Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Mison gigisahin sa Kamara (Sa panunuhol ng crime lord pabor sa BBL)

NAGTUTURUAN ang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) kasunod ng pagsusulong ng mga mambabatas sa Kamara na imbestigahan ang ulat na nakipagkasundo sila sa isang Chinese crime lord para suhulan ang mga kongresista sa mabilisang pag-apruba sa Bangsamoro Basic Law (BBL) Sinabi ni Oriental Mindoro Gov. Alfonso Umali, treasurer ng ruling Liberal Party at close associate ni Pangulong Benigno …

Read More »

One Negros kasado kay Mar

HABANG umaarangkada ang mga konsultasyon para sa panukalang pag-iisa ng Negros Oriental at Negros Occidental ay mistulang nagkaisa na ang dalawang Negros para kay DILG Secretary Mar Roxas. Matatandaang suportado ni Roxas ang One Negros Region para “walang maiiwan at walang mahuhuli, lahat dapat sabay-sabay na umangat dahil ang gusto lang naman natin ay umangat ang probinsya at hindi magpahuli …

Read More »

Amay VP ni Binay

MAKATUTULOG na nang mahimbing si Vice President Jejomar Binay dahil lutas na ang problema kung sino ang magiging katambal niya sa 2016 presidential elections. Inihayag ng actor na si Amay Bisaya sa radio program na “Katapat” kamakalawa ng gabi na nakahanda siyang maging vice presidential bet ni Binay sa halalan sa susunod na taon. Katuwiran ni Amay, dapat mabigyan ng …

Read More »

‘Toll fee’ ng mga dalaw  sa MPD HQ inireklamo

PINAIIMBESTIGAHAN ni Manila Police District Director Chief Supt. Rolando Nana ang inirereklamong “toll fee” sa gate ng MPD na sinisingil sa mga dumadalaw sa preso na nakakulong sa Integrated Jail. Ito ay makaraan mabatid na nagbabayad ng P50-100 ang mga bumibisita sa mga preso para lamang makita ang kanilang mga kaanak na nakakulong sa Integrated Jail. Nabatid na ang mga nagbabantay …

Read More »

Parak, 1 pa patay sa cara y cruz (Isa pang pulis sugatan)

PATAY ang isang pulis gayondin ang isang lalaki na inaresto sa paglalaro ng cara y cruz, habang sugatan ang isa pang pulis nang pumalag sa aresto ang mga suspek kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City. Binawian ng buhay habang ginagamot sa Las Piñas Doctors Hospital ang biktimang si PO2  Marlon Castillo, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP-4) ng Las …

Read More »

Pari utas sa expired vitamins?

HINIHINALANG nalason sa ininom na expired vitamins ang isang pari makaraan matagpuang walang buhay sa loob ng kanyang kwarto kahapon ng umaga sa Caloocan City. Kinilala ang biktimang si Father Lauro Mozo, 55, parish priest ng Saint Francis Church sa Sta. Quiteria St., Brgy. 162, Baesa ng nasabing lungsod, natagpuang walang buhay dakong 7 a.m. Batay sa ulat ni PO2 …

Read More »

5-anyos paslit nalitson sa sunog (Iniwang tulog ni lola)

LEGAZPI CITY – Wala nang buhay at hindi na halos makilala ang bangkay ng 5-anyos paslit nang matagpuan ng kanyang lola sa nasunog nilang bahay kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si JayJay Arcilla ng Brgy. Bonga, Ligao City. Ayon kay Nanay Nerita, dakong 6 a.m. nang iwan niya ang apo habang natutulog upang bumili ng tinapay. Ilang minuto lamang …

Read More »

2 tulak tiklo sa 2 kilo ng shabu

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang hinihinalang drug pusher sa buy-bust operation at nakompiskahan ng dalawang kilo sa shabu sa Malolos City, Bulacan. Kinilala ni PDEA Director General Arturo Cacdac Jr., ang mga suspek na sina Herwin Francis Tee, 31, at McArben Reyes, 30, tricycle operator, ng Lorenzo Compound, Brgy. Sumapang Matanda, sa naturang …

Read More »

