Saturday , July 27 2024

Laborer tumungga ng bleach kritikal

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ang isang 30-anyos construction worker makaraan lumaklak ng Zonrox bleach kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang si Marlon Rivera ng 762-C Laguna Ext., Tondo.

May natagpuang suicide note sa sling bag ng biktima na nakasaad ang katagang “Papa, Mama, sorry po. Mahal ko po kayo. Lagi po kayong mag-iingat, c Arvin at c Jaypen ingatan niyo po. Love you po.”

Batay sa report ni SPO1 Alexander dela Cruz na isinumite kay Supt. Alex Daniel, commander ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7, naganap ang insidente bandang 10:30 p.m. sa harap ng katabing bahay ng biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo nang tangkang pagpapakamatay ng biktima.

About Leonard Basilio

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *