Wednesday , November 13 2024

Masonry Layout

Ahente ng paputok binoga tigok

PAMPANGA – Tigok ang isang ahente ng paputok nang barilin ng kaalitan na nakatiyempo sa kanya sa Bocaue, Bulacan, kamakalawa. Dead-on-the-spot sanhi ng isang tama ng punglo ng kalibre .45 baril sa dibdib ang biktimang si Augusto Dawal, 52, tubong Bicol, ng Northville 5, barangay Batia, Bocaue, Si Dawal ay nakaupo sa harap ng kanyang bahay nang barilin ng suspek …

Read More »

Judges sa PJA election scam suspendido (Sa Ma’am Arlene issue)

INILABAS na ng Korte Suprema ang inaprubahan nitong rekomendasyon ng Leonen committee na nag-imbestiga sa ‘Ma’am Arlene issue.’ Sa tatlong pahinang notice of resolution na pirmado ni Clerk Of Court Enriqueta Vidal, iniutos ng Korte Suprema ang pagsuspinde kina Quezon City RTC Judge Ralph Lee bilang presidente ng Philippine Judges Association, at Manila Regional Trial Court Judge Lyliha Aquino, bilang …

Read More »

Trillanes may listahan ng ‘coup plotters’

IDINEPENSA ni Sen. Antonio Trillanes IV ang kanyang impormasyong inilabas na may nagbabalak ng kudeta laban sa Aquino administration. Ayon kay Trillanes, kanyang nilinaw na noong tinanong siya kung mayroon bang mga heneral na mag-aaklas ay agad niya itong sinagot na may non-active generals ang nagre-recruit sa active officers ngunit hindi lang ito kinagat kaya hindi umusad. Ayon kay Trillanes, …

Read More »

Pinay nurse sa Libya na-gang rape — DFA

KINOMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ang pagdukot at paggahasa ng anim na Libyan youth sa isang Filipina nurse sa Libya. Bunsod nito, muling nanawagan ang DFA sa mga Filipino na lumikas na. “We reiterate our call to our remaining nationals in Libya to immediately get in touch with the Philippine Embassy in Tripoli and register for repatriation. …

Read More »

Radio commentator grabe sa close van

VIGAN CITY – Kritikal ang kalagayan ng isang radio commentator makaraan mabundol ng isang close van habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Brgy. Naguiddayan, Bantay, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Danilo Tajon, komentarista sa isang istasyon ng radyo, at dati ring asst. manager ng Bombo Radyo Vigan, residente ng Brgy. Quimmarayan, Sto. Domingo, habang ang driver ng close van …

Read More »

Naburyong na bebot nanaksak sa St. Luke’s (Walang bakante sa trabaho)

MALUBHANG nasugatan ang isang sekretarya ng isang dentista makaraan pagsasaksakin ng isang babaeng naburyong nang hindi tanggapin sa trabaho sa loob ng St. Lukes Medical Center sa Quezon City kahapon. Sugatan at nakaratay sa nasabing ospital ang biktimang si Diony Concepcion, 40, sanhi ng saksak sa ulo, baba, at likurang bahagi ng katawan. Samantala, agad naaresto ang suspek ng mga …

Read More »

Lolo syut sa irigasyon tigok

PATAY ang isang 81-anyos lolo nang mahulog sa isang irigasyon sa Asingan, Pangasinan kamakalawa. Wala nang buhay nang matagpuan ang biktimang si Maximo Obejo, 81, ng Brgy. Palaris sa nabanggit na bayan. Naglalakad ang biktima nang madulas at mahulog sa irigasyon sa Sitio Riverside, Brgy. Toboy. (BETH JULIAN)

Read More »

Asset ng pulis kritikal sa ambush

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang pintor na sinasabing asset ng mga parak, makaraan barilin ng hindi nakilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City. Ginagamot sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Bernardo Mateo, 41, ng Heremias St., Brgy. Karuhatan ng nasabing lungsod, sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa ulo. Batay sa ulat ng pu-lisya, …

Read More »

42 Taiwanese sa cyber crime ipinatapon

IPINATAPON na kahapon ng Bureau of Immigration (BI) ang 42 Taiwanese national na sinabing sangkot sa iba’t ibang uri ng cyber crime. Isinakay ang grupo sa Philippine Airlines flight PR-896 patungong Taipei dakong 7:00 a.m. (EDWIN ALCALA) IPINATAPON ng Bureau of Immigration (BI) pabalik sa kanilang bansa ang 42 Taiwanese national na pawang mga miyembro ng sindikatong cyber crime. Ang …

Read More »

Bebot utas sa tandem

PATAY noon din ang isang babae nang barilin sa dibdib ng riding in tandem makaraan siyang agawan ng bag sa Quezon City kahapon ng madaling-araw. Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktimang tinatayang may gulang na 24 hanggang 25-anyos. Natagpuan ng mga tanod na nakahandusay at wala nang buhay ang biktima Faustino St., Brgy. Holy Spirit, Quezon …

Read More »

Misis umayaw 8-anyos anak biniyak ni mister

“Aray Papa, masakit!” Ito ang narinig ng isang ginang nang maaktohan habang hinahalay ng kanyang mister ang 8-anyos nilang anak na babae kamakalawa ng madaling-araw sa Malabon City. Kulong ang suspek na kinilalang si Aldrin Tacay y Bayot, 34, construction worker, ng Pitong Gatang St., Brgy. Dampalit. Nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Anti-Child Abuse), nakapiit sa …

