ng umaga. Sinalakay ang nasabing warehouse matapos mabalitang pinag-iimbakan ng libo-libong sakong bigas ng NFA na sinasabing inire-repack sa anyong commercial rice. Ayon kay Chief Insp. Rey Magdaluyo, ng CIDG-Bulacan, madaling-araw nang salakayin …

Read More »

Spider lift bumigay 2 obrero patay

DALAWANG obrero ang namatay nang bumagsak mula sa ikawalong palapag ang sinasakyan nilang Spider lift habang gumagawa sa gusali ng Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City kamakalawa ng gabi. Agad namatay bago makarating sa San Juan De Dios Hospital sanhi ng pagkabale ng mga buto at mga sugat sa katawan sina Ronaldo Caballero, 29; Segrid Puntalan, Jr., 28, …

Read More »

60 HS studes hinimatay sa earthquake drill

UMABOT sa 60 estudyante ng Parañaque National High School sa Brgy. Tambo, Parañaque City ang isinugod sa Ospital ng Parañaque at Las Piñas District Hospital dahil sa pagkahilo, sakit ng tiyan, pamamanhid ng kalamnan at hinimatay makaraan ang isinagawang earthquake drill kahapon. (JERRY SABINO) NAWALAN ng malay ang mahigit 60 estudyante habang nagsasagawa ng earthquake drill sa Parañaque National High …

Read More »

2 timbog sa bookies

DINAKIP ang dalawang personnel ng ilegal na bookies ng karera sa Malate, Maynila, inulat kahapon. Nakakulong ang mga suspek na sina Marc Fernandez, 21, ng 1221 Anakbayan St., Malate, Maynila at Jessel Solano, 24, ng 1121 Narciso St., Pandacan, Maynila. Ayon kay SP04 Jonathan A. Cruz, OIC SAID ng MPD PS-9, dakong 9:00 p.m. nang madakip nila ang dalawang suspek …

Read More »

CIDG, hiniling umaksiyon vs sindikatong kriminal sa Antipolo

Nanawagan ang mga residente ng Pagrai Hills sa Barangay Mayamot, Antipolo City sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na buwagin ang sindikatong kriminal sa kanilang lugar na sangkot sa land grabbing, gun-for-hire, gun running, cyber sex at illegal drugs operations. Ayon kay Joey Valerio, isa sa mga lider ng Pagrai Homeowners Association & Alliance, maganda ang hakbang ni CIDG …

Read More »

Bukidnon mayor todas sa NPA ambush

CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpapatuloy ang inilunsad na pursuit operation ng militar at pulisya laban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Buntungan, Impasug-ong, Bukidnon. Ito’y makaraan tambangan ng mga rebelde ang convoy ni Impasug-ong town Mayor Mario Okinlay kahapon ng umaga. Inihayag ni 4th Infantry Division spokesperson Maj Christian Uy, nagmula sa isang medical mission ang …

Read More »

Negosyante nilooban anak niluray

MALAWAKANG pinag-hahanap ng pulisya ang mga kawatan na nanloob sa bahay ng mag-asawang negosyante at humalay sa 20-anyos nilang anak na babae kahapon sa Tagaytay City, lalawigan ng Cavite. Ang suspek na si Carlo Bullos ng Bonifacio Drive, Brgy. Silang Crossing West, Tanza ay pinaghahanap makaraan positibong kilalanin ng rape victim at ng kanilang kasambahay sa pamamagitan ng Rogue’s Gallery. …

Read More »

2 patay sa kidlat

PATAY ang dalawang magsasaka nang tamaan ng kidlat sa magkakahiwalay na lugar sa Pangasinan. Unang namatay si Lito de Vera ng Brgy. Pangluan, San Carlos City. Nasa bukid ang biktima habang nagtatanim nang tamaan ng kidlat. Patay rin sa tama ng kidlat ang 18-anyos na si Rocky Villena, isa rin magsasaka, mula sa Brgy. Agdao, sa bayan ng Malasique. Kapwa …

Read More »

Kabit na titser ni mister ini-blackmail misis nasakote

NADAKIP sa entrapment operation kahapon ng mga tauhan ng Taguig City Police ang isang 29-anyos ginang makaraan hingian ng pera at takutin ang isang titser na sinasabing may relasyon sa kanyang mister. Ayon kay Chief Inspector  Benito Basilio, Jr., hepe ng Station Investigation Detective & Management Section, dahil sa pakiusap ng suspek ay hindi nila inihayag ang tunay na pangalan …

Read More »

‘Discount on maids’ (Pinays pina-display sa Singapore malls)