Lambat-sibat ni Roxas, patok

  ILANG buwan pagkatapos ipag-utos ni DILG Secretary Mar Roxas ang ‘Oplan Lambat Sibat’ laban sa mga wanted criminals, nakikita na ang magandang resulta nito sa mga lugar na sinasakupan ng PNP-Calabarzon. Ayon kay PRO IV-A Chief Supt. Richard Albano, pagkatapos nang mahigit isang buwang implementasyon ng Lambat-Sibat ay nakaaresto ng 1,147 drug pushers ang pulisya at 52 kataong napapabilang sa Most …

Read More »

10 senador pabor sa plunder vs Binay

UMABOT na sa 10 ang bilang ng mga senador ang lumagda sa Senate Blue Ribbon Sub-committee report na nagrerekomendang sampahan ng kasong pandarambong o plunder si Vice Pre-sident Jejomar Binay bunsod ng pagkakasangkot sa maanomalyang pagpapatayo ng Makati City Hall Building II. Ang mga lumagda ay pinangunahan ng chairman ng sub-committee na si Sen. Koko Pimentel, at sina Senators Grace …

Read More »

K-12, mataas na bayarin binatikos ng CEGP (Class opening sinalubong ng protesta)

SINALUBONG ng mga pagkilos laban sa K to 12 at labis na bayarin sa paaralan ang pagbubukas ng klase sa bansa kahapon partkular na binatikos ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang mga patakaran ng administrasyong Aquino na nagpapalubha sa krisis sa edukasyon. “Milyon-milyong mag-aaral at magulang ang pasasakitan ng gobyerno ni Noynoy Aquino ngayong pasukan. Dagdag-pahirap sa …

Read More »

5.5-M voters ID ‘di pa nakukuha ng botante

HINIMOK ng Commission on Elections (Comelec) ang mahigit limang milyong botante na kunin na ang kanilang voters’ identification (ID) cards sa mga opisina ng Comelec. Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, nasa 5,506,524 pa ang kabuuang bilang ng voters ID na hindi kini-claim ng mga botante mula noong Marso. Maaari raw itong kunin sa mga city at municapal offices ng …

Read More »

Kaso vs responsable sa Kentex fire ipinatitiyak ni PNoy

POSIBLENG mabulok sa bilangguan si Valenzuela City Mayor Rexlon Gatchalian at iba pang opisyal ng lungsod, at may-ari ng pabrika kapag napatunayang guilty sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide bunsod ng Kentex fire na ikinamatay ng 72 obrero. Inihayag kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III, maaaring sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at falsification of …

Read More »

Nature Exposure Program pinangunahan ni Villar sa LPPCHEA

PINANGUNAHAN ni Sen. Cynthia Villar ang nature exposure program sa Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Eco-Tourism Area (LPPCHEA), ang nag-iisang wetland sa Metro Manila na kinilala dahil sa international importance nito. “By providing this opportunity to spend time with nature, we want the public to have a deeper understanding of the importance of areas like LPPCHEA, as home of numerous …

Read More »

Tanong ng BABALA: Ano ang nangyari  sa Anti-CSI drive?

ANO ang nangyari sa kampanya laban sa coconut scale insect (CSI) infestation na nagdulot ng perhuwisyo sa mga magsasaka na ang kabuhayan ay nakadepende sa industriya? Ito ang nais mabatid ng BABALA (Bayan Bago Ang Lahat). Ang BABALA ay public service entity na may layuning ibahagi sa mamamayan ang mga isyung posibleng makaapekto sa interes ng publiko. Ayon sa BABALA, …

Read More »

Biktima hinuhubaran ng holdaper sa Ilocos Sur

VIGAN CITY – Nagdulot ng takot sa mga motorista ang pinaniniwalaang bagong modus operandi o estilo ng mga holdaper sa Ilocos Sur. Modus sa panghoholdap na harangin, tutukan ng baril, nakawan at hubaran ang kanilang biktima. Naging nabiktima si Mark Adame, 39, ng Brgy. Beddeng Laud, Vigan City, empleyado ng isang restaurant sa siyudad. Batay sa imbestigasyon ng PNP-Viga, pauwi …

Read More »

