
NAGSAGAWA ng ocular inspection sina Mayor Jaime Fresnedi (gitna) kasama ang mga opisyal at principal ng mga eskwelahan sa lungsod sa bagong tayong Division Office ng DEPED Muntinlupa na disaster resilient nitong Agosto 12, sa Laguerta, Tunasan, Muntinlupa City. Tinaguriang ‘green building’ ang gusali dahil sa mga tampok nitong detalye tulad ng rain water collector, shock resistant na mga bintana, at sa pinag-aaralang paglalagay ng mga solar panels. Kakayanin ng Division Office ang isang 8-9 magnitude earthquake. (MANNY ALCALA)
