Friday , November 15 2024

Masonry Layout

SALOT ANG KONTRAKTUWALISASYON!

SALOT ANG KONTRAKTUWALISASYON! Sabay-sabay na pinunit ng ‘ENDO’ workers ang kanilang contract of employment bilang pagkondena sa kontaktuwalisasyon na tinawag nilang salot sa kabuhayan sa ginanap na pagsasanib ng mga mangagawang kontraktuwal sa ilalim ng Solidarity of Workers Aginst Contractualitation (SWAC), sa Liwasang Bonifacio, Ermita, Maynila, kahapon. (BONG SON)

Read More »

Engineer, misis timbog sa drug ops sa Koronadal (P20-M kita kada buwan)

KORONADAL CITY – Kulong ang isang inhinyero at kanyang asawa makaraan maaresto nang pinagsanib na pwersa ng Koronadal City PNP at City Anti-Drug Abuse Council sa isinagawang drug-buy bust operation sa bahagi ng Corazon St, Brgy. Morales, sa Lungsod ng Koronadal. Kinilala ang mag-asawang sina Engr. Grace Bermejo Ledesma at Alson Fernandez Ledesma. Inihayag ni CADAC Action Officer Dr. Glorio Sandig, …

Read More »

Kelot nagbaril sa ulo

PATAY ang isang 22-anyos lalaki makaraan magbaril sa ulo sa kanilang bahay sa Pandacan, Maynila kahapon. Hindi na umabot nang buhay sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Jordado Tito, may live-in partner, walang trabaho, residente ng 1939 Masigasig Street, Pandacan, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Charles John Duran ng Manila Police District Homicide Section, dakong 4:10 a.m. nang …

Read More »

2 holdaper tiklo sa court hearing

NAARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa miyembro ng Cuya robbery group at isang kasamahan habang dumadalo sa pagdinig ng kaso sa City Hall of Justice ng lungsod kahapon. Ayon kay Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, kinilala ang mga naaresto na sina Rodolfo Lalata alyas Joel Manalo, 24, ng 13-A Sto. Cristo, Balintawak, …

Read More »

Bucor Chief gusto na rin mag-resign

KINOMPIRMA ni Pangulong Benigno Aquino III na gusto na rin mag-resign ni retired police general Franklin Bucayu  bilang Bureau of Corrections (BuCor) chief dahil sa dami nang natatanggap na death threats mula sa nabulabog na drug lords sa Bilibid. Si Bucayu ay pangatlong opisyal na kakalas sa administrasyong Aquino sa loob ng nakalipas na limang araw. Nauna sa kanya sina …

Read More »

Energy Sec. Petilla nagbitiw na — PNoy

LIMANG araw makaraan magbitiw si John “Sunny” Sevilla bilang Customs chief, inamin kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibitiw ni Energy Secretary Jericho Petilla. Sinabi ng Pangulo, tinanggap na niya ang pagkalas ni Petilla sa kanyang gabinete at naghahanap na siya ng kapalit ng opisyal sa puwesto. Katuwiran ng Pangulo, napilitan lang naman si Petilla na maluklok bilang Energy …

Read More »

Habambuhay hatol sa carjacker

HABAMBUHAY na pagkakulong ang sentensiyang ipinataw sa suspek sa kasong pagkarnap at pagpatay sa Quezon City noong 2011. Makaraan ang apat na taon, hinatulang guilty ng QC Regional Trial Court (RTC) Branch 87 si Rolando Talban sa pang-agaw sa sasakyan at pagpatay sa driver ni Maria Teresita Teano.  Hunyo 15, 2011 nang agawin ni Talban, miyembro ng Dominguez carnapping group, …

Read More »

Suman con shabu vendor laglag sa buy-bust

LAGLAG sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 7 ang isang 35-anyos suman vendor na naglalako rin ng shabu kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila. Nakapiit na sa nasabing himpilan ang suspek na si Analyn Tudla, ng Blk. 44, Lot 7, Sta. Maria, Bulacan. Ayon kay Supt. Joel Villanueva, hepe ng MPD-PS7, dakong 4 a.m. nang …

Read More »

Pacman umapela kay Widodo (Para kay Mary Jane)

BILANG tugon sa hiling ng pamilya Veloso, personal na umapela si Manny Pacquiao kay Indonesia President Joko Widodo na iligtas sa parusang kamatayan ang Filipina drug convict na si Mary Jane Veloso. “His Excellency, President Joko Widodo, I am Manny Pacquiao. On behalf of my countryman, Mary Jane Veloso and all of the the Filipino people, I am begging and …

