Thursday , June 13 2024
road traffic accident

1 patay, 9 sugatan sa bus at truck sa Quezon Province

NAGA CITY – Patay ang isang babae sa banggaan ng trailer truck at pampasaherong bus sa Brgy. Santa Catalina, Atimonan, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Marry Shaine Oas, 22-anyos, residente ng Minalabac, Camarines Sur.

Ayon sa ulat, habang binabaybay ng truck na minamaneho ni Ruperto Santos II, 31-anyos, ang pababang kalsada sa nasabing lugar nang mawalan ito ng preno.

Bunsod nito, nahagip ng truck ang kasalubong na Isarog Line Bus na minamaneho ni Noel Cabrito, 50-anyos.

Dahil sa lakas ng impact ng salpukan, sugatan ang dalawang driver gayondin ang mga sakay ng bus na sina Ramon Albuis, 61; Victor Sayno, 58; Shiela Plata, 38; Glecyden Nolasco, 30; Porfereio Abunite Jr., 26; Ramon Albius, 22, at ang pahinante ng truck na si Albert Almonte, 19.

Samantala, patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang isa pang pahinante ng truck na si Arvin Borigas, sinasabing nawala makaraan tumalon mula sa truck.

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na naipit si Borigas sa nasabing sasakyan.

About hataw tabloid

Check Also

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

The Department of Science and Technology Regional Office X recently made strides in its mission …

SANKEI 555 Ball Joint

Produktong Japan ginaya
NBI NAGHAIN NG SUBPOENA SA EXPO BOTH NG SANKEI 555

SA IMPORMASYONG imitasyon at hindi orihinal ang produktong naka-display, inihain ng National Bureau of Investigation …

Federation of Free Farmer FFF

Rice Tariffication Law (RTF) naging pahirap 
MAGSASAKANG PINOY UNANG TATAMAAN NG MABABANG TARIPA

AMINADO si Leonardo “Ka Leony” Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers (FFF) na malaki …

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *