Friday , July 1 2022

Kelot nahulog mula 20/F ng QC condo, nabagok

PATAY ang isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraan mahulog mula sa ika-20 palapag ng Berkeley Residences building sa Katipunan, Quezon City nitong Martes.

Maputi at balbas sarado ang biktima at tinatayang nasa 25 hanggang 30 anyos ang edad.

Ayon sa mga nakasaksi, laking gulat na lamang nila nang marinig ang malakas na kalabog makaraan tuluyang mahulog ang biktima sa gilid mismo ng gusali katapat ng isang banko.

Naisugod pa ang biktima sa Quirino Memorial Medical Center ngunit dahil sa tindi ng pinsala sa ulo, agad siyang binawian ng buhay.

Ayon kay SPO2 Robert Cajiles ng QCPD Station 9, inaalam pa kung posibleng suicide o kung may foul play sa insidente

Wala pang ibinibigay na pahayag ukol dito ang Berkeley Residences.

About hataw tabloid

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply