Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Epileptic na lola nalunod sa ilog

PATAY na nang matagpuan ang isang epileptic na lola makaraan malunod sa ilog kahapon ng umaga sa Malabon City. Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktimang tinatayang 55-anyos, at 4’8 ang taas. Base sa ulat nina SPO2 Ananias Birad Jr., at PO3 Jun Belbes, dakong 6:30 a.m. nang matagpuan ng ilang residente ang katawan ng biktima habang …

Read More »

135 pamilya inilikas ng PNP sa kanilang bagong bahay

Halos 135 pamilyang biktima ng sunog sa Barangay 201, Pasay City ang tinulungang lumikas ng mga opisyal ng National Capital Region Police Office (NCRPO) patungo sa kanilang lilipatang mga bahay. Ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, hindi lang sunog kundi ang Cutcut Creek ang nagbabanta sa buhay at kaligtasan ng mga residenteng inilikas. “Their safety is our …

Read More »

2 patay sa away ng 2 bagets group

NAGA CITY – Dalawa ang patay habang isa ang sugatan sa rambolan ng dalawang grupo ng mga kabataan sa harap ng isang resto bar sa Naga City kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina Rondel Ryan Sy III, 28, at Nino Estopina, 27, habang patuloy na ginagamot sa ospital si Sylvestre Berina, 24-anyos. Ayon kay Insp. Rey Alvarez, nagsimula ang …

Read More »

11 sugatan sa salpukan ng 2 bus sa EDSA  

LABING-ISANG pasahero ang sugatan makaraan magbanggaan ang dalawang bus sa EDSA northbound kanto ng Pasay Road sa Makati City kahapon ng umaga. Sa impormasyon mula sa MMDA Metrobase, binangga ng Precious Grace Transport bus ang likurang bahagi ng JAC Liner bus. Salaysay ng driver ng JAC Liner bus na si Alex Villanueva, nakahinto lamang siya sa kanto ng EDSA-Pasay Road …

Read More »

Constitutional crisis ‘di mangyayari – Palasyo (Sa Makati standoff)

KOMPIYANSA ang Palasyo na walang magaganap na “constitutional crisis” kasunod ng Makati standoff o ang pagkakaroon ng dalawang alkalde sa Makati City. Ang constitutional crisis ay nangyayari kapag hindi umiiral ang rule of law dahil sa hindi pagkilala ng isang sangay ng pamahalaan sa kapangyarihan ng isa pang co-equal branch of government. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang …

Read More »

Chinese trader utas sa kagitgitan

PATAY ang isang negosyanteng Tsinoy nang pagbabarilin ng isang lalaking nakaalitan makaraan makagitgitan sa kalsada sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Edwin Tan, 45, residente ng #7 Mica St., Jordan Plane, Novaliches, Quezon City sanhi ng tatlong tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa katawan. Patuloy na pinaghahanap …

Read More »

P16,000 nat’l minimum wage iginiit

INIHIRIT ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na maiakyat sa P16,000 ang national minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor.  Ayon sa kongresista, ang P15 dagdag-sahod na ibinigay ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ay nag-akyat lamang ng daily minimum wage sa P481.  Napakalayo aniya nito sa halagang kaila-ngan ng bawat pamilya para …

Read More »

Aktres pinababa sa eroplano nang manapak ng pasahero (P.5-M multa pwedeng ipataw)

PINABABA ng eroplano ang aktres na si Melissa Mendez makaraan manapak ng flight attendants at pasahero ng Cebu Pacific nitong Biyernes. Sa Instagram post ng actor-athlete na si Andrew Wolff, ibinahagi niya ang pangyayari sa erop-lanong biyaheng Pagadian na humantong sa pagpapababa sa aktres. Kuwento niya, may isang Pinay na artistang laos (past her prime) na umupo sa reserved seat …

Read More »