SINUSPINDE ng gobyerno ang accreditation ng foreign placement agency na hinihinalang sangkot sa “discount on maids” marketing strategy. Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, pinatawan ng suspensiyon ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Singapore na pinamumunuan ni Labor Attache Vicente Cabe, ang Homekeeper Agency. Ang suspensyon ay kasunod ng utos ni Baldoz na kompirmahin ang ulat na may mga …

Read More »

‘Frat house’ hinalughog ng PNP, NBI

HINALUGHOG na ng mga pulis at ng mga ahente ng National Bureau of Investigation kahapon ang isang bahay sa Makati City na pinaniniwalaang doon naganap ang deadly hazing sa estudyante ng De La Salle University-College of St. Benilde na si Guillo Cesar Servando. Pinasok ng mga tauhan ng Makati City police at Scene of the Crime Operations teams ang nasabing …

Read More »

Miriam may stage 4 lung cancer

IBINUNYAG ni Sen. Miriam Defensor-Santiago kahapon, na-diagnosed siyang mayroong lung cancer. Sa kanyang pagharap sa media, sinabi ni Santiago na stage 4 na ang kanyang sakit at nakompirma noong nakaraang linggo lamang. Hindi maintindihan ng senadora kung ano ang sanhi ng kanyang cancer dahil hindi aniya siya naninigarilyo at hindi rin umiinom. Sa kabila ng karamdaman, nakuha pang magbiro ni …

Read More »

Abad, iba pang tumanggap ng DAP kasuhan — Miriam

PINAKIKILOS ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang government prosecutors para kasuhan ang mga sangkot sa pagpapalabas at nakinabang sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP). Ayon kay Santiago, kasong kriminal, civil at administratibo ang maaaring isampa kina Budget Secretary Butch Abad, sinasabing may pakana sa pagpapalabas ng pondo, at mga senador at kongresistang tumanggap ng DAP na aniya’y suhol makaraan ma-convict …

Read More »

DAP ibalik sa kaban ng bayan

TINIYAK ng Malacañang na ibabalik sa kaban ng bayan ang pondo ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na inilagak sa mga proyektong hindi naipatupad, gaya ng rehabilitasyon ng MRT at LRT. Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda nang usisain ng media kung bakit kahit natapos na ang DAP noon pang 2013, hanggang sa ngayon ay wala pa rin …

Read More »

Nene nalitson sa Mandaluyong fire

NAMATAY ang isang batang babae habang 40 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog sa isang residential area sa Mandaluyong City kahapon. Ang biktima ay nabatid na naiwan sa loob ng inuupahang three-story house sa Brgy. Mauway nang maganap ang insidente. “Nakita natin ang kinalalagyan niyang pwesto. Sa ngayon charred beyond recognition,” pahayag ni Fire Inspector Francia Embalsado …

Read More »

Sanggol patay, 2 pa sugatan sa tricycle

RIZAL – Binawian ng buhay ang isang taon gulang sanggol na babae habang dalawa pa ang sugatan makaraan mawalan ng kontrol ang sinasakyan nilang tricycle kamakalawa ng umaga sa Antipolo City. Kinilala ni Antipolo City Police chief, Supt. Arthur Masungsong ang biktimang namatay na si Princess Jane Clerigo, residente ng Black Cross, Upper Nazareneville, Brgy. San Roque ng nasa-bing lungsod. …

Read More »

Casino financier pinahirapan saka pinatay (Resort World CCTV bubusisiin ng pulisya)

PINANINIWALAANG ang pagiging casino financier ang dahilan ng pagpapahirap at pamamaslang sa isang Filipino-Chinese na natagpuang patay sa loob ng itim na Toyota Fortuner nitong nakaraang araw ng Linggo (Hunyo 29) sa Parañaque City. Ang biktima, kinilalang isang Joseph Ang, ay natagpuang wala nang buhay, nakasubsob, nakaposas ang mga kamay sa likod, nakagapos ng packaging tape ang mga paa, at …

Read More »

Suspek sa frat hazing sumuko (Tau Gamma Phi nagpaliwanag)

SUMUKO sa pulisya kahapon ang isa sa mga suspek sa hazing na ikinamatay ng estudyanteng si Guillo Cesar Servando, at kasalukuyan nang isinasailalim sa custodial investigation. Ngunit sinabi ng Manila Police District, ang suspek ay itu-turnover nila sa Makati City Police. Sinabi ni MPD spokesman Chief Inspector Erwin Margarejo, ang suspek na pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan para sa kanyang …

Read More »