Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Mister nagbaril sa sarili (Napundi sa selosang misis)

ROXAS CITY – Nagbaril sa sarili ang isang 66-anyos mister nang mapundi sa walang katapusang pagseselos ng kanyang misis kahapon ng umaga sa kanilang bahay sa Andrada Subdivision, Brgy. Banica, Roxas City. Duguan at wala nang buhay nang madatnan ni Sally Alis ang mister na si Romeo Alis, nagbaril sa ulo gamit ang .38 caliber revolver. Ayon sa anak ng …

Read More »

4Ps ayuda ng Palasyo sa pandesal boy

TINIYAK ng Palasyo na tatanggap ng ayuda mula sa gobyerno ang pamilya ng 11-anyos pandesal vendor na biktima ng holdaper sa Caloocan City. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., isasali sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang pamilya ng pandesal vendor upang matulungan sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Isasailalim din aniya sa psychosocial debriefing ang bata dahil sa naranasan …

Read More »

Mayon tahimik na nagbuga ng lava

MAY namataang lava flow sa Bulkang Mayon kahapon ng umaga. Ito ang kinompirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) makaraan makakita nang dumadausdus na materyal sa dalisdis ng bulkan mula sa tuktok nito. Sa press briefing makaraan ang aerial validation sa bulkan, kinompirma ni Phivolcs resident volcanologist Ed Laguerta, nagkaroon ng “short and sluggish lava flow” sa bulkan. …

Read More »

Lady snatcher timbog sa MASA

ARESTADO ang isang 29-anyos babaeng snatcher makaraan hablutin ang cellphone ng isang estudyante habang naglalakad sa Ermita, Maynila kamakalawa. Kasong robbery snatching ang isinampang kaso sa suspek na si Myra Sy, walang trabaho, ng Coral Street, Tondo, makaraan ireklamo ng biktimang si Sherry Mae Calma, 18, estudyante ng Unibersidad De Manila (UDM), residente ng Mariones St., Tondo. Sa imbestigasyon ni …

Read More »

Jeepney transport groups hati sa tapyas-pasahe

DAHIL mas mababa na sa P40 kada litro ang presyo ng diesel, nanawagan ang transport group para sa pagbabawas ng pasahe sa mga pampasaherong jeepney na magiging P8 na lamang. “Nananawagan ako sa mga kaibigan… na magsama-sama na tayo para mabigyan natin ng pamaskong handog ang ating mga pasahero,” pahayag ni Pasang Masda national president Obet Martin. Pero ang nasabing …

Read More »

Abu Sayyaf tutugisin ng 2K sundalo

MAHIGIT 2,000 sundalo ang nasa Sulu para tumulong sa pagtugis sa mga miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf Group (ASG) na hawak ang 12 bihag kabilang ang limang dayuhan. Mismong si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gregorio Pio Catapang ang dumayo sa Sulu upang makipagpulong ukol sa aksyon kontra sa ASG members partikular sa tumataas na insidente ng …

Read More »

Trike driver nabuking si misis at lover (Pasahero inihatid sa motel)

GENERAL SANTOS CITY – Ilang minuto rin naghabulan ang isang mister at ang lalaking nakasama ng kanyang misis makaraan maaktohang nag-check-in sa isang lodging house sa lungsod kamakalawa. Hindi naabutan ng mister na si Jimmy Quiamco, 42, tricycle driver, ang suspek kaya binalikan na lamang niya ang asawa na si Maribel na humantong sa mainitang pagtatalo. Sinumbatan pa ni Maribel …

Read More »

Negosyante tinarakan sa lodging house

LEGAZPI CITY – Hanggang ngayon ay binibigyang pa rin ng lunas sa ospital ang 28-anyos negosyante makaraan pagsasaksakin ng kasama niyang driver sa isang lodging house sa Tabaco City, Albay kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Oliver Victa y de Jesus, tubong Bulacan. Sa ulat mula sa Tabaco City Police Station, napag-alamang kapwa nakainom ang biktima at ang kasama niyang driver …

Read More »

Bomb threat sa Baguio resbak ng bagsak sa exam

BAGUIO CITY – Hinihinalang isang estudyante ang nagpadala ng bomb threat sa Saint Louis Universty (SLU) dahilan para ma-dismiss nang maaga ang klase ng mga estudyante sa naturang unibersidad sa lungsod ng Baguio kamakalawa. Ayon sa mga guro ng unibersidad, huli na nilang nabasa ang email kaya agad nilang dinismiss ang klase ng mga estudyate para sa seguridad. Sinabi nila, …

Read More »

Gutom na kelot nagbigti (Kanin ipinagdamot ng ina)

NAGA CITY – Labis ang pagsisisi ng isang ina makaraan magpakamatay ang 27-anyos anak na lalaki nang hindi niya bigyan ng kanin kamakalawa sa Iriga City. Hindi makapaniwala si Preciosa Velasco na magbibigti ang kanyang anak na si Abundue Bermudez dahil lamang hindi niya nabigyan ng kanin. Una rito, umuwi ng hatinggabi ang biktima at kumatok sa bahay ng kanyang …

Read More »

Pandesal boy na hinoldap tutulungan ng DSWD

HANDANG tulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang batang na-trauma makaraan holdapin sa Caloocan City. Kahapon, sinadya ng social workers si “Bryan” sa kanyang bahay. Noong una, ayaw pang magsalita ng bata ngunit kalauna’y nakipag-usap na rin at nakangingiti na. Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, isasailalim nila sa psycho-social debriefing ang bata at bibigyan ng educational …

Read More »

State visits idinepensa ni PNoy (Kritiko inunahan)

MISTULANG naging depensibo nang dumating kamakalawa ng gabi si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III mula sa kanyang biyahe sa Bali, Indonesia makaraan dumalo ng democracy forum. Bagama’t walang bumabatikos, inunahan ni Pangulong Aquino ang mga kritiko at agad idinepensa ang kanyang mga biyahe. Sa kanyang arrival message, sinabi niyang tiyak na kukwestiyonin ang malimit niyang biyahe sa abroad lalo sa …

Read More »

Pinoy health workers ipadadala sa Africa (Tutulong vs Ebola)

PINAG-AARALAN ng Department of Health (DoH) kung magpapadala sila ng Filipino health workers sa Africa para tumulong sa mga lugar na apektado ng Ebola virus. Ayon kay DoH Secretary Enrique Ona, humihiling na ang international community ng assistance sa bansa para mapigilan ang patuloy na pagkalat ng nasabing sakit. Maaari aniyang manpower o pera ang ibibigay nila sa World Heath …

Read More »

Abaya desperado sa Mrt shutdown

ITINURING ng Riles Network na isang “desperate move” ni Transportation and Sec. Jun Abaya ang planong pansamantalang ipahinto ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT). Ayon kay Riles Network Spokesperson Sammy Malunes, hindi naiiba sa transport strike ang nais ikasa ni Abaya dahil mahigit 500,000 commuters ang mawawalan ng pampublikong sasakyan. “First time na mangyayari [ito] sa kasaysayan ng railway …

Read More »

30 int’l cargo vessel stranded sa Manila Bay

NAKAPILA pa rin sa mga pier ng Maynila ang 30 international cargo vessels para makapagbaba ng kanilang kargamento. Ayon kay Mary Zapata, pangulo ng truckers group na Aduana Business Club, Inc. (ABCI), nagangahulugan itong hindi pa rin normal ang operasyon sa pier dahil sa mahabang pilang dinaranas dito. “Ang nakapila ho nating barko kahapon (Huwebes, Oktubre 9) ay 30 pa.” …

Read More »

