HINDI dinukot kundi kusang nagtago ang asawa ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado. Noong Oktubre 17 ng hapon, huling nakita si Ginang Josefina Tallado kasama ang kaibigang si Darlene Francisco na sumakay sa isang kotse papuntang Brgy. Tres, Vinzons, Camarines Norte. Ngunit ang Toyota Fortuner na ginamit nila ay natagpuang abandonado sa Brgy. Napolidan, Lupi, Camarines Sur kinabukasan. Higit apat …
Read More »Masonry Layout
Pemberton ikinulong sa Camp Aguinaldo
MULA sa USS Peleliu, inilipat na si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton sa Camp Aguinaldo kahapon ng umaga. Si Pemberton ang itinuturong suspek sa pagpaslang sa Filipino transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer. Dakong 8:45 a.m. nang dumating sa kampo ang akusado kasama ang ilang security lulan ng chopper at idiniretso sa Joint US Military Assistance …
Read More »Media pinangaralan ni PNoy
PINANGARALAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang media upang maging mas masigasig sa panga-ngalap ng mga impormasyon para maging makatotohanan at patas ang ulat sa publiko. Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa annual presidential forum ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (Focap) sa Pasig City kahapon. “When reporting on different matters, it is my hope that you could perhaps …
Read More »Gwardiya sa Bilibid itinumba ng hired killer
NAPATAY ang isang prison guard sa New Bilibid Prisons (NBP) makaraan pagbabarilin ng 28-anyos hinihinalang “gun for-hire” habang nagpapa-car wash sa Muntinlupa City kama-kalawa ng hapon. Namatay noon din sanhi ng ilang tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si PG1 Gerard Severo Donato, nasa hustong gulang, at kawani ng Bureau of Corrections sa Poblacion, Muntinlupa. Habang kinilala …
Read More »Buntis, 1 pa pinigil, ginutom ng militar
DAVAO CITY — Dalawang babae, kabilang ang tatlong-buwan buntis, ang dinakip ng Army unit nang walang arrest warrant sa Davao Oriental. Inihayag nila sa media na sila ay hinaras at iginiit ng mga sundalo na sila ay rebel surrenderees. Sa panayam, sinabi nina Angelita Salientes, 20, tatlong buwan buntis, at Lovely Jean Madinajon, 19, sila ay dinampot dakong 11 p.m. …
Read More »Ex-parak, 1 pa kinasuhan ng murder
SINAMPAHAN ng kaso ang suspek sa pagpatay sa isang sales consultant ng Chevrolet company na binaril sa Quezon City. Sinampahan ng kasong murder sa Quezon City Prosecutors Office ang mga suspek na sina Joey Juanta, dating pulis, at Alvin Fernando, residente ng Samarpa Compound, Villa Beatriz Street, Brgy. Old Balara, Quezon City. Ang mga suspek ay ipinagharap ng reklamo ni Andrea …
Read More »Interpretasyon ng palasyo mali — Ursua (Sa kustodiya kay Pemberton)
PINANINDIGAN ng gobyerno na hindi sila nagkamali sa interpretasyon sa isyu ng kustodiya sa US Marine na suspek sa pagpaslang sa transgender sa Olongapo. Ito ang tugon ng Palasyo sa opinyon ni human rights lawyer Evalyn Ursua, dating abogado ni “Nicole” sa Subic rape case, na mali ang interpretasyon ng pamahalaan sa Visiting Forces Agreement (VFA) partikular sa kung kanino ang …
Read More »P6.7-M shabu nakompiska sa Cotabato checkpoint
COTABATO CITY – Umaabot sa 1.031 kilo ng shabu ang nakompiska ng pulisya sa lungsod ng Cotabato dakong 8:30 p.m. kamakalawa. Ayon kay Cotabato City police director, S/Supt. Rolen Balquin, na-intercept ng mga awtoridad ang isang Izuzu Elf sa Purok Pag-asa, Brgy. Datu, Balabaran, Cotabato City, nang sitahin ang driver na si Tato Fermin kung ano ang laman ng kanyang …
Read More »11 pulis sa Laguna sinibak sa pwesto (2 sibilyan pinaslang)
SINIBAK sa kanilang pwesto ang 11 pulis sa Victoria, Laguna. Ito’y kaugnay sa pagkakapaslang sa dalawang lalaki, kabilang ang isang menor de edad, sa bayan ng San Pablo. Ayon kay PNP-PIO, Senior Supt. Wilben Mayor, mayroon nang isinasagawang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing kaso. Giit ni Mayor, ang pag-relieve sa 11 pulis ay para mabigyang-daan ang patuloy na imbestigasyon …
Read More »Got Talent winner todas sa rabies (Sa Agusan del Norte)
BUTUAN CITY – Dumulog sa municipal health office sa bayan ng Nasipit, lalawigan ng Agusan del Norte, ang mga kaanak ng isang local singer na namatay dahil sa rabies. Ito’y bilang pagsunod sa payo ng attending physician ng 14-anyos biktimang si Rieven Joshua Cal, kampeon ng 2014 Nasipit Got Talent, at residente ng Purok Igpalas, Brgy. Culit ng nasabing bayan. …
Read More »Japanese itinumba ng tandem
mPATAY ang isang Japanese national makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin na lulan ng motorsiklo habang sakay ang biktima ng isang taxi kasama ang isa pang Hapones kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City. Nalagutan ng hininga habang isinusugod sa Las Piñas General Hospital & Satellite Trauma Center ang biktimang si Shinsuke Toba. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong …
Read More »World Citi Colleges sa Caloocan nasunog
NASUNOG ang bahagi ng World Citi Colleges sa Biglang-awa St.,, Caloocan City kahapon. Ayon kay Caloocan Fire Marshall Supt. Roel Jeremy Diaz, umabot sa ikalawang alarma ang sunog na sumiklab sa administration stock room sa ikawalong palapag ng eskwelahan. Inaalam pa ang sanhi ng apoy at ang halaga ng pinsala ng sunog na nakontrol dakong 3:29 p.m. kahapon. Dahil sa …
Read More »RITM kasado vs Ebola
NAKAHANDA na ang mga pasilidad at kagamitan ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kontra Ebola. Naglagay ng screening area sa bungad ng RITM para sa mga pasyenteng galing ng West Africa o nagkaroon ng contact sa virus. Sa triage screening tent ay aalamin ang background ng pasyente, pinanggalingang bansa at kung nagpapakita ng sintomas ng Ebola. Kung walang sintomas, …
Read More »Dismissal vs Justice Ong pinagtibay ng SC
PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang dismissal order laban kay Sandiganbayan Associate Justice Gregory Ong dahil sa kaugnayan sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles. Sinabi ni SC spokeperson Atty. Theodore Te, ibinasura ng kataas-taasang hukuman ang motion for reconsideration na inihain ni Ong na humihiling baguhin ang naunang September 23 ruling na nagtatanggal sa kanya …
Read More »Lawyer ni ‘Jenny’ sinusundan ng US spy
SINUSUNDAN ng isang espiyang Amerikano ang abogado ng pamilya Laude. Isiniwalat ni Atty. Harry Roque, may isang Amerikano na nakabuntot sa kanya habang ina-asikaso ang kaso ng pagpaslang sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer. “Siguradong-siguradong Amerikano po ‘yun. Ang tindig po niya ay tindig-sundalo,” paglala-rawan ni Roque. “Nagpunta po ako sa tanggapan ng piskalaya, matapos ko pong maki-pagpulong, …
Read More »Pandesal boy ‘di talaga naholdap — Caloocan PNP (Ina pananagutin sa pambubugbog)
DUDA ang pulisya kung talaga bang naholdap ang 12-anyos bata habang naglalako ng pandesal sa Deparo, Caloocan City. Matatandaan, kumalat sa social media ang video ni “Bryan” habang umiiyak at nangangatog makaraan tangayin ang kanyang P200 kita sa pagtitinda ng pandesal. Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan Police, gumawa lang ng kwento ang bata dahil sa takot na mabugbog …
Read More »Overpriced multicabs itinanggi ni Trillanes
