This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ISINUGOD sa UST General Hospital ang anak ni Gov. Willy Sy Alvarado na si congressional candidate Jonathan Alvarado.
Ito’y makaraang masangkot ang nakababatang Alvarado sa isang vehicular accident kahapon ng madaling araw.
Una siyang dinala sa Bulacan Medical Center ngunit kalaunan ay inilipat sa mas malaking ospital.
Sa inisyal na impormasyon, binangga ng kotse ang sasakyan ng local politician.
Wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya Alvarado hinggil sa insidente.
Noong Enero 20, 2007, namatay ang anak ni dating Bulacan governor Roberto Pagdanganan na si Raymond, 27 anyos noon, sa isang vehicular accident din sa Barangay Tikay sa Malolos, Bulacan.