Gulo sa Alliance lumulubha  

LUMALA ang gulo sa Alliance Select Foods International Inc., sa pagitan ng management at investors dahil sa planong pagdadag ng P1 bilyong pondo ng board sa pama-magitan ng panibagong stock rights offer sa nangungunang tuna manufacturer sa bansa. Ayon sa source, minamadali ng board of directors ang pagpasa sa pla-nong magsagawa ng panibagong stock rights offer nang hindi pinag-aralan ang …

Read More »

Raymart Santiago pinagmulta ng korte sa forum shopping

 PINAGMULTA ng korte ng P30,000 ang aktor na si Raymart Santiago dahil sa indirect contempt. Ito ay makaraan hatulan ng Marikina City Regional Trial Court ang aktor bilang guilty sa forum shopping. Bukod dito, kailangan din ni Santiago at mga abogado niya na magmulta ng tig-P2,000 para sa direct contempt. May kaugnayan ito sa custody case na inihain ni Raymart …

Read More »

Sosyalerang anak ni Napoles ayaw paaresto  

HINILING ni Jeane Catherine Napoles, anak ng sinasabing pork barrel scam mastermind na si Janet Lim Napoles, sa Court of Tax Appeals (CTA) na huwag ituloy ang paglabas ng warrant of arrest laban sa kanya. Sa motion for judicial determination of probable cause na inihain ng kanyang mga abogado, nakasaad na ipinatitigil din ng nakababatang Napoles ang proceedings sa kanyang …

Read More »

ABC prexy kritikal sa ambush  

NAGA CITY – Kritikal ang kalagayan ng isang incumbent ABC president ng Pamplona, Camarines Sur makaraan barilin ng hindi nakilalang suspek kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay kinilalang si Domingo Briones, barangay chairman ng Brgy. Tambo sa na-sabing bayan. Ayon kay Senior Insp. Joel Sabuco, naganap ang insidente dakong 11:20 p.m. kamakalawa sa nabanggit na bayan. Agad naisugod sa Mother …

Read More »

BOI Report ipinababago ni PNoy?

ITINANGGI ng Palasyo na diniktahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang PNP Board of Inquiry (BOI) na baguhin ang resulta ng imbestigasyon ukol sa enkwentro sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 pulis.  Inihayag ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, walang batayan ang nasabing paratang na umugong makaraan ipatawag ng Pangulo ang BOI sa palasyo nitong Martes.  Idiniin ni Coloma, sinabi …

Read More »

Mas maraming Pinoy ayaw sa Aquino resign (Ayon sa survey)

Sa kabila nang pagsadsad ng approval at trust ratings, mas marami pa ring mga Filipino ang hindi sang-ayong magbitiw sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino III. Batay ito sa survey ng Pulse Asia na isinagawa nitong Marso 1-7, 2015. Nang tanungin ang 1,200 respondents kung sang-ayon ba ang sila o hindi na magbitiw na si Aquino ngayon, 42% ang sumagot …

Read More »

2 patay sa salpukan ng 4 sasakyan sa Quezon  

PATAY ang dalawa katao habang dalawa ang sugatan makaraan salpukin ng isang kotse ang dalawang tricycle at isang van sa Brgy. 5, Lucena City, Quezon kamakalawa. Ayon kay Lucena City Police Director, Supt. Allen Rae Co, nawalan ng kontrol ang driver ng Nissan na si Arwin Flores, dahilan para bumangga siya sa tricycle ni Joel Rojo, van ni Mario Alcantara, …

Read More »

76-anyos cyclist nalasog sa truck

LA UNION – Agad binawian ng buhay ang isang lolo makaraan salpukin at masagasaan ng truck sa Brgy. Baccuit Sur, bayan ng Bauang, habang sakay ng kanyang bisikleta kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Leopoldo Debad, 76-anyos Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, inilahad ni Senior Insp. Judy Calica, deputy cheif of police ng Bauang Municipal Police …

Read More »

