Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Pnoy, Roxas nagsigawan sa Fallen 44?

TODO-TANGGI ang Palasyo sa ulat na nagsigawan sina Pangulong Benigno Aquino III at Interior Secretary Mar Roxas makaraan ang pagkamatay ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao . “Hindi totoo at walang katotohanan ang balitang ‘yan,” text message ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa HATAW nang tanungin hinggil sa naturang insidente. Batay sa …

Read More »

SAF malamig kay PNoy? (Pangulo ‘di kinausap)

MARIING itinanggi ng Malacañang na malamig ang pagtanggap ng PNP-Special Action Force (SAF) kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III nang harapin niya ang grupo nitong Sabado ng madaling araw kaugnay sa Mamasapano massacre. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kasama siya mismo nang harapin ni Pangulong Aquino ang mga pulis dakong 12:45 a.m. noong Sabado makaraan kausapin isa-isa ang pamilya …

Read More »

Pnoy dapat managot sa Mamasapano Clash (Giit ng militante)

NAGSAGAWA ng kilos-protesat ang iba’t ibang militanteng grupo para igiit ang pagpapapanagot kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay sa madugong sagupaan sa Mamasapano.  Tinawag na March for Truth and Accountability, sinabi ni Bayan Sec. Gen. Renato Reyes Jr., direkta kay Aquino ang pananagutan sa pagkamatay ng 44 pulis, ilang MILF at ilang sibilyan sa enkwentro. Sabi niya, si Aquino …

Read More »

Kaso vs MILF, BIFF depende sa BOI

INIHAYAG ni Justice Secretary Leila De Lima na nakabase sa ginagawang imbestigasyon ng Board of Inquiry (BOI) sa Mamasapano Encounter ang isusulong na kaso ng kanilang fact finding team laban sa MILF at BIFF. Ngunit ayon kay De Lima, hiwalay na mangangalap ng ebidensiya at report ang kanilang mga state prosecutor mula sa DoJ National Prosecution Service (NPS) at mga …

Read More »

Baby, 4 paslit, 3 pa nasagip sa hostage taker na pastor

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang walo katao, kabilang ang isang sanggol, apat na paslit, at tatlo pa makaraan i-hostage ng isang pastor sa Brgy. 132, Canoy St., Pasay City kahapon. Inabot nang mahigit pitong oras ang hostage drama bago nahuli ang suspek na Christopher Magsusay, 56, sinabing isang pastor at isa rin tricycle operator, ng 2414 Canoy St., Brgy. 132 …

Read More »

Armas ng Fallen 44 ibinebenta na  

IKINAKALAKAL na ang mga baril ng Fallen 44 na kinulimbat ng mga miyembro ng MILF at BIFF makaraan ang bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao. Ibinulgar ito ni PNP OIC Leonardo Espina sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Ad Hoc Committee on the Bangsamoro kahapon. Base sa nakarating na impormasyon kay Espina, isang recoiless rifle ang naibenta na sa halagang P1.5 …

Read More »

MILF Commander  tumangging kasama sa Mamasapano Clash

ITINANGGI ng top MILF commander na kasama siya sa mga nagbakbakan sa Mamasapano, Ma-guindanao na ikinamatay ng 44 PNP-SAF. Pahayag ni 118th Base Commader Ustadz Abdulwahid, mas kilala bilang Wahid Tundok, hindi siya kasali maging ang kanyang mga tauhan sa enkwentro. Matatandaan, sinabi ni dating PNP-SAF Chief Leocadio Santiago, kabilang si Tundok sa responsable sa madugong ope-rasyon sa Mamasapano kasama …

Read More »

Tserman, bodyguard niratrat ng tandem

KAPWA nasa malubhang kalagayan ang isang barangay chairman at ang kanyang bodyguard makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng umaga sa Malabon City. Nilalapatan ng lunas sa Manila Central University (MCU) Hospital ang mga biktimang sina Brgy. Tonsuya Chairman Policarpio “Pol” Ombas, at Ando Tan, driver/bodyguard, sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .9mm sa kaliwang balikat, kanang tagiliran at …

Read More »

Magtiyuhing cock breeder utas sa kostumer

KAPWA binawian ng buhay ang magtiyuhin na nag-aalaga ng sasabunging manok makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking nagpanggap na kostumer sa Brgy. Silangan, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa.  Kinilala ang mga biktimang sina Salvador Endaya, 64, at Roberto Fombuena, 50, kapwa residente ng Brgy. FVR, Norzagaray, sa naturang lalawigan. Ayon sa ulat ng pulisya, magkasama ang magtiyuhin sa kinalalagyan ng inaalagaan nilang …

Read More »

Tuloy ang laban tuloy ang SAF  — Roxas

MALAKI ang tiwala ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na maibabalik ang Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) sa dati nitong lakas, sa kabila ng nangyari sa Mamasapano, Maguindanao na naging sanhi ng pagpanaw ng 44 kasapi nito. “Bilang isang pamilya, andito tayo para unti-unti nating tahakin ang mga darating na araw, linggo at buwan hanggang masagot …

Read More »

2 anak pinatay, ina nagtangkang mag-suicide

ILOILO CITY – Patay ang magkapatid na paslit makaraan patayin ng kanilang ina na nagtangka rin magpakamatay sa Brgy. Hipgos, Lambunao, Iloilo kamakalawa. Ayon kay Renante Lasanas, padre de pamilya, nagulat siya nang matagpuan duguan ang mga anak at wala nang buhay sa kanilang bahay. Ang 8-anyos na babae at grade 2 pupil ay may sugat sa leeg habang pinaniniwalaang sinakal …

Read More »

2 patay, 11 sugatan sa gumuhong condo sa Taguig

DALAWA ang patay habang 11 ang sugatan sa pagguho ng itinatayong 63-story residential tower na The Suites condominium sa kanto ng 5th at 28th Avenue, Bonifacio Global City sa Taguig dakong 8 a.m. kahapon. Kinilala ni Taguig City Fire Marshal Chief Inspector Juanito Maslang ang mga namatay na construction worker na sina Ruben Racraquen at Renante Dela Cruz. Karamihan sa …

Read More »

Sixto Walanghiya (Smartmatic midnight deal kasuka-suka)

GANITO inilarawan ng grupong Citizens for Clean and Credible Elections (C3E) ang huling aksiyon ni  Sixto Brillantes bago magretiro bilang chairman ng Commission of Elections (Comelec) nang lagdaan ang refurbishment contract sa Smartmatic para sa diagnostics at repair ng counting machines na gagamitin muli sa 2016 elections. “Revolting as it is, Brillantes’ unconscionable act merely confirmed what we have all …

Read More »

Ilang bahagi ng DAP unconstitutional (Pinagtibay ng SC)

PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang naunang desisyon na unconstitutional ang ilang bahagi ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Ito’y sa desisyong inilabas makaraan ang en banc session kahapon ng umaga. Ayon kay SC spokesman Theodore Te, 13-0 ang resulta ng botohan para pagtibayin na unconstitutional ang ilang bahagi ng DAP. Hindi sumama sa botohan sina Associate Justices Teresita de Carpio …

Read More »

Chain of command ‘di sinunod ni PNoy — FVR

INIHAYAG ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, may pananagutan si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 na pulis. Sa panayam ng programang Headstart ng ABS-CBN News Channel, iginiit ng dating presidente na siya ring founder ng Special Action Force (SAF), na hindi sinunod ni Aquino ang chain of command. “As commander-in-chief, not as …

Read More »

Pnoy inabswelto nina Drilon at Coloma

HINDI puwedeng panagutin si Pangulong Benigno Aquino III sa pagkamatay ng Fallen 44 sa Mamasapano, Maguindanao, base sa doktrinang “command responsibility.” Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr.,  sang-ayon ang Palasyo sa pahayag ni Senate President Franklin Drilon na batay sa Roman Statute, “command responsibility will apply if the superior, knowing his subordinate will commit a crime, fails to stop …

Read More »