Read More »

Walang pressure kay Sevilla — Palasyo (Para iabsuwelto sina Ochoa at Purisima)

HINDI kinausap ni Pangulong Benigno Aquino III o sino mang opisyal ng Palasyo, si resigned Customs Commissioner John “Sunny” Sevilla para kumambiyo sa naunang pagsiwalat niya na kaya nagbitiw ay bunsod nang pakikialam nang malalapit na tauhan ng Punong Ehekutibo sa pamamahala sa Bureau of Customs (BOC). Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda nang tanungin ng media kahapon …

Read More »

Liga sa Bilibid nanumpa sa tungkulin (Reporma sa BuCor inilatag )  

HINDI maipangako ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BUCOR) na hindi na mauulit ang katulad na insidente sa Sablayan Prison and Penal Farm kahit sibak na sa tungkulin ang superintendent nito dahil kailangan talaga ang tunay na reporma sa Bureau. Bunsod nito, sinimulan ng liderato ng BuCor at New Bilibid Prisons (NBP) ang paglalatag ng tunay na mga reporma sa Bureau …

Read More »

Wagi sa cara y cruz nirapido sa lamay

PATAY ang isang 55-anyos vendor makaraan pagbabarilin ng magkakapatid nang matalo sa sugal na cara y cruz sa isang lamay sa Tondo, Maynila kamakalawa. Binawian ng buhay habang isinusugod sa Metropolitan Hospital ang biktimang si Tirso Lorot, ng C.M. Recto Avenue, Binondo, Maynila. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang magkakaanak na suspek na sina Nestor Cerilo Sr., Nestor Cerilo Jr., …

Read More »

Bombero nagbaril sa sarili (Pagkatapos mamaril nang walang habas)

PATAY ang isang tauhan ng Bureau of Fire Protection (NBP) nang magbaril sa ulo  makaraan walang habas na magpaputok ng baril sa Valenzuela City kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot nang buhay sa Global Pacific Hospital ang biktimang si Gerome Buenaventura, 29, residente ng 1289 Que Grande, Brgy. Ugong sanhi, sanhi ng tama ng bala ng .9mm caliber pistol sa …

Read More »

P11-M shabu kompiskado sa CDO couple

CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ang mag-asawang Maranao natives na hinihinalang tulak ng shabu sa inilunsad na operasyon sa Zone 1, Brgy. Kauswagan, sa Lungsod ng Cagayan de Oro kahapon ng mada-ling-araw. Inihayag ni City Councilor Roger Abaday, kabilang sa nakasaksi, nakuha ng PDEA operatives ang tinatayang isang kilo ng shabu sa pag-ii-ngat ng mag-asawang Hadji Amin Ansare at …

Read More »

Mag-asawa pinagbabaril sa harap ng 3 anak

ILOILO CITY – Patay ang mag-asawa makaraan pagbabarilin sa Brgy. Acuit, Barotac Nuevo, Ilo-ilo kamakalawa. Ang krimen ay nasaksihan ng tatlong menor de edad na anak ng mag-asawang Mel at Rex Develos, at ng kanilang pamangkin. Pauwi ang mga biktima sa kanilang tinutuluyang bahay nang pagbabarilin ng tatlong mga suspek.  Tumakbo ang tatlong anak ng mag-asawa kasama ang kanilang pamangkin, …

Read More »

2 bata patay sa sunog (Dahil sa kandila)

PATAY ang dalawang bata makaraan makulong at masunog sa kanilang bahay sa Saint Andrew Subd., Parola, Brgy. San Andres sa Cainta, Rizal kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga biktimang sina Renaldo Tuazon Jr., 9, at Ricardo Tuazon Jr., 5-anyos. Ayon sa Bureau of Fire Protection at kamag-anak ng mga biktima, kandila ang naging sanhi ng sunog na nagsimula dakong 1 a.m. …

Read More »

3 Mayors bakbakan sa 2016 (Speaker Belmonte, llamado…)

TATLONG alkalde ang posibleng magbakbakan sa darating na eleksiyon sa 2016 para sa susunod na Pangulo ng bansa. Nag-init na ang eleksiyon ngunit hindi pa rin nakapagpapasya si Pangulong Noynoy Aquino kung sino ang kanyang ‘mamanukin’ upang ipagpatuloy ang kanyang ‘Daang Matuwid.’ Sa mga naghahangad maging pangulo, tatlong alkalde ang lumitaw na posibleng maglaban sa katauhan nina dating Makati City …

