Meat vendor todas sa love triangle

BINARIL at napatay ang isang meat vendor ang hindi nakilalang lalaki habang nagbibisekleta, hinihinalang “love triangle” ang motibo, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Namatay noon din ang biktimang si Eddie Gomez, 22, ng Bal Oro M. Dela Cruz St.

Habang nagsasagawa ng follow-up operation ang Pasay City Police kaugnay sa pagkakakilanlan ng suspek.

Base sa inisyal na ulat na natanggap ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel Doria, dakong 1:40 a.m. nang mangyari ang pamamaril sa panulukan ng Protacio at Dimasalang streets, sa naturang lungsod.

Nagbibisekleta ang biktima sa naturang lugar, nang sumulpot ang isang motorsiklong walang plaka sakay ang nambaril na suspek.

Isa sa tinitingnang motibo ng pulisya ang love triangle dahil sa nakalap na impormasyon, bago binaril ang biktima, nakatanggap siya ng pagbabanta na may kinalaman sa babae.