Read More »

Kudeta kinompirma ni Trillanes

KINOMPIRMA ni Senador Antonio Trillanes IV na mayroon talagang planong kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngunit palaging nabibigo at hindi nagtatagumpay dahil sa kawalan ng suporta ng mga aktibong miyembro at opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon kay Trillanes hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagtangka ang isang grupo ng mga …

Read More »

Pope Francis bibisita sa Yolanda survivors (Sa Enero 15, 19, 2015)

NAKATAKDANG bisitahin ni Pope Francis ang mga biktima ng super typhoon Yolanda sa Vizayas region. Una rito, inianunsiyo ni Papal Nuncio Archbishop Guiseppe Pinto na ang pagbisita ng Santo Papa ay isang “spiritual typhoon.” Habang ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, nais nilang ipakita kung gaano katatag ang mga Filipino sa kabila ng mga problema sa bansa lalo …

Read More »

Enzo Pastor killers kinilala ng NBI

TUKOY na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa pagpatay sa international race car champion na si Ferdinand “Enzo” Pastor. Bagama’t tumangging magdetalye upang hindi maapektohan ang operasyon, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, malapit nang maresolba ang nasabing kaso. Ayon kay De Lima, nakatakda nang ilabas ng NBI ang resulta ng imbestigasyon. Si …

Read More »

Naunsiyaming DAP projects igigiit ng Palasyo

DESIDIDO ang Palasyo na ipursige pa rin ang naunsiyaming mga proyektong nakapaloob sa Disbursement Acceleration Program (DAP) kaya’t hihiling sa Kongreso ng supplemental budget para pondohan ito. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi na isasama ng Malacañang sa binabalangkas na 2015 national budget, ang mga nasabing proyekto dahil hindi na makapaghihintay pa ang Malacañang na maipasa ang 2015 General …

Read More »

Pork like funds ‘di lulusot sa 2015 budget – Drilon

TINIYAK ni Senate President Franklin Drilon, walang maisisingit na pondo na kahalintulad ng kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel sa paghimay nila ng 2015 national budget. Inaasahang isusumite na ng Malacañang sa Kongreso ang P2.606 trillion para sa susunod na taon. Ayon kay Drilon, makaaasa ang taong bayan na walang mapapasamang pork barrel funds sa ipapasang …

Read More »

Bonifacio Global City drug joints — NBI

MASUSING imbestigasyon ang isinasagawa ng pamunuan ng Taguig City Police kaugnay sa alegasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na ”drug joints” ang Bonifacio Global City (BCG). Ang hakbang na ito ng Taguig City Police ay batay sa utos ni Taguig City Mayor Lani Cayetano makaraan umalma sa alegasyon ng NBI. Sinabi ni Cayetano, hindi nagpapabaya ang lokal na pamahalaan …

Read More »

Lolo tigok sa romansa ng bebot

CEBU CITY – Idineklarang dead on arrival ang isang 63-anyos lolo sa pagamutan makaraan nahirapang huminga habang nakikipagtalik sa isang babae sa loob ng isang hotel sa lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu. Kinilala ang biktimang si Herculano Dico, may asawa, at residente ng Brgy. Babag-1, sa nasabing lungsod. Ayon sa staff ng BSM Hotel na si Anelyn Petalyar, biglang lumabas sa …

Read More »

Impeachment vs PNoy ‘di suportado ng NP

SINIGURO ni Senadora Cynthia Villar na hindi susuportahan ng kanilang Partido Nacionalista (NP) ang ano mang impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Ayon kay Villar, hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ang alyansa ng NP sa Liberal Party (LP) na partido politikal ni Pangulong Aquino at ng NP. Nagsimula ang alyansa ng dalawang partido noong 2013 …

Read More »

MILF sinuyo ng Palasyo sa delayed Bangsamoro bill

PINAWI ng Malacañang ang agam-agam ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay sa naaantalang paghahain ng draft ng Bangsamoro Basic Law. Magugunitang naiinip na ang ground commanders dahil nade-delay ang paghahain ng panukalang batas. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nais nilang tiyakin sa MILF na nananatili ang commitment ng gobyerno sa pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law. Ayon kay Lacierda, …

Read More »

Suspension vs Enrile ipatutupad (Tiniyak ng Senado)

INABISOHAN na ng Senado ang Sandiganbayan na handa nilang ipatupad ang suspension order laban kay Sen. Juan Ponce Enrile na nahaharap sa kasong plunder bunsod ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billlion peso pork barrel scam. Magugunitang noong Hulyo 24, 2014 ay natanggap ng Senado ang kautusan ng 3rd Division ng Sandiganbayan, na iniutos ang 90 araw o tatlong buwan suspensiyon …

Read More »

Trabaho ng Senado apektado

AMINADO ang ilang senador na apektado ang kanilang trabaho sa kawalan na presensiya ng kanilang kasamahang nakulong bunsod ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam. Taliwas ito sa katiyakang ginawa nina Senate President Franklin Drilon at Senate majority leader Alan Peter Cayetano na hindi maaapektuhan ang pagpasa nila ng mahahalagang panukalang batas. Ayon kina Sen. Sonny Angara …

Read More »