Friday , November 15 2024

Masonry Layout

Unsconstitutional version ng BBL ‘di lulusot sa Senado

NANINIWALA si Senate Committee on Local Government chairman, Sen. Bongbong Marcos na hindi magpapasa ang Senado ng “isang bersyon na alam namin na unconstitutional.” Nabatid na bubusisiin nang line-by-line ng Senado ang Bangsamoro Basic Law (BBL). “Palagay ko kasi lahat ng ating kapwa senador, mga nakakausap ko tungkol dito, sinasabi naman nila ay gusto talaga nilang gawin na iisa-isahin, line …

Read More »

Sultanate ng Sulu ibang stakeholders etsapuwera sa BBL

SINERMONAN ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., chairman ng Senate Committee on Local Government, ang mga opisyal ng Office of the Presidential Affairs on Peace Process (OPAPP) dahil hindi isinama o naimpormahan ang mga sultanate ng lalawigan ng Sulu at iba pang stakeholders sa pagsulong ng Bangsamoro Basic Law (BBL).  Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado, hindi napigilan ni Marcos na sabonin …

Read More »

PNoy admin may ‘Secret Deal’  sa US hinggil sa WPS issue

INAMIN ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon na may “secret deal” ang kanyang administrasyon sa Estados Unidos hinggil sa isyu ng West Philippine Sea (WPS). Sinabi ng Pangulo, hindi pa niya puwedeng isapubliko ang mga detalye nang pakikipagtulungan ng Amerika sa Filipinas sa usapin bilang depensa kontra sa pangangamkam ng China sa pinag-aagawang mga teritoryo sa WPS. “Iyong, well, part …

Read More »

Kontraktuwalisasyon tutuldukan ng Tanduay Strike (Sumunod sa kasaysayan ng La Tondeña at Coke)

NGAYON ay nasa unang linggo, idineklara ng mga manggagawa sa distillery plant sa Cabuyao, Laguna ang kanilang strike bilang “historical one,” sinabing ito ay sumusunod sa nakaraang strikes ng contractual workers na dapat maging inspirasyon ng iba pa. Anila, ang strike ng contractual workers sa Tanduay Distillers, Inc. ay sumunod sa tradisyon ng strike sa La Tondeña noong 1975 at …

Read More »

Mabilis na hustisya para sa Kentex workers (Sigaw ni Villar )

TALIWAS  sa kaso ng Ozone Disco fire na inabot ng 20 taon bago naparusahan ang mga nagkasala, umaasa si Sen. Cynthia Villar ng agarang hustisya para  sa 72 manggagawa na namatay sa  Kentex factory fire sa Valenzuela City bilang senyales na seryoso ang pamahalaan sa pagpapatupad ng batas. “We thought we learned from the Ozone Disco incident 19 years ago …

Read More »

9 katao arestado droga, armas kompiskado sa raid sa Cavite

ARESTADO ang siyam katao sa pagsalakay ng mga awtoridad sa ilang kabahayan sa Brgy. Datu Ismael, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi, at nakompiska ang iba’t ibang uri ng armas at droga. Kabilang sa mga naaresto ang apat na babae. Ang isa ay kinilalang si Izza Adam Abundad, 24-anyos, nakompiskahan ng kalibre .45 baril na walang dokumento.  Ilang mga armas …

Read More »

2 counts parricide vs Japanese nat’l (Pumatay sa kanyang mag-ina)

KASONG  parricide ang isinampa kahapon sa piskalya laban sa isang Japanese national makaraan patayin sa sakal ang kanyang mag-ina sa Parañaque City nitong nakaraang linggo. Nabatid mula kay Sr. Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, dakong 12 p.m. kahapon nang sampahan nila ng 2 counts parricide sa Parañaque City Prosecutor’s Office ang suspek na si Yoshihiko Yura. Makaraan patayin sa sakal ang kanyang mag-ina na sina …

Read More »

Misis tinarakan ni mister (Kalaguyo ang pinili)

LAOAG CITY – Inihahanda na ng Philippine National Police sa Bacarra, Ilocos Norte ang kasong isasampa laban sa isang mister na sumaksak sa kanyang misis makaraan matuklasang may kalaguyo ang ginang. Kinilala ang biktimang si Sonia Hinayun, 50, habang ang suspek ay asawa niyang si Regalado Hinayun, 50, driver, kapwa residente ng Brgy. Cabulalaan sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ng …

Read More »

No plunder case vs Parañaque officials (Ombudsman case walang basehan)

