SAMPALOC, Quezon – Pinagtataga hanggang mapatay ng bunsong kapatid ang kanyang kuya makaraan magtalo sa ‘di malamang dahilan sa Brgy. Ilayang Owain ng bayang ito kamakalawa. Sa ipinadalang report ng Sampaloc PNP sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City, sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon PNP Provincial Director, kinilala ang biktimang tadtad ng taga sa iba’t ibang …
Read More »Masonry Layout
Mag-asawa nagtalo sa noche buena mister nagbigti
MALUNGKOT ang Pasko ng isang pamilya sa Malolos City nang magbigti ang isang padre de pamilya kamakalawa ng madaling-araw makaraan magtalo ang mag-asawa kung ano ang ihahanda sa Pasko. Isinugod sa Bulacan Medical Center sa Malolos City ang biktimang si Mauro dela Cruz, 45, government employee, residente ng Brgy. San Vicente sa lungsod na ito, ngunit idineklarang dead on arrival. …
Read More »GMA balik VMMC na (Christmas furlough tapos na)
NAKABALIK na sa hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Bandang 2 p.m. nagtapos ang Christmas furlough ni Arroyo sa kanilang bahay sa La Vista, Quezon City. Martes, Disyembre 23 nang makalabas ang Pampanga solon sa pagamutan, sa bisa ng Sandiganbayan resolution. Bagama’t aminado ang kampo ni Arroyo na …
Read More »Makupad na internet connection bubusisiin
BUBUSISIIN sa Kamara de Representante ang makupad na koneksyon ng internet sa Filipinas. Sa inihaing House Resolution 1658 ni Rep. Mark Villar (Lone District, Las Piñas City), nanawagan siya sa House Committee on Information and Communication Technology na magsagawa ng imbestigasyon ang Kongreso hinggil sa naturang isyu. Lumalabas aniya kasi sa ulat ng Akamai, isang major US-based provider, nasa average …
Read More »Sawa mula sa ‘White House’ nambulabog sa Camp Crame
BINULABOG ng isang sawa ang Camp Crame kahapon. Dakong 4:30 a.m. nang makita ng isang pulis ang sawa sa puno ng mangga malapit sa tinatawag na ‘White House’ sa loob ng kampo. Tinatayang may habang limang talampakan at may ga-brasong taba ang nasa 15 kilong bigat na sawa. Mabilis na nahuli ang sawa gamit ang manlifter para maiakyat sa puno …
Read More »Metro Manila itinaas sa full alert status
BAGAMA’T walang namo-monitor na banta sa seguridad ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO), isinailalim sa full alert status ang buong Metro Manila. Epektibo nitong Lunes, Disyembre 22 nasa full alert status na ang NCRPO at magtutuloy-tuloy na ito hanggang sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa. Ayon kay NCRPO chief Police Director Carmelo Valmoria, nais lamang nilang …
Read More »70% ng naputukan isinisi sa Piccolo (Ayon sa DoH)
BUMABA ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa selebrasyon ng Pasko ngayong taon kung ihahambing noong 2013. Sinabi ni Department of Health (DoH) acting Sec. Janette Garin, batay sa kanilang monitoring sa 50 sentinel hospitals ng DoH, umabot sa 30 ang naitalang naputukan simula noong Disyembre 21. Sa naturang bilang ay 25 ang minor ang sugat, dalawa ang naputulan …
Read More »Luneta, Quezon Memorial Circle natambakan ng basura (Sa pagdiriwang ng Pasko)
NAG-IWAN nang tambak na mga basura ang mga namasyal sa ilang parke sa Metro Manila sa pagdiriwang ng Pasko. Sa pag-iikot sa Quezon City Memorial Circle, tumambad ang sandamakmak na mga basura na iniwan ng mga pamilyang nagdaos ng Pasko roon. Ito’y sa kabila ng nakapaskil na mga karatulang “bawal magkalat” na may parusang multa sa mahuhuli. Ginawa ring basurahan …
Read More »Lolo tulog sa suntok ni ‘Pacman’