ITINANGGI ni Senador Antonio Trillanes IV kahapon na bumili siya ng overpriced multicabs sa halagang P300,000 bawat isa sa pamamagitan ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF), makaraan akusahan ng United Nationalist Alliance. Sinabi ng senador, wala siyang pinondohang overpriced projects at hindi personal na nakinabang sa iba’t ibang proyekto sa pamamagitan ng kanyang PDAF. “From 2011 to 2013, my …
Read More »Ex-bodyguard ng mayor itinumba
PATAY ang dating bodyguard ng isang mayor, at kasalukuyang collector sa pantalan makaraan tambangan ng dalawang hindi nakilalang binatilyo habang sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo kahapon ng umaga sa Malabon City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Alejandro Aquino, 50, dating bodyguard nang namayapang mayor ng Malabon na si Tito Oreta, at residente ng Liwayway St., Brgy. Bayan-Bayanan …
Read More »Engineer na-double hit and run patay
DOBLENG kamalasan ang sinapit ng isang inhinyero nang dalawang beses ma-hit and run ng isang kotse at truck habang minamaneho ang kanyang motorsiklo at tinatahak ang South Luzon Expressway (SLEX) kahapon ng madaling araw sa Makati City. Namatay noon din ang biktimang si Jun Yasul, 57, ng Cairo St., Purok 4, Multinational Village, Brgy. Moonwalk, Parañaque City, bunsod ng pinsala …
Read More »Bus sa NLEX ini-hostage ng vendor
KAKASUHAN ng serious illegal detention at alarm and scandal ang isang tindero makaraan i-hostage ang isang pampasaherong bus kahapon ng umaga sa North Luzon Expressway (NLEx) sa Guiguinto, Bulacan. Hawak ang isang patalim, ini-hostage ni Lauro Sanchez ang Everlasting bus sa Sta. Rita Toll Plaza ng NLEx. Ayon sa isa sa mga pasahero, galing Tuguegarao, Cagayan ang bus patungong Cubao, …
Read More »50 bahay sa Tondo natupok (Bahay ng kongresman nadamay)
UMABOT sa 50 kabahayan ang natupok kabilang ang bahay ni Manila 1st District Congressman Benjamin “Atong” Asilo nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila kahapon. Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Fire Bureau, dakong 11:34 a.m. nang nagsimula ang sunog na itinaas sa Task Force Bravo dakong 11:48 a.m. Sinasabing nagmula ang sunog sa bahay …
Read More »2 pulis nag-duelo sibilyan dedbol
BINAWIAN ng buhay ang isang sibilyan nang maipit sa barilan ng dalawang pulis sa Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Isidro Magpali, 47, tiyuhin ng isa sa nagbarilang dalawang pulis. Ayon kay Angono Police Supt. Lucilo Laguna Jr., galing sa bundok si Supt. Wilson Magpali kasama ang tiyuhing si Isidro makaraan bumisita sa isang kaanak. Pababa …
Read More »Ex-Gov ng Davao sumuko (Sa broadcaster slay)
DAVAO CITY – Boluntaryong sumuko si Davao del Sur Former Governor Douglas Cagas sa Davao del Sur Police Provincial headquarters kahapon nang lumabas ang warrant of arrest sa kasong murder na isinampa sa kanya kaugnay sa pagkamatay ng journalist na si Nestor Bedolido, Sr., apat taon na ang nakalilipas. Marami ang sumama sa pagsuko ng nasabing former governor kasama na …
Read More »Libreng Internet sa Smart, Sun at Talk ‘N Text
LIBRE na ang Internet sa Smart, Sun at Talk ‘N Text nang hindi mababawasan ang load ng subscriber. Sa bagong promo, ang mga prepaid, postpaid, at broadband subscribers ay makakukuha ng 30MB na libreng Internet access sa loob ng isang araw na mayroong seguridad. Upang makuha ang promo, i-text ang FREE sa 9999 at makatatanggap ng noification na naka-enroll na …
Read More »Binatilyo kritikal sa bugbog, saksak
KRITIKAL ang kalagayan ng isang 19-anyos binatilyo makaraan pagtulungang bugbugin at saksakin ng isang grupo ng kabataan habang inihahatid ang kanyang kasintahan kamakalawa ng hapon sa Malabon City. Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Julas Saldasal, residente ng 118 Valdez St., Brgy. 21, Caloocan City. Sa ulat ni PO2 Roldan Angeles, dakong 4 p.m. nang maganap ang insidente …
Read More »