WALANG kasong plunder na kinakaharap si Parañaque city Mayor Edwin Olivares at ang 13 opisyal na kinabibilangan ng buong miyembro ng Sangguniang Panlungsod, taliwas sa mga nalathala  sa ibang pahayagan (broadsheets) kamakailan. Pinaniniwalaang manipulado ng mga kalaban sa politika na pawang kritiko ng administrasyon ng alkalde ang layunin ng pagpapakalat  ng nasabing kaso. Kamakailan, napaulat na mayroon umanong  kasong plunder …

Read More »

P7.8-M ibabayad sa pamilya ng Kentex workers

POSIBLENG pagbayarin ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang Kentex Manufacturing Corporation ng aabot sa P7.8 milyon. Ito ang sinasabing laman nang nakatakdang ipalalabas na compliance order ng DoLE Regional Office 3. Inisyal na bayad pa lamang anila ito sa 99 empleyadong ipinasok ng CJC Manpower Services sa Kentex. Dahil hindi lehitimong contractor ang CJC, ayon sa DoLE, ang …

Read More »

Nat’l ID System tahimik na pinalusot sa Kamara

HINDI prayoridad ng administrasyong Aquino  ang pagsasabatas ng National ID System Law ngunit wala itong planong harangin ang pagpasa nito sa Kongreso. “Antabayanan natin ang proseso ng pagsasabatas dito. Sa ngayon ay batid lang natin ‘yung update hinggil sa pagpapasa nito sa Kamara, kailangan ang katuwang na Senate bill. Hindi ito kasama sa mga priority bill ng administration, kaya hihintayin …

Read More »

47-anyos kelot nanghaltak ng 27-anyos ginang  para pagparausan (Makaraan manood ng sex video)

ILOILO CITY— Hinalay ng 47-anyos lalaki ang 27-anyos ginang sa Barotac Viejo, Iloilo kamakalawa. Ayon kay Insp. Rene Delos Santos Del Castillo, imbestigador ng Barotac Viejo Municipal Police Station, umiinom habang nanonood ng malaswang video ang suspek na si alyas Toto sa bahay mismo ng ina ng biktima, at kainoman ang kapatid na lalaki ng ginang. Nang umuwi ang suspek, …

Read More »

Krimen sa ‘Gapo, ipinasusugpo sa DILG  

  Nanawagan ang mga residente ng Olongapo City kay Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na pakilusin ang pulisya upang mapigil ang lumalalang kriminalidad sa mga lansangan ng lungsod tulad ng patayan at panghoholdap. Nitong nakaraang Marso 25, nag-post sa kanyang Facebook account ang residenteng si Oliver Tolentino hinggil sa nakaaalarmang dalawang patayan sa loob ng  isang …

Read More »

Taxi driver todas sa 2 holdaper

BINAWIAN ng buhay ang isang taxi driver makaraan barilin ng dalawang holdaper kahapon ng madaling araw sa  Malabon City. Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng driver’s license na si Floredan Cuales, 40, driver ng LIZDEPEN transport service taxi (ALA-5728), at residente ng 08 Don Edilberto St., Don Enriquez Heights, Quezon City, may tama ng bala ng baril sa likod ng …

Read More »

P148-M Grand Lotto hindi pa rin tinamaan

WALA pa rin nanalo sa P148,736,940 jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Ferdinand Rojas II, wala pang nakakuha ng eksaktong kombinasyon ng anim numero nitong Sabado ng gabi. Lumabas sa weekend draw ng PCSO para sa Grand Lotto ang winning number combination na 40-05-55-35-52-20. Dahil dito, asahang papalo sa mahigit P150 …

Read More »

9-anyos nene dinukot taxi driver arestado

ARESTADO ang isang 37-anyos adik na taxi driver makaraan dukutin at iuwi sa kanyang bahay ang isang 9-anyos batang babae na iniwan ng kanyang lola sa hallway ng Philippine General Hospital (PGH) para magpunta sa tanggapan ng DSWD-PGH nitong Huwebes ng hapon sa Taft Avenue, Maynila. Masusing iniimbestigahan sa Manila Police District-Police Station 5 ang suspek na si Rex Escota, …

Read More »

Ilang gusali ng paaralan sa Muntinlupa ipasasara (Nakatirik sa fault line)

