Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Tsinoy itinumba sa Maynila (Ikalawang Chinese businessman sa loob ng isang linggo)

PATAY ang isang 31-anyos Filipino Chinese businessman makaraan barilin sa mukha ng hindi nakilalang lalaki habang naglalakad patungo sa kanyang tindahan sa LRT Station sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa. Hindi na umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Fritz Linjohn Chu, may-ari ng tindahan ng Chu Tech Solution sa Rizal Avenue St., Sta. Cruz, Manila, …

Read More »

Baguio City solon, 3 pa pinakakasuhan ng DOJ

BAGUIO CITY – Inirekomenda ng Department of Justice (DoJ) ang paghahain ng criminal charges laban kay Baguio City Rep. Nicasio Aliping Jr. at sa tatlong contractors dahil sa paninira sa isang bahagi ng bundok sa Tuba, Benguet. Batay sa isang resolusyon, kinasuhan ni Benguet Provincial Prosecutor Gilmarie Fe Pacamarra ang contractors na sina William Go, Romeo Aquino at Bernard Capuyan …

Read More »

2 MILF officials Malaysian national? (Walang basehan — Palasyo)

WALANG basehan ang akusasyon na Malaysian nationals ang dalawang pinuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ayon sa Palasyo. Ngunit ang pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. ay ibinase lang sa online news sa panayam kay MILF peace panel chief negotiator Mohagher Iqbal at hindi mula sa opisyal na record ng Department of Foreign Affairs (DFA). “According to GMA …

Read More »

Napeñas sinisi rin ng MILF sa Mamasapano incident

KORONADAL CITY – Sinisisi rin ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) si dating SAF Director Getulio Napeñas sa Mamasapano encounter na ikinamatay ng 44 PNP-SAF at 18 sa kanilang panig. Ayon kay MILF First Vice Chairman Ghadzali Jaafar, ang SAF ang unang nagpaputok sa combatants ng MILF na nagresulta sa madugong enkwentro. Bukod dito, hindi rin aniya nakipag-ugnayan si Napeñas …

Read More »

3 kainoman tinangkang sunugin ng binatilyo (Napikon sa debate sa relihiyon)

LA UNION – Bagsak sa kulungan ang isang 18-anyos lalaki makaraan tangkaing sunugin ang tatlong kainoman sa loob ng isang paupahang bahay sa Brgy. Lingsat, sa lungsod ng San Fernando, La Union kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Ronnie Hufalar, residente ng nasabing lugar. Ayon sa hindi pinangalanang 17-anyos binatilyo, kabilang sa mga kainoman ni Hufalar, nag-ugat ang pag-aamok ng …

Read More »

Napahiya sa kainoman kelot nagbigti (Inaway ng dyowa)

MAKARAAN awayin ng kanyang live-in partner sa harap ng kanyang kainoman, nagbigti ang isang lalaki sa loob ng banyo ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Hindi na umabot nang buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Leonardo Morales, 21-anyos, ng 25 Interior Aracity St., Brgy. Tinajeros ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ni SPO2 …

Read More »

Lola tiklo sa P1-M shabu sa Davao

DAVAO – Nakakulong na ang isang lola makaraan makuha sa kanyang posisyon ang ilegal na droga habang nasa Tagum City Overland Transport Terminal kamakalawa Kinilala ang suspek na si Natividad Papaya Pansit, 60, may asawa, residente ng Mt. Diwata, Diwalwal, Monkayo, Compostela Valley Province. Naaresto ng mga awtoridad ang nasabing lola sa buy-bust operation ng mga pulis at nakuha sa …

Read More »

Lipa Mayor kinasuhan sa Ombudsman

  ni JSY SINAMPAHAN ng mga kasong administratibo sa tanggapan ng Ombudsman ang Alkalde ng Lipa City at hinihiling ng mga nagreklamong nagmamay-ari ng lupa ang preventive suspension matapos mabatid na ‘pekeng’ abogado at hindi lisensiyadong broker ng lupa. Sinampahan ng mga kasong administratibo si Lipa Mayor Meynard A. Sabili gaya ng grave misconduct, dishonesty at oppression/grave abuse of authority. …

Read More »

2 adik sinunog ang sarili (Isa napraning, isa pa nabuang)