Magpinsang nasunugan kritikal sa kuyog

DOBLENG dagok para sa mga kaanak ang nangyari sa magpinsang binatilyo na makaraan masunugan ay kinuyog ng isang grupo ng mga kabataan nang mapagkamalan silang mga kalaban kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Naa malubhang kalagayan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga biktimang sina Redentor Manliclic, 19; sanhi ng palo ng dos por dos sa ulo, at Jerome Castillo, 17, …

Read More »

Bombero dapat protektahan sa galit ng nasunugan — Roxas

NAGLABAS ng mandato si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR) na agarang magsagawa ng isang joint investigation matapos makatanggap ng ulat ng pananakit sa mga bombero habang nagseserbisyo. “These are individuals who put their own lives on the line in the name of …

Read More »

Ancestral house gumuho, 18 sugatan (Sa Liliw, Laguna)

SUGATAN ang 18 indibidwal sa pagguho ng isang ancestral house sa Brgy. Rizal, Liliw, Laguna nitong Huwebes. Ayon kay SPO4 Vicente Esles, deputy chief of police ng Liliw PNP, ang bahay ay pag-aari ng isang Teresita Artecola.  Sa inisyal na imbestigasyon, nagkakainan ang mga bisita dahil pista sa naturang lugar nang biglang bumigay ang sahig na gawa sa kahoy.  Sabay-sabay …

Read More »

Vandolph muling naaksidente sa NAIA

LIGTAS ang aktor na si Vandolph Quizon makaraan masangkot muli sa aksidente sa bahagi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Huwebes. Batay sa impormasyon, sumampa sa center island ang kotse ng 30-year-old actor at nakasagi ng motorsiklo at isang van. Sinasabing nabutas ang gulong ng sasakyan ni Vandolph kaya napakabig sa kabilang kalsada sa bahagi ng NAIA. …

Read More »

20-anyos bebot dinukot ng kelot

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Manila Police District PS 5 ang isang 20-anyos babae  sa follow-up operation sa Valenzuela City kamakalawa makaraan dukutin ng isang 23-anyos lalaki nitong Marso 15 sa Roxas Blvd., Ermita, Maynila. Nakapiit na himpilan ng pulisya ang suspek na si Ibrahim Giama, walang asawa, ng Block 15, Baseco Compound, Tondo, Maynila, sinampahan ng kasong serious illegal detention, …

Read More »

Misis pinatay, mister tumakas bitbit ang anak

TUMAKAS ang isang retired US serviceman sa Angeles City, Pampanga bitbit ang menor-de-edad nilang anak makaraan barilin at mapatay ang kanyang misis nitong Huwebes ng hapon. Batay sa paunang ulat, nakarinig ng putok ng baril ang 12-anyos anak na lalaki ng mag-asawang Enrique at Mylene Angeles.  Nang puntahan, nakita niya ang duguang katawan ng ina sa may banyo habang sa …

Read More »

Pinay tumalon sa gusali sa UAE (Tangkang gahasain ng Pakistani)

TUMALON sa mataas na bahagi ng gusali sa United Arab Emirates (UAE) ang isang 21-anyos Filipina nang tangkang pagsamantalahan ng isang Pakistani driver. Sa paglilitis sa Dubai Court of First Instance nitong Miyerkoles, Marso 18, sinabi ng piskalya na nagpasama ang 28-anyos Pakistani driver sa biktima sa opisina para kunin ang ilang dokumento. Nang makapasok sa opisina, isinara ng suspek …

Read More »

Pekeng dentista arestado; ama tiklo sa droga

ARESTADO sa mga awtoridad ang isang babaeng pekeng dentista gayondin ang kanyang ama na nakompiskahan ng illegal na droga sa Bulakan, Bulacan kamakalawa. Kinilala ang mga naaresto na sina Joy Aica Consul Luciano, alyas Aika M. Luciano, 21, ng Brgy. Sta Ines, Bulakan, Bulacan, at Rolando Luciano. Nadakip si Aica sa entrapment operation na isinagawa ng mga kagawad ng Provincial …

Read More »