Thursday , July 7 2022
jeepney

Coed nag-selfie sa jeepney nadale

ZAMBOANGA CITY – Sugatan ang isang 18-anyos dalagita nang mahulog mula sa sinasakyang pampasaherong jeepney habang nasa kalagitnaan ng kanyang pagse-selfie sa highway ng Brgy. Upper Calarian sa Zamboanga City kamakalawa.

Kinilala ni Senior Inspector Hingming Ladjaali, hepe ng Zamboanga City police station 8, ang biktimang si Dorothy Tubal, nag-aaral sa isang kilalang pribadong unibersidad sa lungsod.

Ayon sa opisyal, habang masayang kumukuha ng ‘selfie’ ang biktima kasama ang kanyang kaklase, nabitawan niya ang kanyang cellphone.

Aniya, posibleng nawalan ng balanse ang katawan ng biktima nang subukan niyang abutin ang nahulog niyang cellphone kaya tuluyan siyang nahulog sa jeep papunta sa kalsada.

Agad itinakbo ng driver ng jeep sa ospital ang biktima.

Inihayag ng opisyal, walang planong magsampa pa ng kaso ang biktima at magulang sa driver ng sinakyan niyang PUJ.

About hataw tabloid

Check Also

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

dead gun

Convenience store nilooban
KAWATAN BULAGTA SA ENKUWENTRO, KASABWAT NAKAPUSLIT

NAPATAY ng mg aawtoridad matapos manlaban ang isang armadong lalaking pinaniniwalaang nanloob sa isang convenience …

marijuana

Nagkakalat ng marijuana sa Bulacan
TULAK AT RUNNER NA MENOR DE EDAD, TIKLO SA DRUG STING 

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang personalidad na pinaniniwalaang tulak ng marijuana kabilang ang isang …

dead gun police

Sa Jaen, Nueva Ecija
CARETAKER NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM 

PATAY ang isang caretaker nang barilin ng dalawang armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa bayan …

Leave a Reply