LUSOT sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Joint Resolution No. 2 o ang resolusyong magtataas ng subsistence allowance ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel sa bansa. Ayon kay Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, pangunahing may-akda at isponsor ng nasabing resolusyon, “sa pamamagitan ng pagtataas ng subsistence allowance ng ating mga sundalo at pulis sa pamamagitan …
Read More »Masonry Layout
Not guilty plea ipinasok ng korte para kay Palparan (Hirit na NBI custody isinantabi)
TUMANGGING magpasok ng plea si retired Maj. Gen. Jovito Palparan nang basahan ng sakdal sa Malolos Regional Trial Court (RTC) Branch 14 kahapon. Bunsod nito, ang korte na ang nagpasok ng not guilty plea para sa kanya. Ang dating Bantay party-list congressman ay kumakaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno. …
Read More »Media kinuwestiyon ni Trillanes (Sa bansag na berdugo)
KINUWESTIYON ni Senador Antonio Trillanes IV ang ilang kagawad ng media kaugnay sa bansag kay retired Maj. Gen. Jovito Palparan bilang ‘Berdugo’ ng mga militante. Desmayado si Trillanes dahil hindi aniya naging patas ang mga mamamahayag kay Palparan. Ipinaalala ni Trillanes, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, dapat maging makatotohanan, patas at bigyan ng media ng due …
Read More »P5.2-M reward sa 2 tipster vs Delfin Lee, NPA leader
IBINIGAY na ng pambansang pulisya ang reward money sa dalawang civilian informants na naging susi sa pagkakaaresto sa negosyanteng si Delfin Lee at sa NPA leader na si Grayson Naogsan. Mismong si PNP chief, Director General Alan Purisima ang nag-abot ng pera sa dalawang tipster. Ayon sa PNP, P2 milyon ang pabuya para sa pag-aresto kay Lee, habang P3.2 milyon …
Read More »P5-M shabu nasabat sa Iloilo — PDEA (Transaksiyon binuo sa Bilibid)
ILOILO CITY – Kinompirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Reg. 6, sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City nabuo ang transaksyon sa ¾ kilo ng shabu, nagkakahalaga ng P4.5 milyon, na nasabat sa kanilang operasyon sa Buray, Oton, Iloilo. Ayon kay PDEA Reg. 6 Dir. Paul Ledesma, ang naarestong drug courier na si Jesusito Padilla Pedrajas ng San Pedro, …
Read More »2 holdaper sa Kyusi todas sa Caloocan cop (Sa halagang P530)
PATAY ang dalawang holdaper makaraan makipagbarilan sa isang pulis-Caloocan nang holdapin ang isang gasolinahan sa Brgy. Baesa, Quezon City kamakalawa ng gabi. Hindi pa nakikilala ang napatay na mga suspek, tinatayang nasa 30 hanggang 35-anyos, at 40 hanggang 45-anyos ang edad. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 7 p.m. nang maganap ang insidente sa Orange Fuel gasoline station sa Quirino …
Read More »Urot na driver kritikal sa kuyog ng 3 kelot
INOOBSERBAHAN ang 42-anyos driver makaraan pagtulungan bugbugin at saksakin ng tatlong lalaki kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Nakaratay sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Pedro Pingoy, ng 69 Malumanay St.,Teachers Village, Quezon City. Sa follow-up operation ng mga awtoridad, naaresto ang mga suspek na sina Ronald Gallego, 33; Rex Menes, 33; at Jose Noah Ombion, 23-anyos. …
Read More »Power blast posible sa Mayon — Phivolcs (‘Pag lumaki ang lava dome)
LEGAZPI CITY – Posibleng maganap ang “power blast” sa Mayon Volcano bunsod ng umusbong na lava dome sa bunganga ng bulkan. Sinisikap ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na makunan ng larawan ang nasabing kumakapal na lava dome. Ito’y para madetermina kung patuloy ito sa paglaki at kung nagkakaroon nang pagbabago sa posisyon sa ibabaw. Ayon kay Phivolcs …
Read More »Taal Volcano binabantayan din