SINILABAN ng dalawang lalaki ang kanilang sarili nang mawala sa katinuan dahil sa pagkagumon sa droga sa magkahiwalay na lugar sa Las Piñas City at Pasig City kahapon. Sa Las Piñas City, wala nang buhay nang matagpuan si Marlon Balse, 32, sa loob ng kanyang kwarto sa dalawang palapag na bahay sa BF Resort Village, Brgy. Talon Dos. Ayon sa …

Read More »

PNoy sinalubong ng protesta sa PMA graduation

PINANGUNAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang commencement exercises ng Philippine Military Academy (PMA) Sinaglahi Class of 2015 sa Fajardo Grandstand, Borromeo Field, Fort Gen. Gregorio H. Del Pilar, Baguio City kahapon. (JACK BURGOS) BAGUIO CITY – Hindi naging hadlang sa mga militanteng grupo ang higpit ng seguridad sa Philippine Military Academy para hindi sila makapagsagawa ng kilos-protesta. Paglabas ng …

Read More »

Isabela-Aurora tinutumbok ng Bagyong Bavi

TINUTUMBOK ng bagyong may international code name na Bavi ang Luzon habang nakaambang pumasok sa Philippine area of responsibility sa Martes. Batay sa mga international forecast, maaaring sa bahagi ng Isabela o Aurora mag-landfall ang bagyo sa Sabado ng susunod na linggo. Kahapon, lumakas pa ang bagyo sa 85 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na …

Read More »

Lone bettor wagi ng P10-M jackpot sa 6/42 lotto’

NAG-IISANG lotto bettor ang pinalad na makapag-uuwi ng P10,410,892.00 jackpot prize ng 6/42 Lotto. Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) head Ferdinand Rojas II, hawak ng nasabing mananaya ang winning number combination na 06-17-28-04-22-10. Isinasagawa ang 6/42 draw tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Samantala, walang nanalo sa P30 million pot money ng 6/55 Grand Lotto. Lumabas kamakalawa ng gabi …

Read More »

Magnitude 4.6 lindol yumanig sa La Union

NIYANIG ng magnitude 4.6 lindol ang La Union nitong Sabado ng gabi. Tumama ang lindol dakong 10:37 p.m., sa karagatan sa layong 48 kilometro hilagang kanluran ng Luna, La Union. Naitala ang tectonic na lindol sa lalim na 64 kilometro. Dahil sa lindol, nadama ang intensity 3 na pagyanig sa San Fernando, La Union at maging sa Baguio City. Walang …

Read More »

2 kaso ng Libelo vs Hataw reporter, 5 pa ibinasura ng prosekusyon

TULUYAN nang ibinasura ang dalawang kaso ng libel na isinampa laban sa reporter ng HATAW D’yaryo ng Bayan at lima pang mamamahayag sa ipinalabas na resolusyon ng Malabon & Navotas Prosecutors office nitong nakaraang linggo. Kinilala ang mga mamamahayag na sina Rommel Sales ng Hataw (D’yaryo ng Bayan); Beth Samson at Jun Paclibar ng Police Files; Rey Galupo, Philippine Star; …

Read More »

Bulacan isinailalim sa Comelec (Tensiyon umiigting)

SINAILALIM ng grupong Philippine Crusader for Justice (PCJ) sa kontrol ng Commission on Election ang buong probinsya ng Bulacan. Kasunod ito ng umiigting na tensyon bunsod ng umano’y walang basehang tangkang pagpigil ng isang judge sa pagsisimula ng malayang proseso para sa recall election sa naturang lalawigan. Nangangamba si Joe Villanueva convenor ng PCJ na posibleng mauwi sa karahasan ang …

Read More »

Purisima, Napeñas idiniin sa BOI Report (PNoy inabsuwelto)

ANG may pangunahing pananagutan dito sa pagkamatay ng 44 na SAF troopers ay walang iba kundi ang suspendidong Director General Alan Purisima.” Ito ang konklusyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas makaraan mabasa ang formal report ng Board of Inquiry (BOI) kaugnay ng madugong insidente sa Mamasapano. Nitong Biyernes nai-turn over ng Philippine National …

Read More »

