shabu drugs dead

Bebot utas sa onsehan sa droga

PATAY ang babaeng hinihinalang tulak ng droga nang pagbabarilin ng kapwa niya drug pusher makaraan magka-onsehan sa shabu sa Paranaque City kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang hindi pa nakikilala ay tinatayang edad 25-anyos.

Nagsasagawa na ng follow-up ang pulisya para sa agarang pag-aresto  sa suspek na kinilala sa pangalang alyas Bilo, sinasabing isang notoryus na drug pusher.

Napag-alaman, naganap ang insidente sa ovespass ng Ninoy Aquino Avenue, Brgy. La Huerta ng naturang lungsod dakong 6:30 pm.

( JAJA GARCIA )