BUMAGSAK na walang buhay ang tatlong lalaking sinasabing sangkot isa iba’t ibang criminal activities, makaraan makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Bulacan Police habang inaaresto sa sinalakay na isang bahay sa hangga-nan ng bayan ng Norzagaray at ng Lungsod ng San Jose del Monte, sa Bulacan kahapon. Ang pagsalakay ay isinagawa dakong 5 a.m. bilang bahagi ng ipinatutupad na …
Read More »Masonry Layout
16 patay, 35 sugatan sa operasyon vs ASG — AFP
ZAMBOANGA CITY – Umakyat na sa 16 ang bilang ng mga namatay sa panig ng Abu Sayyaf group (ASG) habang nasa 35 ang napaulat na sugatan sa sagupaan mula pa kamakalawa sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Tanum sa munisipyo ng Patikul sa lalawigan ng Sulu. Ito ay base sa pinakabagong ulat na inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) …
Read More »Buntis, 10 pa sugatan sa ambulansiya vs UV Express (Sa Roxas Blvd.)
SUGATAN ang 11 katao sa banggaan ng UV Express at ambulansiya sa Roxas Boulevard sa Maynila kahapon. Isinugod sa Ospital ng Maynila ang mga biktima kabilang ang isang buntis na pasahero ng ambulansiya. Ayon sa driver ng UV Express na si Erwin Ong, papunta sila ng Sucat nang biglang sumulpot ang ambulansiya kaya sila nagkabanggaan. Pito sa mga sugatan ang …
Read More »BIFF target pilayan ng AFP
TARGET ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pahinain ang puwersa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa loob ng tatlong buwan. Ito ang inihayag ni AFP chief of staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. makaraan ilunsad ang all-out war defensive kontra sa armadong grupo. ‘’In three months, hopefully we can substantially decimate them. Kasama na ang leadership.’’ Partikular na …
Read More »Misis ni Enzo Pastor swak sa parricide
PINAKAKASUHAN ng Department of Justice (DoJ) ang maybahay ng pinatay na car racer na si Enzo Pastor. Sa 13-pahinang resolusyon ng panel of prosecutors, nakakita ng probable cause para kasuhan ng parricide si Dahlia Guererro Pastor, at murder sa negosyanteng si Domingo “Sandy” De Guzman. Sinasabing may relasyon si De Guzman sa misis ng biktima. Una nang kinasuhan ng DoJ …
Read More »Buwis ipinaalala ni Kim kay Pacman (Sa mega fight vs Floyd)
IPINAALALA ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares kay Manny Pacquiao na iulat sa kanila ang babayarang buwis sa Amerika kaugnay ng nalalapit na megabout kay Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 2. Sa press conference sa Department of Justice (DOJ), inulit ng BIR chief na dapat magsumite ang Sarangani congressman ng dokumentong authenticated ng Embahada ng Filipinas sa …
Read More »Resolusyon sa Mamasapano Truth Commission inihain na sa Kamara
PORMAL nang naghain sa Kamara ang ilang mambabatas para sa pagbubuo ng Fact-Finding Commission kaugnay sa Mamasapano incident. Iniakda ang House Bill 5462 nina Bayan Muna Party-list Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate; Gabriela Party-list Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi De Jesus; ACT Teachers Party-list Rep. AntonioTinio; ANAKPAWIS Party-list Rep. Fernando Hicap, at Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon. “Therefore, …
Read More »P25-M shabu kompiskado sa Cotabato
TINATAYANG aabot sa dalawang kilo ng hininihalang shabu ang nakompiska ng mga awtoridad sa raid sa Brgy. Ambalgan, Sto. Nino, Cotabato nitong Miyerkoles. Tinatayang nasa P25 milyon ang street value ng nakuhang droga. Ngunit nakatakas ang target na si Johnny Mantawil at asawang si Fatima, ilang minuto bago sumalakay ang mga awtoridad sa kanilang bahay. Narekober din mula sa tahanan …
Read More »1 patay, 3 sugatan sa jailbreak sa Sarangani
PATAY ang isang preso habang sugatan ang tatlong iba pa sa jailbreak sa Malapatan District Jail sa Sarangani nitong Miyerkoles. Dakong 7:30 p.m. nang agawin ng dalawang trustee prisoner na kinilalang sina Ronald Uppos at Roberto Caratayco ang baril at susi mula kay Jail Officer 1 Sofreme Autor. Dalawang putok ng baril ang narinig ng mga pulis na naka-estasyon malapit …
Read More »Manyak tiklo sa panghihipo (‘Di napigil sa panggigigil)
ARESTADO ang isang manyakis makaraan ireklamo ng pagyakap at panghihipo sa isang babae, at pambubugbog ng isang lalaki sa computer shop sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Rehas na bakal ang hinihimas ngayon ng suspek na kinilalang si Joshua Rodriguez, 21, residente ng Purok 6, Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong acts of lasciviousness at …
Read More »BBL ‘di ibabasura ng Senado
TINIYAK ni Senate President Franklin Drilon, hindi ibabasura ng Senado ang Bangsangmoro Basic Law (BBL) kundi ito ay tatalakayin at iaayon lamang sa nilalaman ng Saligang Batas ang magiging probisyon o nilalaman nito. Ayon kay Drilon, hindi lamang nila mahahabol ang unang target na matapos ang pagtalakay rito at maipasa ngayong Marso 18, ang huling araw ng sesyon bago ang …
Read More »PNP-HSS chief sinibak sa pagtakas ni Bong
SINIBAK ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang hepe ng Philippine National Police-Headquarters Support Service (PNP-HSS). Kaugnay ito ng sinasabing pagtakas ni Senador Bong Revilla sa piitan sa PNP Custodial Center para dumalo sa birthday celebration ni Senador Juan Ponce Enrile sa PNP General Hospital noong Pebrero 4. Sa press conference, Huwebes ng tanghali, inihayag ni Roxas ang …
Read More »Sweet 16 niluray ng boyfriend
NAGA CITY- Agad naaresto ang isang lalaki makaraan halayin ang menor de edad niyang kasintahan nang malasing ang biktima sa Candelaria, Quezon kamakalawa. Nabatid sa ulat, nag-inoman ang 16-anyos biktima at ang boyfriend niyang si alyas Daniel kasama ang ilang mga kaibigan. Nang malasing ang biktima, dinala siya ng suspek sa kwarto at hinalay ang dalagita. Hindi nakapanlaban ang biktima …
Read More »Roxas: Benepisyo para sa SAF 44, buo at mabilis
TINIYAK ngayon ni Interior Secretary Mar Roxas na agarang makukuha ang lahat ng benepisyong nakalaan para sa mga biyuda at naulilang anak ng 44 Special Action Force (SAF) commandos na nag-alay ng buhay sa Mamasapano, Maguindanao, noong Enero 25. Ayon kay Roxas, naibigay na sa mga naulila ng SAF44 ang tulong (Special Assistance Fund) galing sa gobyerno at paunang benepisyo …
Read More »Gov’t sinisi sa perhuwisyong MRT vs mananakay (Bistado na kayo)
DAPAT umamin at tigilan ang pagtuturo sa kakarag-karag na MRT at paulit-ulit na pagtirik nito. Ito ang pahayag ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon kahapon sa mga pinuno ng Department of Transportation and Communication (DOTC) at ng MRT sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa problemang bumabalahaw sa mga takaw-aksidenteng tren ng MRT. “Pagpapabaya ng gobyerno …
Read More »All-out offensive vs BIFF inilunsad ng AFP
NAGLUNSAD na ng all-out offensive ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kontra sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Kinompirma ni Lt. Col. Harold Cabunoc, hepe ng Public Information Office (PIO) ng AFP, iniutos ito ni Gen. Gregorio Pio Catapang, chief of staff ng AFP, sa Western Mindanao Command (WestMinCom) “It had already started a few days ago after the …
Read More »Barong-barong ni Marwan sinunog
SINUNOG ng armadong kalalakihan ang barong-barong sa Mamasapano kung saan sinasabing napatay ang teroristang si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan. Kinompirma ni Sr. Insp. Reggie Abellera, hepe ng Mamasapano Police, ang insidente sa Brgy. Pimbalakan dakong 9:30 p.m. nitong Martes. Bineberipika ng pamunuan ng PNP ang ulat dahil hindi malapitan ang lugar dulot ng presensya ng hinihinalang mga miyembro ng …
