Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Paglilipatan ng ‘Bilibid 19’ inaayos na ng NBI

MINAMADALI nang ayusin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang selda na paglilipatan sa tinaguriang “Bilibid 19” makaraan nabuking ng mga pulis na may ipapasok na naman sanang dalawang cellphone at isang pocket wifi sa kanilang selda. Ayon kay Atty. Virgilio Mendez, Director ng National Bureau of Investigation (NBI), narekober sa bisita ng inmates ang dalawang cellphone at pocket wifi …

Read More »

3-anyos paslit ginilitan sa leeg ng ama

DAGUPAN CITY – Hindi makapaniwala ang pamilya na gigilitan sa leeg ang 3-anyos paslit ng kanyang sariling ama sa Cabanatuan, Nueva Ecija kamakalawa. Nais nilang mabulok sa kulungan ang suspek makaraan ang tangkang pagpatay sa bata. Napag-alaman, nasa ibang bansa ang ina ng paslit habang nasa poder ng kanyang mga magulang ang mga anak. Una rito, binisita lamang ng suspek …

Read More »

Libreng Wi-Fi lusot na sa Kamara

APRUB na sa Kamara ang panukalang magkaroon ng libreng public Wi-Fi sa bansa. Nabatid na 211 mambabatas ang kumatig sa panukala sa botohan nitong Martes. Halaw ang House Bill No. 5791 o “an Act providing free public wireless internet access” sa ipinanukala ni Kabataan party-list Rep. Terry Ridon na House Bill1550. Sa bisa ng batas, maglalagay ng libreng Wi-Fi sa …

Read More »

Independence Day, araw ng protesta kontra China — Alunan

SINUPORTAHAN ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Rafael Alunan III ang protesta sa Araw ng Kalayaan sa Biyernes (Hunyo 12) ng West Philippine Sea Coalition na may temang  “China Stop Bullying! Be A Responsible Asian Leader” sa harapan ng Chinese Consulate sa Buendia Avenue, Makati City. Ayon kay Alunan, napapanahon nang ipakita ng sambayanan  ang pagkakaisa …

Read More »

Mag-uutol tiklo sa rape vs 15-anyos dalagita

TAYABAS City – Makaraan ang limang taon, nadakip ang tatlong magsasakang magkakapatid na gumahasa sa isang 15-anyos dalagita sa Brgy. Poblacion, Tayabas City. Ang biktima ay itinago sa pangalang Abigail, residente ng naturang lungsod. Habang detinedo sa lock-up Jail ng Tayabas PNP ang magkakapatid na sina Limson Perlas Mayores, Eugene Perlas Mayores, at Rizaldy Perlas Mayores, pawang ng nasabi ring …

Read More »

Pagmimina sa Bulacan posibleng magpagalaw sa West Valley Fault

NANGANGAMBA ang isang enviromental group na maging sanhi ng paggalaw ng West Valley Fault ang pagmimina sa Bulacan. Sinabi ni Bro. Martin Francisco ng Sagip Sierra Madre Environmental Society Inc. (SSMESI), may pabrika ng semento na malalim na lupa na ang minimina para makakuha ng limestones. Naipaabot na aniya ito ng grupo sa pamahalaan ngunit sinagot sila na hindi ito …

Read More »

9 babaeng Cebu dancing inmates sinaniban ng bad spirits?

CEBU CITY – Iba’t ibang mga opinyon mula sa simbahan at sa mga doktor ang nangyari sa siyam na babaeng inmates na sinasabing sinaniban ng masasamang espirito. Ayon kay Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center-Jailgurad Vernon Cañete, siyam na inmates ang naging wild at nag-iba ang boses. Ayon kay Cañete, ang mga sinaniban ay nahaharap sa kasong ilegal na droga. Una …

Read More »

Mison ginisa  sa Kamara

GAYA ng kasabihan na ang isda ay nahuhuli sa sariling bibig, mistulang ito ang nangyari kay Bureau of Immigration Commissioner Siegfried Mison sa isinagawang congressional inquiry kahapon sa Kamara. Palusot ni Mison kasama ang dalawang associate niya na sina Abdullah Mangotara at Gilberto Repizo sa Committee on Good Governance and Public Accountability, hindi ‘authenticated’ ang mga dokumentong ibinigay sa kanila …

