This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PATAY ang isang 25-anyos lalaki habang kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng kanyang angkas makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang trailer truck sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.
Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang biktimang si Johnlee De Jesus, ng 29 Yanga St., Brgy. Maysilo, dahil sa pinsala sa ulo at katawan habang ginagamot sa nasabing pagamutan ang angkas niyang si Jomar Romero, 22, ng 343 M.H. Del Pilar ng nasabing barangay.
Batay sa ulat ni PO3 Arnel Sinahon, dakong 3:20 a.m. nang maganap ang insidente sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St., kanto ng Maysilo-Tenejeros Bridge, Brgy. Maysilo.
Sakay ang mga biktima ng motorsiklo at binabagtas ang M.H. Del Pilar nang bigla silang masagi ng isang trailer truck (RLK-605) na minananeho ni Daryl Villanueva, 24, ng 48 Tungko St., Maysilo.
Agad naaresto si Villanueva na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injuries.