TULOG ang isang 62-anyos lolo makaraan suntukin ng isang lalaki habang papunta sa isang sulok upang umihi kamakalawa ng umaga sa Malabon City. Patuloy na inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center at hindi pa rin nagigising ang biktimang si Nicanor Salvacion, ice vendor, ng 10 Taganahan St., Brgy. North Bay Boulevard South, Navotas City, sanhi ng pagkabagok ng ulo. Habang …
Read More »Bebot nalasog sa flyover
NAGULUNGAN at nasagasaan ng iba’t ibang uri ng mga sasakyan hanggang sa magkalasog-lasog ang katawan ng isang hindi nakilalang babae sa isang flyover sa Pasay City kahapon ng madaling araw. Halos hindi na makilala ng mga awtoridad ang bangkay ng biktima dahil nagkahiwalay-hiwalay ang katawan at bukod sa nasagasaan ng iba’t ibang uri ng mga sasakyan, posibleng nagulungan din siya ng …
Read More »Peace talk ng gov’t sa CCP-NDF posibleng ituloy (Makaraan ang Papal visit )
POSIBLENG ituloy sa Enero ang peace talks ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF). Inihayag ito ni CPP founding Chairman Jose Maria Sison sa gitna ng pagdiriwang ng anibersaryo ng CPP nitong Biyernes. Ayon kay Sison, mula pa noong Setyembre, may pag-uusap na ang special team ng gobyerno at NDF para ihanda ang agenda sa muling …
Read More »Anak ni Ka Roger humiling ng ‘intercession’ ni Pope Francis
UMAPELA si suspected communist leader Andrea Rosal kay Pope Francis upang mamagitan para sa kanyang paglaya mula sa pagkakakulong. Inihayag ng rights group na SELDA, habang nakakulong sa Taguig City Jail, sumulat si Rosal kay Pope Francis para gawan ng paraan ang kanyang paglaya. Nakasaad sa kanyang sulat na naniniwala siyang may magagawa ang Santo Papa at umaasang ikokonsidera ang …
Read More »UBAS at HULMA, isusulong ni Roxas sa 2015
Upang mapalakas ang kampanya para sa transparency, accountability at mabuting pamamahala sa lokal na antas, palalakasin ni Interior at Local Government Secretary Mar Roxas ang tambalan ng mga grupong pangrelihiyon at local government units (LGUs) sa papasok na taong 2015. “Kasama ang iba pang programa kontra-kahirapan na programa, nawa’y maipagpatuloy at mapagtibay ng UBAS (Ugnayan ng Barangay at Simbahan) at HULMA …
Read More »Tumulay sa bubong nahulog senglot tigok
NAGA CITY – Malungkot ang magiging pagsalubong ng isang pamilya sa papalapit na Bagong Taon sa Daet, Camarines Norte. Ito’y makaraan matagpuang patay sa bakuran ng isang elementary school ang biktimang si Joseph Alcantara, 37-anyos. Nabatid na isasara na sana ng security guard ng nasabing paaralan na si Jojo Seva ang mga ilaw nang mapansin niya ang nakabulagtang biktima. Agad …
Read More »Binatilyo binoga sa ulo
NAGING madugo ang selebrasyon ng Pasko ng isang binatilyo nang barilin siya sa ulo ng hindi nakilalang salarin sa harap ng kanyang kapatid kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Patay na nang idating sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Orlando Patacsil, 17, residente ng #157 Salmon St., Brgy. 6 ng nasabing lungsod, sanhi ng isang tama ng bala …
Read More »Dalagita ginahasa ng pinsan sa fishpond
LA UNION – Isinugod sa ospital ang isang 16-anyos dalagita makaraan gahasain ng kanyang pinsan sa bayan ng Bauang, La Union, sa mismong araw ng Pasko. Ayon sa mga kamag-anak ng biktima, nakipag-inoman at nakipaglaro ang dalagita ng tagu-taguan sa kanyang mga pinsan makaraan ang Simbang Gabi at Noche Buena. Pagkatapos nito, kumuha ang biktima ng kumot sa loob ng …
Read More »Writ of Execution inisyu ng korte vs negosyante
NAGPALABAS ng writ of execution ang Pasig regional trial court para sa permanent restraining order na inisyu nito laban sa negosyanteng si Reghis Romero II at dalawa pang kompanya kaugnay sa operasyon sa Harbor Centre facility sa Tondo, Maynila. Kabilang sa mga pinagbawalan ng korte sina Jemore Canlas, Amelia Lazaro, Ma. Leah Hernandez, Deo R. Olvina Jr., James Lomeda, Iran …