Read More »Ex-CJ Corona tumangging magpasok ng plea (Sa kasong tax evasion)
TUMANGGING magpasok ng ano mang plea si dating Chief Justice Renato Corona kaugnay sa anim kaso ng failure to file income tax returns (ITR). Bunsod nito, si CA Justice Cesar Casanova ang nagpasok ng not guilty plea para sa kanya nitong Miyerkoles. Kabilang sa arraignment ni Corona ang anim kaso ng hindi paghahain ng tamang ITR habang ipinagpaliban ang anim …
Read More »MILF nakabili ng armas sa AFP, PNP (Siwalat ni Iqbal)
WALA nang pagawaan ng armas ang Moro Islamic Liberation Front (MILF). Giit ni MILF chief peace negotiator Mohagher Iqbal, inabandona na nila ang arms factory dahil sa usaping pangkapayapaan sa gobyerno. Kasabay nito, isiniwalat ni Iqbal na bukod sa dating pagawaan, nanggaling ang kanilang mga armas sa mga smuggler at ilang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at …
Read More »Garin hinirang na ni PNoy bilang kalihin ng DoH
PORMAL nang hinirang ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Dra. Janette Garin bilang Health secretary. Ito ang napag-alaman mula sa ilang sources. Bago ito, nanungkulan bilang acting secretary si Garin nang mag-leave hanggang sa magbitiw si Secretary Enrique Ona noong Disyembre 19. Nito lamang nakaraang buwan ay nagpahiwatig ang presidente na kontento siya sa performance ni Garin kaya susunod …
Read More »Mamasapano Truth Commission lusot sa Senado
APRUB na sa committee level ng Senado ang panukalang pagbuo ng Truth Commission na tututok sa Mamasapano incident noong Enero 25. Sinimulan nitong Miyerkoles ng Senate Committee on Peace, Unification and Reconciliation ni Senator TG Guingona ang pagdinig sa usapin, isang buwan makaraan ang bakbakan na kumitil sa buhay ng 44 SAF commandos. Ipinanukala ni Guingona ang pagbuo ng Truth …
Read More »‘149 na wika sa Filipinas buhay!’ – KWF
ISANDAAN at apatnapu’t siyam na wika ang naidokumento ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pag-update nito ng listahan ng mga buhay na katutubong wika sa Filipinas. Ayon kay Dr. Sheilee Boras-Vega, puno ng Sangay ng Salita at Gramatika ng KWF, ang naging batayan ng listahan ay resulta ng mga field work ng ahensiya at iba pang naunang hiwalay na …
Read More »Paglabnaw ng BBL ikinababahala ni PNoy
NABABAHALA si Pangulong Benigno Aquino III sa posibleng paglabnaw ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL). Ito ang ibinahagi ni Ad Hoc Committee on the BBL Chair Rep. Rufus Rodriguez makaraan ang pulong ng ilang kongresista sa Pangulo sa Malacanang Matatandaan, nitong Lunes nang biglaang pulungin ng Pangulo ang mga lider ng Kamara ukol sa BBL at Mamasapano incident. “He (PNoy) …
Read More »MRT-3 titigil sa weekend
POSIBLENG mapadalas ang pag-shut down ng operasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3) simula sa weekend. Ito ay dahil sa gagawing repairs at replacements sa mga may sirang riles. Ayon sa bagong MRT General Manager na si Roman Buenafe, ngayong Sabado gagawin ang pagpapalit ng 150 meters na riles sa may bahagi ng Taft at Magallanes stations. Dahil dito kaya wala …
Read More »Piskal muntik magantso, 2 arestado
LAKING pasasalamat ng isang prosecutor sa Makati at hindi pa na-encash ang P300,000 na nagantso ng dalawang suspek sa kanyang misis na prosecutor din sa Office of the Ombudsman, nang abutan ang dalawang salarin sa loob ng banko habang naghihintay na tawagin ang kanilang numero kahapon ng umaga sa Maynila. Nakadetine na sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section …
Read More »