BINABANTAYAN din ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Taal Volcano sa Batangas makaraan makapagtala ng anim na paggalaw ng bulkan sa loob lamang ng 24 oras. Sa inilabas na bulletin ng Phivolcs, walang napipintong pagsabog ang bulkan Taal at nananatiling nasa alert level 1 ito. Patuloy pa rin ang babala ng Phivolcs sa mga residente roon na …
Read More »85 Caloocan residents binigyan ng oportunidad na magnegosyo
PINANGUNAHAN ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, kasama ang ilang opisyal ng Labor and Industrial Relations Office (LIRO) ng lungsod, at ng Department of Labor and Employment (DOLE)-National Capital Region, ang pamamahagi ng 50 business starter kits sa mga graduate ng Vocational Technology (VocTech) sa Caloocan City Manpower Training Center, kamakailan. Ang simpleng serermonya ay nilahukan 85 residente na nabigyan …
Read More »‘Berdugong’ chairwoman 4 pa, inasunto ng pulisya (Sa pagkamatay ng lalaking pinainom ng 10 bote ng gin)
INIHAIN na ng pulisya ng San Jose del Monte City Police Station sa pisklaya ang kasong homicide laban sa barangay chairwoman at apat pang opisyal ng barangay na nagparusa at sapilitang nagpainom ng 10 bote ng gin (Ginebra San Miguel) sa dalawang constituent, na ikinamatay ng isa, dahil sa napulot na kapirasong yero nitong kasagsagan ng bagyong Glenda sa lungsod …
Read More »Abaya ligtas sa sibak (Sa kabila ng aberya sa MRT)
WALANG plano si Pangulong Benigno Aquino III na sibakin si Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya kahit sunod-sunod ang naging aberya sa Metro Rail Transit (MRT) at ina-akusahang mas nakatuon sa 2016 elections kaysa trabaho sa gobyerno. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., buo pa rin ang tiwala at kompiyansa ng Pangulo kay Abaya. Ang pangunahing inaasikaso aniya ng pamahalaan, …
Read More »MRT ligtas
SINIGURO ni Department of Transportation and Communication (DoTC) Secretary Joseph Emilio Abaya, ligtas pa rin sakyan ng publiko ang Metro Rail Transit (MRT). Ito’y kasunod ng mga insidenteng pagkakadiskaril at pagtirik ng mga tren nitong nakalipas na mga linggo. Ayon kay Abaya, bagama’t hindi siya rail expert, malinaw na nakasaad sa manual, hindi dapat patakbuhin ang mga tren kapag delikado …
Read More »Abaya binara ni Chiz
BINARA ni Senador Chiz Escudero si Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Joseph Emilio Abaya sa pahayag na kanyang inaako ang full responsibility sa lahat ng problema sa Metro Rail Transit o MRT. Ipinaaalala ni Escudero kay Abaya na ang nais marinig ng publiko mula sa Estado ay kung gaano kaligtas sumakay sa MRT. Isa pang tanong ni Escudero …
Read More »Kuya inatado ng utol na matansero
BINURDAHAN ng saksak hanggang mapatay ng nakababatang kapatid ang 45-anyos na lalaki dahil sa hindi pagpayag na mag-inoman sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila, kahapon. Walang habas na pananaksak ang sanhi ng kamatayan ng biktimang si Alberto Balachica, 45, ng 2447 Bonifacio St., Vitas, Tondo. Agad tumakas ang suspek na nakababatang kapatid ng biktima na si Jesus, 32, isang matansero, …
Read More »768 Pinoy mula Libya dumating na
UMAABOT sa 768 overseas Filipino workers ang nakauwi nang bansa mula sa Libya sakay sa dalawang chartered flight ng Philippine Airlines (PAL) na dumating Sabado ng gabi at madaling araw kahapon. Dahil sa nagpapapatuloy na labanan sa nasabing lugar, itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Crisis Alert Level 4 ang sitwayson sa Libya noong Hulyo 20 at ipinatutupad …
Read More »641 pinoy illegal immigrants sa Sabah deported
NASA 641 Filipino illegal immigrants na nakatira sa Sabah ang ipina-deport pabalik ng Filipinas ng Malaysian government nitong Biyernes. Sa report na ipinalabas ng Malaysian news site, ang nasabing Filipino deportees ay nakasakay sa isang passenger ferry patungong Zamboanga City sa Mindanao. Ayon sa Malaysia Star Online, binubuo ang Filipino deportees ng 293 lalaki, 188 babae at 160 ay mga …