Read More »

PNoy sisikaping sagipin si Veloso sa firing squad  

SISIKAPIN pa rin ni Pangulong Benigno Aquino III na maisalba sa tiyak na kamatayan si Filipina drug convict Mary Jane Veloso kahit itinakda na bukas ang pagbitay sa kanya sa Indonesia. Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang departure speech sa NAIA Terminal 2 bago tumulak patungong Kuala Lumpur, Malaysia para dumalo sa 26th ASEAN Summit. “Sa pagdalo po natin …

Read More »

Bitay vs 10 drug convicts itigil – UN

UMAPELA si United Nations chief Ban Ki-moon sa Indonesia na huwag ituloy ang pagbitay sa 10 death-row drug convicts nito, kabilang ang isang Filipina. Pahayag ng tagapagsalita ni Ban: “The Secretary General appeals to the government of Indonesia to refrain from carrying out the execution, as announced, of 10 prisoners on death row for alleged drug-related crimes.” Nitong Sabado, inabisohan …

Read More »

2 Pinoy mountaineer ligtas sa lindol sa Nepal  

LIGTAS ang dalawang mountaineer na Filipino na inabutan ng Magnitude 7.8 lindol na tumama sa Nepal habang nasa base camp ng Mount Everest. Ito ang kinompirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) batay sa ulat na kanilang natanggap mula sa Embahada ng Filipinas sa New Delhi, India. Magpapadala pa rin ang DFA ng team sa Nepal para ayudahan ang mountaineers …

Read More »

Rehab efforts sa Yolanda hit areas, ‘wag nang politikahin – Tacloban official    

TACLOBAN CITY- Umaasa si Tacloban City Vice Mayor Jerry Yaokasin na hindi mapupulitika ang pagpapatuloy sa rehabilitation effort sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda. Ayon kay Yaokasin, ngayong nailipat na sa pamamahala ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pondo para sa rahibilitasyon ay mahalaga na isaalang-alang ng gobyerno ang pagpapabilis sa pagpapatupad ng mga proyekto na inilaan …

Read More »

Bahay ni GMA gawing sub-jail under BJMP (Panukala sa Kamara)

BAGAMA’T wala pang desisyon ang Sandiganbayan kaugnay sa apela ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa house arrest, isinulong ng isang mambabatas na gawing sub-jail ang bahay ng dating punong ehekutibo sa La Vista upang doon na lamang siya ikulong. Inihain ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, dating alyado ng incumbent Pampanga solon, at kapatid na si Abante Mindanap …

Read More »

6,000 ektarya sa Bicol kapos sa patubig

NAGA CITY-Aabot na sa 6,000 ektarya ng lupain na sakop ng National Irrigation Administration (NIA) sa rehiyon Bicol ang apektado ng kulang na suplay ng tubig bunsod ng nararanasang weak El Niño. Ayon kay Ed Yu, tagapagsalita ng NIA-Bicol, 3,000 ektarya rito ay sa lalawigan ng Camarines Sur, 2,000 sa lalawigan ng Camarines Norte, 500 sa Albay at Masbate, habang …

Read More »

Special session gawin kung kailangan sa BBL  

NAKAPAG-USAP na sina House Ad Hoc Committee on the Bangsamoro Basic Law Chairman Rufus Rodriguez at Senate Presidente Franklin Drilon kaugnay ng posibilidad na magkaroon ng special session ang dalawang kapulungan ng Kongreso kung kailangan para maipasa ang BBL. Ayon kay Rodriguez, bukas si Drilon sa special session sakaling hindi maipasa ang BBL bago ang Hunyo 11 o bago ang …

Read More »

Oral arguments itinakda ng tribunal sa Hulyo (Sa isyu ng West PH Sea)

ITINAKDA na ng arbitral tribunal sa Hulyo ang oral arguments kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo ng Filipinas at China sa West Philippine Sea. Ipinaliwanag ni Atty. Jay Batongbacal, Director ng University of the Philippines (UP) Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, inatasan ang dalawang panig na maghain ng mga karagdagang argumento sa nasabing pagdinig. Nilinaw ng abogado na …

Read More »