Mayor Binay ‘wag kang  magtago — Rep. Belmonte

PINAYUHAN ni Quezon City 6th District Representative Christopher Belmonte si Makati Mayor Erwin “Junjun” Binay na harapin ang imbestigasyon ng Ombudsman at huwag magtago gaya ng ginawa ng kanyang amang si Vice President Jejomar Binay. Ginawa ni Belmonte ang pahayag matapos magpalabas ang Ombudsman ng 6-month preventive suspension kay Mayor Binay habang iniimbestigahan ang umano’y overpricing ng P2.6-billion Makati Parking …

Read More »

 ‘Jumper gang’ member utas sa truck driver

PATAY ang isang miyembro ng “Jumper gang” nang saksakin ng truck driver makaraan batuhin ng biktima ang salamin sa driver’s seat kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Quirino Avenue at Osmena St., Paco, Maynila. Kinilala ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktimang si Manuel Yabut, 45, residente ng Mataas na Lupa, Paco, Maynila. Habang naaresto ang …

Read More »

Mamasapano report naisumite na ng BOI sa PNP

MAKARAAN ang ilang linggong imbestigasyon at ilang araw na pagkabinbin bago makompleto, naisumite na kahapon ng Board of Inquiry (BOI) ang kanilang ulat kaugnay sa Mamasapano incident, sa liderato ng Philippine National Police (PNP). Kompiyansa umano ang chairman nito na nakuha ng panel ang buong katotohanan kaugnay sa ‘misencounter’ na nagresulta sa pagkamatay ng higit sa 60 katao nitong Enero. …

Read More »

55 bagong sasakyan inilaan ni Roxas sa PNP

PINANGUNAHAN ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang turnover ng 55 bagong Toyota High-ace Vans sa Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng kanilang capability enhancement program. Ayon kay Roxas, ibabahagi sa mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang karamihan sa mga van dahil pangunahin nilang kailangan ang sasakyan tuwing may mga operasyon. “Ang bawat …

Read More »

3 patay sa 2 amok na sundalo sa videoke bar

TACLOBAN CITY – Patay ang tatlo katao habang isa ang sugatan makaraan mag-amok ang dalawang sundalo sa isang videoke bar sa Brgy. Hiagsam, Jaro, Leyte kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na si Andres Cadapan, 60, retired employee ng Leyeco II, residente ng Tunga, Leyte; Joselito Cenico, residente ng Jaro, Leyte; at Lea Mae Jamito, waitress sa nasabing videoke bar, at …

Read More »

23 BIFF, 2 sundalo utas sa enkwentro

PATAY ang 23 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa pagpapatuloy ng all-out offensive ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga rebelde sa Maguindanao.  Napatay rin ang dalawang sundalo habang sugatan ang dalawa pa nilang kasamahan sa panibagong serye ng bakbakan sa Brgy. Pusao, Sharif Saidona Mustapha; at Datu Salibo at Datu Piang nitong Martes hanggang …

Read More »

Rabies sa Davao City tumataas  

TUTUTUKAN ng Department of Health (DoH) ang tumataas na kaso ng mga nakakagat ng aso sa Davao City makaraan iulat na 22 katao ang namatay noong 2014, mas mataas sa 16 kaso noong 2013. Ayon kay Devine Hilario, DoH Regional Office program officer, hindi dapat isantabi kung nakagat ng hayop kahit maliit lamang ito. Aniya, nakalulungkot na karaniwan sa mga …

Read More »

Buntis na baka ginahasa ng adik

ARESTADO ang isang lalaki makaraan maaktohan ng mga barangay tanod habang hinahalay ang isang buntis na baka sa Brgy. Biga Dos, Silang, Cavite. Nakakulong na si Andy Loyola, 46, kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act. Kuwento ng may-ari ng baka na si Rustico Carlo, nitong Martes ng umaga, itinali niya ang kanyang alaga sa bukid …

Read More »

Mambabatas desmayado sa naantalang BOI report

DESMAYADO ang ilang mambabatas sa pagkaantala ng report ng Board of Inquiry (BOI) kaugnay sa madugong insidente sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 pulis. Nitong Lunes, humiling ng palugit si BOI head Benjamin Magalong sa pagsusumite ng report, at sinundan kinahapunan ng testimonya ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa insidente sa pamamagitan ng isang mensahe sa prayer gathering sa …

Read More »