IPASASARA na ng pamunuan ng isang paaralan sa lungsod ng Muntinlupa ang ilan nilang gusali makaraan mabatid na nakatirik sa fault line kaya posibleng gumuho kapag may naganap na lindol. Ayon sa pamunuan ng Pedro Diaz National High School, ipasasara na nila ang ilan nilang gusali upang makaiwas sa sakuna lalo pa’t inuukupahan ito ng maraming estudyante. Ang nasabing paaralan …

Read More »

Pinay hinatulan ng bitay sa UAE (Amo pinatay)

NANAWAGAN ng tulong ang pamilya ng isang overseas Filipino worker (OFW) makaraan patawan ng parusang kamatayan sa United Arab Emirates (UAE). Ayon kay Rajima Dalquez, inaresto noong Disyembre 12 ang 28-anyos niyang anak na si Jennifer makaraan mapatay ang among nagtangkang gumahasa sa kanya. Nasaksak niya ng employer gamit ang kutsilyong itinutok sa kanya.  Huling nakausap ng OFW sa telepono …

Read More »

Mag-ina pinatay ng amang Japanese nat’l

HINIHINALANG pinatay ng isang Japanese national ang kanyang mag-ina at pagkaraan ay nagtangkang magpakamatay ang suspek sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang sarili sa Parañaque City. Kinilala ang mga biktimang sina Raquel Ura, 43, at Kenji Alexis, 13, grade 8 pupil, kapwa nakatira sa Unit 20, Bayview Garden Homes 3, Roxas Blvd., Brgy. Tambo ng naturang lungsod, hinihinalang pinatay sa sakal. …

Read More »

2 contractor ng NAIA T1 check-in counter dinukot

PERSONAL na dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) ang misis ng dalawang contractor ng NAIA Terminal 1 check-in counter makaraan mabigong makabalik sa kani-kanilang tahanan, apat buwan na ang nakalilipas. Ayon kay NBI Agent Aldrin Mercader, ng Anti-Organized Crime Division, noong Pebrero pa dumulog sa kanilang tanggapan sina Susan Labonete at Nympha Eguna at inireklamo ang pagkawala ng kanilang …

Read More »

Nine-dash-line ng China sinisi sa tensiyon sa South China Sea

ISINISI ng Palasyo sa China ang pagtindi ng tensiyon sa South China Sea. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nagiging matingkad ang tensiyon bunsod nang isinasagawang reclamation activities at paggamit ng teoryang ‘nine-dash-line’ ng China sa kabila ng malinaw na isinasaad sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Ang pahayag ni Coloma ay bunsod ng …

Read More »

Alunan mangunguna sa prayer rally vs BBL

NANAWAGAN si dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III sa mga mamamayan na makiisa sa gagawing prayer rally sa Rizal Park (Luneta) bukas laban sa isinusulong ng pamahalaang Aquino na pagpapatupad ng kontrobersiyal na Bangsamoro Basic Law (BBL). “Millions of Filipinos oppose the BBL because it betrays the public trust, violates the Constitution, undermines national sovereignty …

Read More »

PNoy pusong bato? (Kentex fire victims ‘di pinuntahan)

HINDI ‘pusong bato’ si Pangulong Benigno Aquino III kahit hindi siya nagpunta sa nasunog na Kentex Manufacturing Inc., sa Valenzuela City at walang pinuntahan ni isang burol ng 72 obrerong namatay sa trahedya. Ito ang sagot kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa akusasyon ng ilang labor groups, muli umanong ipinakita ng asenderong Pangulo ang kawalan ng habag at …

Read More »

Sekyu nahulog sa 2/F patay (Tinamaan ng sariling baril)

  DAGUPAN CITY – Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng isang security guard sa Lungsod ng Urdaneta sa lalawigan ng Pangasinan, sinasabing nahulog mula sa ikalawang palapag ng gusaling kanyang binabantayan makaraan aksidenteng pumutok ang kanyang baril at siya ay tinamaan kamakalawa. Palaisipan ang pagkamatay ng biktimang si Mar Llego, residente sa Dagupan City. Sinasabing nag-iikot sa ikalawang palapag …

Read More »

6 paaralan sakop ng West Valley Fault

ANIM na paaralan ang nakatayo sa dinaraanan ng West Valley Fault. Kabilang sa mga tinukoy ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum na mga eskwelahang lantad sa pinangangambahang pagtama ng magnitude 7.2 lindol ang Sitio Karahume Elementary School sa Bulacan; Barangka Elementary School sa Marikina; Tibagan Elementary School sa Makati; Anne-Claire Montessori sa Taguig; Alabang Elementary …

Read More »