Bangkay sa maleta iniwan sa locker ng Tokyo train station

MAKARAAN ang isang buwan, natagpuan ang bangkay ng isang babae sa loob ng maleta na iniwan sa locker ng world’s busiest train stations, ayon sa Japanese police kahapon. Ang maleta ay iniwan sa locker ng Tokyo Station nitong Abril, ngunit inalis sa left-luggage storage room nang walang komolekta nito, ayon sa ulat ng media. Ngunit makaraan ang isang buwan na …

Read More »

4 sugatan sa karambola ng 11 sasakyan sa NLEX

APAT ang sugatan sa karambola ng 11 sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) northbound bahagi ng San Fernando, Pampanga nitong Lunes ng umaga.  Ayon kay Robyn Ignacio, head ng traffic management and safety department ng NLEX, may nauna nang aksidente sa naturang bahagi ng NLEX na naging dahilan para bahagyang magsikip ang trapiko.  Gayonman, pasado 10 a.m. aniya nang sumalpok …

Read More »

Chinese trader, softdrinks dealer itinumba

PATAY ang Chinese trader at softdrinks dealer makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki sa magkahiwalay na lugar sa Maynila at Caloocan City kamakalawa. Hindi na umabot nang buhay sa Justice Jose Abad Santos Hospital ang negosyanteng Chinese na si Weng Wen Yong, alyas Leo/Ayong, 25, ng 14-D Aquino Street, 2nd Avenue, Caloocan City, makaraan barilin ng dalawang lalaki sa …

Read More »

Mison muling kinasuhan sa Ombudsman

SINAMPAHAN ng kasong kriminal si Immigration commissioner Siegfred Mison, limang kawani at ang warden ng BI Detention Facility sa Bicutan dahil sa paglabag sa Republic Act 6713, o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officers and Employees. Ayon kay Ricardo Cabochan, kasalukuyang intelligence officer ng BI, isinampa niya sa Tanggapan ng Ombudsman ang impormasyon laban kina Mison, …

Read More »

Roxas: Jolo bombers litisin parusahan

MAHIGIT 17 katao ang nasugatan, kasama rito ang mga first responder at ibang sibilyan nang may sumabog na improvised explosive device (IED) at granada sa tabi ng isang mosque sa loob ng Sulu provincial police compound sa Jolo, Sulu kamakalawa ng gabi. Ayon kay Col. Allan Arrojado, commander ng Joint Task Group-Sulu, ang unang pagsa-bog ay mula sa isang inihagis …

Read More »

Pumugot sa 9-anyos totoy, arestado

  ARESTADO na ng mga awtoridad ang lalaking pumugot sa 9-anyos batang lalaki sa bayan ng Hagonoy, sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado. Kinilala ang suspek na si Ernesto Santos, nagtangka pang tumakas ngunit nadakip malapit sa Manila Bay. Ayon sa isang testigo, nakita niya ang suspek nang itapon ang bangkay ng biktimang si Arnel Escobar, Grade 2 pupil, residente …

Read More »

Police asset itinumba sa Tondo

  PATAY ang isang 51-anyos hinihinalang ‘asset’ ng mga pulis makaraan pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay ng hindi nakilalang mga suspek kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila. Namatay noon din ang biktimang si Roberto Adarne, ng 1016 New Antipolo Street,Tondo, Maynila Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 5:20 a.m. biglang pinasok ng …

Read More »

US warship ide-deploy sa WPS

  KINOMPIRMA ng Department of National Defense (DND) na ipadadala ng Estados Unidos sa West Philippine Sea (WPS) ang kanilang pinakamalaking barkong pandigma, ang USS Ronald Reagan. Layon ng nasabing presensiya ng pinakamalaking U.S. warship para maiwasan ang ginagawang pambu-bully ng China lalong-lalo na sa Filipinas. Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, isang positibong hakbangin ang planong deployment ng U.S. …

Read More »

Pinoy ligtas sa magkasunod na lindol sa Japan (Ayon sa Embahada)

  INIHAYAG ng Embahada ng Filipinas sa Japan na walang Filipino na nasaktan o namatay sa magkasunod na lindol na tumama roon. Ayon sa United States Geological Survey (USGS), pasado 8:30 p.m. nitong Sabado nang maitala ang magnitude 7.8 lindol sa layong 870 kilometro sa timog ng Tokyo. Sinundan ito ng magnitude 6.4 lindol sa Izu Islands nitong Linggo ng …

Read More »