Read More »

Sambayanang Pilipino hinimok ni Alunan na kontrahin ang BBL

HINIKAYAT ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) secretary RafaeI M. Alunan III ang milyon-milyong Pilipino na makiisa sa pagkontra sa pagsasabatas ng kontrobersiyal na BangsaMoro Basic Law (BBL) dahil sa tahasang pagtataksil sa pagtitiwala ng publiko at pambabastos sa ating Saligang Batas. Iginiit ni Alunan na bukod sa pagsira sa pagtitiwala ng sambayanan at pagsasawalang galang sa …

Read More »

CoA chief, Comelec commissioner lusot sa CA

LUSOT na sa committee level ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Commission on Audit Chairman Michael Aguinaldo bilang kapalit ng nagretirong si CoA chair Grace Pulido-Tan. Walang oposisyon sa kompirmasyon ni Aguinaldo. Ngunit bago irekomenda ang kompirmasyon, pinaalalahanan muna ni Rep. Rudy Fariñas si Aguinaldo na huwag hayaang magamit siya o ang CoA bilang oppression tool. Kompiyansa si Fariñas …

Read More »

3 pulis ng MPD-PS4 sinibak sa puwesto (Preso namatay sa bugbog)

SINIBAK sa puwesto ang tatlong tauhan ng Manila Police District- Station 4 habang iniimbestigahan ang pagkamatay ng isang preso sa nasabing estas-yon makaraan pagtulungang bugbugin ng mga kapwa preso. Ayon kay Supt. Mannan Muarip, hepe ng MPD-PS4, base  sa kanilang daily personnal accounting report, lima sa naka-duty na pulis ay tatlo lamang ang pumasok sa kanilang shift nang mangyari ang pagbugbog sa biktimang …

Read More »

Prison guard ng PDEA-Bicol arestado sa droga

LEGAZPI CITY – Hinihintay na lamang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol ang resulta ng imbestigasyon ng PNP makaraan maaresto ang isa sa kanilang prison guard na nahulihan ng baril at droga sa Albay. Ayon kay PDEA Deputy Regional Dir. Rayford Yap, nakakulong na ang kanilang kasama na si George Barizo kasama ang tatlong iba pa nang maaktohan sa bahay …

Read More »

Mister nag-suicide sa harap ni misis

NAGA CITY – Patay ang isang lalaki makaraan magbaril sa sarili sa harap ng kanyang misis sa Brgy. Sta. Justina, Buhi, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Yunel Añes, 31-anyos. Nabatid na pinuntahan ng biktima ang kanyang asawang si Sarah Jane Añes, 28, sa bahay ng magulang at kinompronta tungkol sa kanilang problema. Makaraan ang sandaling pag-uusap ng mag-asawa, …

Read More »

SSS pension hike aprub sa Palasyo

BUKAS ang Malacañang sa panukalang dagdagan ng P2,000 ang tinatanggap na pensyon ng Social Security System (SSS) members sa bansa. Ginawa ni Communications Sec. Sonny Coloma ang pahayag makaraan lumusot sa Kamara ang panukalang batas na isinulong ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares. Sinabi ni Coloma, isa sa mga mahalagang layunin na itinataguyod ng pamahalaan ay pangalagaan ang kapakanan ng …

Read More »

Anti-Bullying Act  dapat din ipatupad vs teachers — Solon

  HINDI lamang mga kapwa estudyante na bully ang dapat sakupin ng batas kontra bullying kundi maging mga guro na namamahiya o nananakit ng kanyang mga mag-aaral, pahayag kahapon ni Senador Sonny Angara.  Dahil dito, isang panukalang batas ang isinusulong ng senador sa Mataas na Kapulungan na aamyenda sa RA 10627 o Anti-Bullying Act of 2013. “Nagsisilbing pangalawang magulang ng …

Read More »

Inspeksyon sa mga negosyo sa Caloocan pinaigting

TATLUMPONG (30) composite inspectors ang binuo ng pamunuan ng lungsod ng Caloocan sa pakikipagtulungan sa mga national agencies upang mapabilis ang pagsasagawa ng inspeksyon ng mga negosyo/establisyemento sa nasabing lungsod. Nagsimula na kahapon June 9, 2015 ang masusing inspeksyon sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine National Police (PNP) at Caloocan City’s …

Read More »

AFAD sa gun owners: Mag-apply ng LTOPF

MULING umapela ang mga opisyal ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) sa mga may-ari ng mga lisensiyadong baril na iseguro ang kanilang License to Own and Possess Firearms (LTOPF).  Inisyu ni Joy Gutierrez-Jose, ang pangulo ng AFAD, sa apela na ang firearms dealers sa bansa ay naki-kipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) upang patuloy …

Read More »

Graft vs DepEd Mindanao off’l

INIREKOMENDA ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang kasong graft laban kay Mindanao Department of Education regional director Walter Albos dahil sa maanomalyang pagbili ng computers noong 2008. Lumabas sa record ng Commission on Audit (COA), walang public bidding na isinagawa sa pagbili ng information technology equipment at software na nagkakahalaga ng P2,998,100. Gayonman inalis na ng COA ang suspensiyon kay Albos …

Read More »

Kelot naglaslas bago tumalon sa Pasig River

NAGLASLAS muna sa kaliwang pulso bago tumalon sa Pasig river ang isang hindi nakikilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Del Pan bridge, Binondo, Maynila. Inilarawan ni PO3 William Toledo ng Manila Police District-Homicide section, ang biktima nasa edad 25-30, may taas 5’0 hangang 5’2, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng pu-ting sando at maong pants. Ayon sa ulat, huling nakita ang biktimang nakatayo …

Read More »

Ping pumalag sa paglaya ng kidnaper (Naudlot na hustisya para sa biktima)

MARIING pinalagan ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson ang panukalang pagpapalaya sa isang kidnaper na nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong sa kasong kidnap-for-ransom ng dalawang Ateneo de Manila students noong 1994. “I’m concerned that granting him executive clemency for that crime may send a wrong signal to the victims who, I was told, remain traumatized by the incident,” ani Lacson. …

Read More »

Mison et al iimbestigahan sa Wang Bo bribe scandal

IIMBESTIGAHAN ang lahat ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) kabilang ang pinuno nilang si Siegfred Mison kaugnay sa alegasyong payola upang maipatigil ang deportasyon sa puganteng Chinese sa kanyang bansa bunsod ng $100 milyong kaso ng embezzlement, pahayag ni Justice Secretary Leila de Lima. “All of the officials of BI whether part of the Board of Commissioners or …

Read More »

Hirit sa Ombudsman suhulan isyu sa BBL busisiin

HINILING ni Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares ang independent investigation ng Ombudsman sa sinasabing alegasyon na panunuhol sa mga kongresista kapalit ng botong pabor sa Bangsamoro Basic Law (BBL) o Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region (BLBAR) gamit ang salapi mula sa Chinese syndicate leader na si Wang Bo. Sinabi ni Colmenares, ang Office of the Ombudsman ang …

Read More »

Brgy. secretary nahulog sa trike nakaladkad ng van

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Patay ang isang barangay secretary makaraan mahulog sa sinasakyang tricycle at makaladkad ng pampasaherong van sa Brgy. Estefania sa bayan ng Amulung, Cagayan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Rowin Baribad, 34, sekretarya ng Brgy. Abolo sa bayang nabanggit, habang ang driver ng van ay kinilalang Richard Villon, 35, may asawa, at residente ng Ugac Norte, Tuguegarao …

Read More »

 ‘Joker’ inutas sa b-day party (Bisita ‘di natawa)

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ang isang lalaki ng kainoman nang mainis sa pagpa-patawa ng biktima sa dinaluhang birthday party sa Bulakan, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Augusto Remular, 57, residente ng Brgy. Panginay, Guiguinto, Bulacan, namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan sanhi nang matinding tama ng saksak sa katawan.  Habang agad naaresto ng pulisya ang suspek na …

Read More »

TODA prexy utas sa tandem killers

PATAY ang presidente ng asosasyon ng mga tricycle driver nang barilin ng riding in tandem makaraan tumanggi ang biktima na ibigay ang kanyang motorsiklo sa mga suspek kamakalawa ng gabi sa Makati City. Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Saint Claire Hospital ang biktimang si Rudy Garino, 53, nakatira sa Dayap St., Brgy. Palanan ng naturang lungsod. Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya …

Read More »