Destab plot inismol ng Palasyo

MINALIIT ng Palasyo ang ulat na may gumugulong na destabilisasyon laban sa administrasyong Aquino bunsod nang brutal na pagpatay sa 44 kasapi ng Special Action Force (SAF) nang pinagsanib na puwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hindi dapat patulan ang mga ikinakalat na …

Read More »

Purisima, Mar, MILF pahaharapin sa Mamasapano Probe

NAGDESISYON ang House committee on public order and safety na ituloy ang imbetigasyon sa Mamasapano incident sa Pebrero 11, 2015, dakong 9:30 a.m. Sa pulong ng komite, iniulat na natanggap na ng lupon ang sulat mula kay PNP OIC Leonardo Espina at Defense Undersecretary Lorenzo Batino na nagre-request na ipagpaliban ang imbestigasyon sa linggong ito. Kabilang sa kanilang ipatatawag si …

Read More »

Pinoy pinagbibitiw

INIHIRIT ng Kabataan partylist na bumaba sa puwesto si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kasunod ng pinal na hatol ng Supreme Court (SC) ukol sa unconstitutionality ng ilang bahagi ng Disbursement Acceleration Program (DAP).  “If President Aquino has any sense of decency left, he should already resign. The botched Mamasapano operation is enough for him to step down. The DAP …

Read More »

Catanduanes niyanig ng magnitude 6.2 lindol

NAYANIG ng magnitude 6.2 na lindol ang Catanduanes dakong 11:13 p.m. kamakalawa. Ayon sa Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa layong 91 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Virac.  Tectonic ang origin nito at may lalim na 3 kilometro. Naramdaman ang lindol sa: Intensity V – Gigmoto, Catanduanes; Intensity IV – Virac, Catanduanes; Intensity III – Panganiban, Catanduanes; Sorsogon City, …

Read More »

‘Kinulam’ namaril 3 patay

CEBU CITY – Patay ang tatlong katao makaraan barilin ng isang lalaki kamakalawa sa Brgy. Buot-Taop, Lungsod ng Cebu, dahil sa findings ng albularyo na kinukulam ang suspek kaya siya nagkasakit. Kinilala ang mga biktimang sina Gerardo Tangayan, 46-anyos magsasaka; Jeffrey Cabucayan, 23; at Jerome Cabucayan, 19; habang himalang nakaligtas si Rejel Tangayan, 16-anyos. Ayon kay SPO4 Rey Cuyos ng homicide …

Read More »

May sayad na bebot tinurbo ng senglot

CEBU CITY – Ginahasa ng isang lasing na lalaki ang isang 20-anyos babaeng may diperensiya sa pag-iisip sa Brgy. Basak, Lungsod ng Lapu-lapu, Cebu kamakalawa. Ayon sa ulat ni Senior Insp. Juan Capacio, hepe ng Lapu-Lapu City Police Office (LCPO) Station 4, nasa higit 20-anyos ang biktima na taga-Cordova, Cebu. Madalas aniyang nakikita ang biktima na gumagala sa Tamiya St. …

Read More »

P149-M sa Grand Lotto nasapol ng lone bettor

NAPANALUNAN ng nag-iisang bettor ang mahigit P149 million jacpkot prize sa Grand Lotto 6/55. Sa isinagawang draw kamakalawa ng gabi, masuwerteng tinamaan ng mananaya ang lucky number combination na 34-15-27-04-03-39. Ito ay may kabuuang premyo na P149,017,432. Napanalunan din ng nag-iisang mananaya ang Mega Lotto 6/45 na may premyong P39,032,464. Narito ang number combination na mapalad na nakuha ng bettor, …

Read More »

25-anyos misis ginahasa binigti pinutulan ng daliri  

NAGA CITY – Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang panggagahasa at brutal na pagpatay sa isang 25-anyos babae sa Libmanan, Camarines Sur kamakalawa. Napag-alaman, itinapon ng hindi nakilalang suspek ang bangkay ng biktima sa isang kanal, 50 metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay. Natagpuan ang katawan ng biktima na wala nang saplot, puno ng sugat ang buong katawan, …

Read More »