Thursday , April 25 2024

Masonry Layout

1 sa 5 kritikal pumanaw na (Sa sumabog na Armory)

PATAY  na ang isa sa anim na sundalong nasugatan sa pagkasunog at pagsabog sa armory ng Philippine Army (PA) sa Fort Bonifacio, Taguig City nitong Miyerkoles ng umaga. Base sa report na natanggap ng Taguig City Fire Department, dakong 10:01a.m. kahapon,  binawian ng buhay si Corporal Bernabe Mota, ng  PA habang gingamot sa V. Luna Hospital. Napag-alaman na umabot sa …

Read More »

Pork senators litisin nang mabilis

KAMPANTE si Sen. Miriam Defensor-Santiago na ibabasura ng Office of the Ombudsman ang motion for reconsideration na inihain ng mga senador na akusado sa pork barrel scam kaugnay ng kapasyahan ng anti-graft court na ituloy na ang pagsampa ng kasong pandarambong sa Sandiganbayan. “As a former RTC judge, I take the humble opinion that the separate motions did not present …

Read More »

Ex-BI employee timbog sa blackmail

DAGUPAN CITY – Nahaharap sa patong-patong na kaso ang isang dating empleyado ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pangingikil sa magkasintahan sa lungsod ng San Carlos sa lalawigan ng Pangasinan. Inireklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) ng magka-sintahang “Raymond” at “Jane,” hindi tunay na pangalan, ang “pamba-blackmail” sa kanila ng may-ari ng apartment na tinirhan nila sa lungsod …

Read More »

Ex-CoA Chief Villar pinayagan mag-bail

PINAYAGAN ng Sandiganbayan na makapagpiyansa si dating Commission on Audit (COA) chief Reynaldo Villar kaugnay sa kasong pandarambong. Si Villar ay kasama ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na aku-sado sa P300-million plunder case hinggil sa paglustay sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Sa resolusyon ng anti-graft court, P1.2 milyon ang inirekomendang piyansa para sa …

Read More »

Swimmer lumutang sa Manila Bay

INILUWA ang bangkay ng lalaking hinihinalang swimmer nang lumutang sa Manila Bay sa Ermita, Maynila, iniulat kahapon Inilarawan ni PO3 Cris Ocampo ng MPD-Homicide  Section, ang biktima na nasa edad 40 hanggang 45, nakasuot ng swimming shorts at walang saplot pang-itaas. Sa ulat, nakita ng sidewalk vendor na si Adrian Lee, 30, ang palutang-lutang na bangkay kaya agad niyang inireport …

Read More »

Gang leader sa Isabela todas sa ambush

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay makaraan barilin nang maraming beses dakong 6 p.m. kamakalawa ang itinuturong lider ng criminal gang sa Isabela na pangunahing kumikilos sa 3rd at 4th district ng lalawigan. Idineklarang dead on arrival sa Manango Hospital sa Alicia, Isabela ang biktimang si Prisco “Piring” Taguba, residente ng Cumu, Angadanan, Isabela, lider ng tinaguriang Taguba group. Sa imbestigasyon …

Read More »

Market admin, 4 pa tiklo sa droga

ARESTADO ang market administrator at apat pang katao sa pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na armado ng search warrant sa isang bahay sa Dumanjug, Cebu City kamakalawa. Kinilala ni PDEA Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang mga naaresto na sina Jose Perfecto Amadora Sr., 60, administrator ng Dumanjug Municipal Market; Loverjan Castro, 20; Michael Piega, 40; …

Read More »

Ari dinakma kelot tinaga ni kumpare

SAN FERNANDO CITY, La Union – Inamin ng suspek sa pananaga sa Pagdalagan Norte, San Fernando, La Union na kaya niya tinaga ang kanyang kainoman ay dahil napikon siya sa tangkang paghipo ng biktima sa kanyang ari kamaka-lawa. Ayon sa suspek na si Cesar Balmores, laging tinatangka ng biktima na si Ma-riano Salamente na hawakan ang kanyang ari sa tuwing …

Read More »

Squatters na protektado ng sindikato binuwag

Sinimulan na ang pagbuwag sa sindikato ng ‘land-grabbers’ sa Antipolo City, Rizal kamakalawa matapos na ipag-utos ng Supreme Court (SC) ang demolisyon ng ilang kabahayan ng informal settlers na protektado ng mga dating opisyal ng Philippine National Police (PNP). Ang demolisyon ay pinangunahan ni Sheriff Belinda Ong ng Antipolo Regional Trial Court (RTC), katuwang ang Antipolo PNP, Urban Settlement Division …

Read More »

Graft case vs GMA ibinasura ng Ombudsman (Sa P728-M fertilizer fund scam)

IBINASURA ng Ombudsman ang kasong graft na isinampa laban kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Gayon man ipinagkibit-balikat lang ng Palasyo ang pagbasura ng Ombudsman sa kasong graft laban kay Arroyo kaugnay sa P728 milyong fertilizer fund scam. “We note the May 08, 2014 Resolution of the Office of the Ombudsman dismissing the graft complaint against …

Read More »

Sariling bunganga tinarget ng kano (Sa Makati Jethro Firing Range)

NAGBARIL sa sarili ang 60-anyos American national sa loob ng firing range ng Makati Cinema Square kahapon ng hapon sa nasabing siyudad. Kinilala ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Manuel Lukban ang biktima sa pamamagitan ng kanyang pasaporte na si Jeffrey Allen Klein tubong California. Napag-alaman, dumating ang biktima sa Makati Cinema Square at pumasok sa firing range upang …

Read More »

Bayad sa ospital ‘ibinitin’ ni Napoles (Para magtagal sa labas ng hoyo)

MAAARI nang kasuhan ng estafa at ipa-contempt sa korte si Janet Lim-Napoles dahil sa patuloy na pananatili sa pagamutan sa kabila ng clearance na maaari na siyang ibalik sa kanyang detention facility. Ayon kay Senate justice committee chairman Sen. Koko Pimentel, mistulang niloloko na ni Napoles ang legal system ng bansa nang igiit ang kanyang pananatili sa pagamutan. “Kasuhan ng …

Read More »

Zoren Legaspi inasunto sa P4-M tax case

SINAMPAHAN ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue ang actor-director na si Zoren Legaspi sa Department of Justice (DoJ). Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, hindi idineklara nang tama ni Legaspi sa kanyang income tax return (ITR) ang income niya sa taon 2010 at 2012. Umaabot sa P4.45 million ang hinahabol na buwis ng BIR mula kay Legaspi …

Read More »

Uncle Sam ‘spoiled’ sa EDCA

“SPOILED guest” si Uncle Sam sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) dahil papayagan siya ng Filipinas na esklusibong makagamit ng mga pasilidad sa mga base militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP). “These matters would be threshed out still when we talk about the details for the agreed locations. There will be discussions for which facilities would be for …

Read More »

Reloading sinisi sa nasunog na army facility

MAY teorya na ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng Taguig City hinggil sa posibilidad na naging sanhi ng sunog at pagsabog sa Explosive Ordnance Division (EOD) Battalion headquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio sa Taguig City kamakalawa na ikinasugat ng 25 katao. Sinabi ni Taguig City Fire Marshall C/Insp. Juanito Maslang, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, bagamat …

Read More »

Kagawad, 1 pa utas sa ratrat (Pagkatapos ng Caloocan traffic chief)

PATAY ang isang barangay kagawad habang sugatan ang kanyang misis, at patay rin ang isang lalaki habang sugatan ang babaeng kanyang katabi makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan City. Ito ay isang araw lamang makaraan ang naganap na pagpaslang 66-anyos dating hepe ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) na si …

Read More »

PAF M/Sgt. sa Ninoy assassination binundol sa Macapagal Blvd (Ginawaran ng pardon ni GMA )

PATAY na ang Air Force master sergeant na dawit sa 1983 assassination kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr., ayon sa kanyang anak kahapon. Sinabi ni Diomedes Martinez, ang kanyang amang si dating M/Sgt. Pablo Martinez, ay binawian ng buhay makaraang mabundol ng sport-utility vehicle sa Macapagal Blvd., nitong Lunes. “Nasagasaan siya sa Macapagal Boulevard po… Tatakas pero naharang ang …

Read More »

Quezon Prov’l Jail warden sinibak sa riot

SINIBAK na ang jail warden ng Quezon provincial jail makaraan ang madugong riot sa kulu-ngan na ikinamatay ng apat bilanggo at pagkasugat ng 28 iba pa kamakalawa. Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology regional director, Chief Supt. Serafin Barretto, sinibak si Chief Inspector Princesito Heje upang bigyang daan ang imbes-tigasyon. Magugunitang sumugod ang Lucena police sa Quezon provincial …

Read More »

NIA official pinaiimbestigahan kay Pangilinan

PINAIIMBESTIGAHAN ng isang grupo ng mga magsasaka sa Pangasinan ang isang babaeng opisyal ng National Irrigation Administration (NIA) dahil sa umano’y biglang pagyaman tulad ni Janet Lim –Napoles at napapabalitang nalululong na sa casino gabi-gabi. Ayon kay Samahan ng mga Magbubukid ng Binmaley (SMB) President Rogelio Cruz, makikipag-ugnayan sila kay Sec. Francis “Kiko” Pangilinan, ang bagong natalagang Presidential Assistant on …

Read More »

Preso sa Lucena nagprotesta (4 patay, 20 sugatan)

UMABOT na sa apat ang mga  napatay na bilanggo habang tinatayang nasa 20 katao ang sugatan sa naganap na protesta ng mga preso sa  provincial jail sa Lucena City, sa Quezon province kahapon ng umaga. Kinilala ni Lucena City Police chief, S/Supt. Allen Rae Co, ang mga namatay na sina Gary Esguera, Jose Umali Escasa, Cristian Contemplacion, at Manuelito Palma. …

Read More »

2 gabinete sinisi ni Ping sa mabagal na Yolanda rehab

HINDI naitago ni Rehabilitation czar Panfilo “Ping” Lacson ang pagkadesmaya sa dalawang cabinet officials na aniya’y hadlang sa pagpapatupad ng mga proyekto sa pagbangon ng mga sinalanta ng bagyong Yolanda. Sinabi ni Lacson, kung hindi “dedma,” walang pakialam, o kaya ay nananadyang nagpapaimportante ang nasabing mga opisyal. Ayon kay Lacson, dating tatlo ngunit nagbago na ang isang tinik sa kanyang …

Read More »

Pinay nurse sa Saudi pumanaw na sa MERS-CoV

NAMATAY na ang isang Filipina nurse na taga-Negros Occidental, makaraan isailalim sa quarantine para obserbahan sa kilalang pagamutan sa Saudi Arabia dahil sa hinalang nahawaan ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV). Ayon kay Arnold Diaz, kamag-anak ng pasyente, kinompirma sa kanya ng asawa ng nurse na si alias Toto na namatay ang biktima dakong 11 a.m. (Saudi time). Aniya, …

Read More »

5 tauhan ng RWM towing inasunto (Hinatak na sasakyan ‘kinarne’)

NAHAHARAP sa kasong pagnanakaw ang limang tauhan  ng towing company   nang kanilang ‘karnehin’ ang mga spare parts ng sasakyan na kanilang hinatak, kamakailan. Sa report  ng MPD-District Tactical Operations Center,  tinutugis ang mga suspek na sina Jeff Mercullo, Alex Tomas, Cedie Sanchez, Anthony Navez at Jon Buen, mga tuhan  ng  RWM Towing Services na may tanggapan sa A. Mabini St.,  …

Read More »

Ama patay anak sugatan sa tarak ng may sapak

PATAY ang 55-anyos lalaki habang sugatan  ang isa pa nang magwala ang sinasabing may problema sa pag-iisip, sa Tondo, Maynila, kahapon. Kinilala ang biktimang si Ricardo Raon, pedicab driver, namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center, habang ang anak na si Ronnel Raon, 19,  ay dinala naman sa Gat Andres Bonifacio Medical Center. Ang dalawa ay kapwa residente …

Read More »