Read More »Huwes sa Laude Case hiniling mag-inhibit (Kaklase ng abogado ni Pemberton)
INIHIRIT ng kampo ng napatay na transgender na si Jennifer Laude na mag-inhibit ang huwes na may hawak sa nasabing kaso. Sa press conference nitong Lunes ng hapon, ibinigay na dahilan para sa mosyon ng legal counsel ng mga Laude, ang pagiging magkaklase s a San Beda Law School ni Judge Roline Jabalde at ang abogado ni US Marine Joseph …
Read More »10 religious leaders makakausap ni Pope Francis
MAKIKIPAGPULONG si Pope Francis sa 10 pinuno ng iba’t ibang relihiyon sa kanyang unang pagbisita sa bansa sa Enero 2015. Sa press briefing kahapon, inianunsyo ng Papal Visit Committee na kabilang sa makakausap ng pinuno ng simbahan sina dating Chief Justice Reynato Puno, chairperson ng Philippine Bible Society; Imam Council of the Philippines Chair Imam Ibrahim Moxir; Bishop Cesar Vicente …
Read More »Fare hike sa MRT/LRT ‘wag ituloy (Giit ni Poe sa DoTC)
MARIING binatikos ni Senador Grace Poe ang inianunsyong taas-pasahe ng Department of Transportation and Communications (DoTC) sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT). Giit ng senador, hindi makatwiran at hindi napapanahon ang pagtaas ng pasahe na itinakdang sumalubong sa mananakay sa Enero 4. “We must remember that a mass transport system such as the MRT is an …
Read More »Senate probe sa P2.7-B pork barrel ng LGUs isinulong ni Miriam
ISINULONG ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang imbestigasyon kaugnay ng Commission on Audit (CoA) report na umaabot sa P2.7 billion ang kwestyonableng pork barrel funds allocations sa governors at mayors noong taon 2013. Ayon sa ulat ng COA, maraming LGUs ang sumobra sa pagamit ng pork barrel funds taliwas limitasyon na isinasaad sa National Budget Circular No. 537, at hindi ito …
Read More »Habambuhay vs 2 akusado sa Chuang kidnap-slay
HINATULAN ng habambuhay na pagkakabilanggo ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 5 ang pa-ngunahing akusado sa pagdukot at pagpatay sa 5-anyos Filipino-Chinese at sa yaya noong Oktubre ng taon 2000. Napaluha ang ina ng 5-anyos biktima na si Emily Chuang nang mabatid na makakamit na nila ang katarungan makalipas ang 14 taon pagdinig sa kaso. Batay sa desisyon ni …
Read More »3 adik, tulak timbog sa Marikina
HAWAK-REHAS sa araw ng Pasko ang isang pusher at tatlong adik makaraan maaresto sa inilatag na buy bust-operation ng pulisya sa Marikina City kamakalawa. Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, ang mga nadakip na sina Wilfredo No-cum alyas Willie, 54, sinasabing tulak, at nakatira sa 39 Paod St., Homeowner’s Drive, Marikina; Jennifer Santos, 26, ng …
Read More »Rider tigok angkas sugatan sa hit and run
PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang kanyang angkas nang masagi ng humaharurot na van ang sinasakyan nilang motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Joel Antoy, 31, 168 Tolentino St., San Francisco Del Monte, Quezon City sanhi ng pagkabasag ng bungo at bali sa katawan. Habang ginagamot sa Manila Central University …
Read More »Ama naglaslas ng leeg sa selda (Hostage taker ng anak)
MISTULANG sinentensyahan ng isang adik na ama ang kanyang sarili nang laslasin ng basag na bote ang kanyang leeg nang maaresto makaraan i-hostage ang anak kahapon ng hapon sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Even Zel Rubinas, 43, residente ng 1038 Interior 7, A. Mabini St., Brgy. 36 ng nasabing lungsod. …
Read More »