Read More »Michael Jordan tiklo sa ‘MJ’
CAMP OLIVAS, Pampanga – Sa kalaboso bumagsak ang kapangalan ng sikat na NBA player na si Michael Jordan nang mahulihan ng limang pakete ng marijuana sa isang buy bust operation sa San Rafael, Macabebe, ng nasabing lalawigan. Si Jordan, 18, binata, pedicab driver, ay dinakip sa harap mismo ng Barangay Hall ng Brgy. San Rafael, nang isagawa ng mga tauhan …
Read More »Lucban, SB dads naggirian vs sugal
LUCBAN, Quezon – Naggirian ang alkalde ng munisipalidad na ito at ang kanyang kaalyado sa Sangguniang Bayan (SB) bunsod nang biglang pagkalat ng illegal na sugal at street shows sa mga lansangan ng nasabing bayan. Ang SB, sa pamumuno ni Vice Mayor Ayelah Deveza, dating running mate ni Mayor Celso Oliver Dator, ay nagpasa nitong nakaraang dalawang linggo ng council …
Read More »Capacity building & gender dev’t seminar inilunsad ng IPAP, DoLE-NCMB
SA PATULOY na pagsisikap na maiangat ang antas ng mga empleyado at manggagawang kababaihan, inilunsad ng Integrated Paralegal Association of the Philippines (IPAP) sa pagtataguyod ng Department of Labor and Employment – National Conciliation and Mediation Board (DOLE-NCMB) ang Advocacy and Capacity Building on Gender and Development Seminar for Labor Law Paralegals nitong Agosto 15-16, 2014 sa Brentwood Suites, Dr. …
Read More »MRT delikado — consultant
AMINADO ang isang transportation consultant na ‘risky’ ang pagsakay sa MRT dahil sa sunod-sunod na aberya sa nsabing transportasyon. Ayon kay Engineer Rene Santiago, transportation consultant, masyadong marami ang bilang ng mga sumasakay sa MRT araw-araw na aabot sa 500,000 katao. Dahil dito, kailangan isaayos at taasan ang fare rate sa MRT para makontrol ang patuloy na pagdami ng mga …
Read More »Banana Nite comedian nagtangkang tumalon sa 6/F ng Hotel (Natakot sa banta ng karibal)
PAGBABANTA sa buhay na tinanggap mula sa ex-boyfriend ng kanyang nobya ang dahilan ng tangkang pagtalon mula sa ikaanim na palapag ng isang Hotel ng Kapamilya network comedian na si Jobert Austria, mas kilala bilang Kuya Jobert sa Quezon City. Naisapatan ng mga residente kahapon ng hapon sa ikaanim na palapag ng Hotel Sogo sa Quezon Avenue, ang komedyante na …
Read More »Justices, transparent sa SALN (Bwelta kay PNoy ng SC)
BINUWELTAHAN ng Korte Suprema ang mga pasaring ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III laban sa justices na dapat maging transparent at maglabas din ng kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN). Magugunitang ibinasura ng Supreme Court en banc kamakailan ang hirit ni BIR Commissioner Kim Henares na makakuha ng kopya ng SALN ng mga mahistrado mula 2003 hanggang …
Read More »Repatriation ng 7 tsekwa inaayos ng BI (Sa lumubog na barko sa Tawi-Tawi)
IPRINOPROSESO na ng Bureau of Immigration (BI) ang repatriation ng pitong tsekwa na na-rescue mula sa nasunog at lumubog na barko sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi, nitong Miyerkoles. Ayon kay BI Spokesperson Atty. Elaine Tan, nagsimulang nakipag-ugnayan ang Chinese Embassy para sa agarang repatriation ng mga dayuhan na kinabibilangan ng limang Chinese mainland at dalawang Hong Kong residents na nananatili …
Read More »Coed biktima ng rape-slay
IPINAPALAGAY ng pulisya na biktima ng gang rape ang isang babae na natagpuang wala nang buhay na naka-lugmok sa matubig at maputik na palayan sa Calumpit, Bulacan, iniulat kahapon. Sa rekord ng Calumpit PNP, bandang 5:00 a.m. nang matagpuan ng ilang dumaraang residente ng Barangay Pungo, Calumpit, ang bangkay ng hindi nakikilalang babae na nasa pagitan ng edad 20 hanggang …
Read More »