Arestadong 3 bombers, bomb threats iniimbestigahan

BINIBERIPIKA ng intelligence and investigation unit ng pambansang pulisya kung may kinalaman sa napaulat na bomb threats sa dalawang paaralan sa Maynila at Quezon City ang pagkakaaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa tatlong suspek na nakompiskahan ng hand grenades at iba pang paraphernalia. Ayon kay PNP PIO chief, Senior Supt. Wilben Mayor, kumikilos na ang intelligence and investigation …

Read More »

Kinompiskang paintings ipinasosoli ni Imelda  

UMAPELA sa Sandiganbayan si Rep. Imelda Marcos kaugnay ng pagkakompiska sa mamahaling paintings ng kanyang pamilya. Partikular na kinuwestyon ng mambabatas ang seizure order ng anti-graft court sa mahigit 100 paintings na koleksyon ng pamilya Marcos na sinasabing bahagi ng ill-gotten wealth. Kinondena rin ni Rep. Marcos ang aniya’y pananakot ng mga awtoridad sa kanilang pamilya sa pagpapatupad ng kautusan …

Read More »

3 passenger car ng SM MOA ferris wheel nasunog

NASUNOG ang tatlong passenger car ng SM MOA Eye Ferris Wheel sa Seaside Boulevard, Pasay City dakong 10 a.m. kahapon. Ayon kay Pasay Fire Marshall Chief Inspector Douglas Guiab, napansin ng operator ang usok sa wiring na nagsusuplay ng koryente sa ferris wheel habang nagsasagawa ng test run. Walang sakay na pasahero ang ferris wheel nang mangyari ang sunog at …

Read More »

7 naospital sa condo fire

ISINUGOD sa pagamutan ang pito katao makaraan masunog ang isang condominium unit kahapon sa Lungsod Quezon. Ayon kay Senior Supt. Jesus Fernandez, District Fire Marshall ng Bureau of Fire Protection ng Quezon City, nagsimula ang sunog bandang 12:32 p.m. sa basement ng Prince David Condo sa 305 Katipunan Avenue, Quezon City. Kasalukuyang inaalam pa ang mga pagkakakilanlan ng mga biktima. …

Read More »

1 patay, 6 sugatan sa Cavite ambush

  ISA ang patay habang anim ang sugatan sa naganap na ambush sa Imus, Cavite dakong 5:30 p.m. kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Isnahaya “Durian” Pangandapon. Kasama siya sa grupo ng konsehal ng barangay na si Bami Adjihasis na lulan ng isang Toyota Innova (WQD-945). Ayon kay Senior Supt. Joselito Esquivel, Huwebes ng madaling araw nang magkasa sila ng …

Read More »

11-anyos pandesal vendor hinoldap sa Caloocan  

HINDI pinatawad ng holdaper maging ang isang 11-anyos batang nagtitinda ng pandesal kamakalawa ng umaga sa Caloocan City. Hindi makausap nang maayos at nanginginig sa takot ang batang si Mark Christian “Kokey” Santos, sa pagnanais na makatulong sa pamilya ay nagtinda ng pandesal sa kanilang lugar. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, dakong 7:30 p.m. nang maganap ang insidente malapit …

Read More »

3 preso pumuga sa Tanauan jail

TACLOBAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang tatlong presong nakatakas mula sa Tanauan Jail kamakalawa. Kinilala ang mga puganteng sina Jerry Igilos, 36, at Luciano Cinco, 26, parehong mga residente ng Brgy. Canramos, Tanauan Leyte, at nahaharap sa kasong pagkalabag sa RA 9165; at Nino Porillo, 30, tubong Talalora Samar, may kasong estafa. Ayon kay Senior Insp. …

Read More »

DepEd kukuha ng 39K teachers sa 2015

INIHAYAG ng Department of Education (DepEd), tatanggap sila nang mahigit 39,000 guro para sa 2015-2016 na pinaglaanan nang malaking bahagi ng P365 billion budget ng ahensiya sa susunod na taon. Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro, ang DepEd ay kukuha ng kabuuang “39,066 new teachers in 2015 with a budget of about Php 9.5 billion.” Kabilang sa hiring program ang …

Read More »