Friday , May 3 2024

Sarah G iniintrigang buntis kay Matteo?

HANGGANG ngayon ay naka-hang, pa rin ang lahat tungkol sa sinasabing sakit raw ni Sarah Geronimo lalo’t sa kanyang bagong interview ay ayaw magbigay ng detalye ng Popstar Princess sa kaniyang tunay na karamdaman at lalong nag-alala ang Popsters at iba pang mga nagmamahal kay Sarah nang sabihin nito sa kanyang statement na kailangan niya talaga ng pahinga na tatagal ng isa hanggang dalawang buwan.

At posible raw na mag-out of the country siya para lubusang makapag-rest muna. Ang ipinagpapasalamat na lang ngayon ng supporters and fans ng singer-actress ay hindi naman malala ang kanyang sakit na dinaramdam. Pero may ilang netizens na duda sa kalagayan ngayon ni Sarah at ang tanong nila hindi kaya buntis siya courtesy of his boyfriend na si Matteo Guidecille?

Well hindi naman siguro tanga si Sarah para magpabuntis nang ganoon lamang kay Matteo lalo’t sabi ay sa 2022 pa binabalak magpakasal ng mag-sweetheart.

Red string premiere ng “Born For You” sa Trinoma Cinema dinumog ng fans
ELMO AT JANELLA MATINDI ANG CHEMISTRY

Sa pangunguna nina Elmo Magalona at Janella Salvador, ang bagong loveteam na bini-build-up ngayon ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment, kompleto ang cast na dumating sa pinag-uusapang romantic kilig serye na “Born For You” sa red string premiere na ginanap last Saturday sa Trinoma Cinema 7 ng Trinoma Mall.

Present din ang ilang Kapamilya stars, business unit head ng Dreamscape na si Sir Deo Endrinal kasama si Sir Biboy Arboleda na manager ng No. 1 actor natin na si Coco Martin. Kabilang rin ang inyong columnist sa naimbitahan sa nasabing special screening ng Born for You, na dinumog ng fans ng ElNella loveteam. Honest at walang exaggeration.

Abangan ninyo ang Born For You na mapapanood na simula ngayong Hunyo 20 dahil first week pa lang ng episodes ay masusulyapan ninyo kung gaano kaganda ang serye na umiikot ang kuwento tungkol sa destiny o red string of faith na pinaniniwalaan ng nakararami sa bansang Japan.

Pinaghalong comedy, drama at romantic ang soap na tiyak na aantig at tatatak sa lahat ng manonood. Nagsimula ang kuwento sa mag-asawang Vina Morales at Bernard Palanca na parehong struggling musicians.

Nagkaroon sila ng anak rito na ginagampanan ni Janella Salvador at kaibigan nila ang pamilya ni Ariel Rivera na kasama nila sa banda. Anak rito nina Ariel at Ayen Munji Laurel si Elmo Magalona na magiging sikat na singer.

Nabundol ng sasakyan si Bernard dahil trinaydor siya ni Ayen na tumatayong manager rin ni Ariel. Ayaw kasing pumayag ni Bernard na hindi si Vina ang kakanta ng kanyang sariling komposisyon na “Born For You,” lalo’t sorpresa niya ito sa asawa.

Pinalabas ni Ayen kay Ariel na siya ang nag-compose ng awiting pag-aari ni Bernard at ipina-record niya ito sa mister na naghihingalo na ang career at naging Quadraple Platinum ang Born For You, na nagpabalik sa magandang karera ni Ariel.

Samantala si Vina ay nagdesisyong bumalik ng Japan at ipagpatuloy ang pagkanta sa Club at na-meet niya roon ang isang Hapon na bonsai maker na sumeryoso sa kaniya at nagpakasal sila. Ang Hapon din ang nagkombinsi sa kaniya na dalhin na ang batang si Janella sa Japan para buo na uli sila.

Pero dahil alam ng Hapon na hindi sila ang itinadhana ni Vina at mahal pa rin ng babae si Bernard ay nagparaya siya at kusang umalis. Naging parehong masipag ang mag-ina at kung ano-anong raket ang pinasukan nila para mabuhay at makapag-aral si Janella.

Samantala nang magkaroon ng concert at music video shoot sa Tokyo, Japan si Elmo ay dito sila pinagtagpo ng tadhana ni Janella.

Ang cute at maiinlab kayo sa mga tagpong kuha sa dalawa sa Japan.

Abangan sila gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng Dolce Amore ngayong June 20 na.

PATRICIA TUMULAK,  ISA SA EXCITING NA  KARAKTER SA “CALLE SIETE” NA MAPAPANOOD NA NGAYONG ARAW SA GMA-7

Isa sa exciting at kaaaliwan ninyong karakter sa bagong morning teleserye ng APT Entertainment at GMA-7 na “Calle Siete” ang maganda at seksing napapanood ninyo daily sa Eat Bulaga na si Patricia Tumulak.

Gagampanan ni Patricia, ang character ng beauty queen na si Patring na nakatira sa Mabuhay Compound kasama ang mag-asawang Shiela at Mark Sebastian (Eula Valdez at Christian Bautista). Dito rin nakatira ang magkakapatid, ang bibang si Barbie Delloso at mga kuyang sina Jonas (Kenneth Medrano) at John (Lucky Mercado). Ka-join rin sa cast ng Calle Siete na papalit sa timeslot ng “Princess In The Palace” simula ngayong araw, Hunyo 13 bago mag Eat Bulaga sina Taki Saito, Gloria Sevilla, Mariann Flores, Hailey Lim at ang pa-machong bading sa EB Kalyeserye na si Rogelia at si Monti Parungao ang director ng nasabing family comedy-drama series.

Super riot ang mga eksenang

mapapanood at maging si Eula ay sobrang nag-e-enjoy sa kanyang bagong role na light ang dating.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *